BREAKUP WORD: HINTAY

22 2 1
                                    

Hintay.

Yan ang salitang nagtuturo ng pagtitiis. Yan ang bagay na ayaw nang gawin ng iba dahil noong una, napaasa lang sila. Pero minsan ito rin and nagpapatatag sa pag-iibigan ng dalawa. Nagpapatibay sa samahan nila. Subalit kapag hindi nagawa, lahat ng pinaghirapan ay maglalaho na parang bula. Parang kandila na naihipan ng hangin at mamamatay bigla.

Hintay.

Salitang binitawan ng isa na paniniwalaan ng kanyang sinta na sa bandang huli ay bibiguin nya rin pala.

Hintay.

Salitang ginamit nyang dahilan para sa iba ay makipaglandian.

Hintay.

Salitang pinakmukha kang tanga dahil sa kanyang salita ay naniwala ka.

Hintay.

Bagay na iyong ginawa na di mo na pinag-isipan dahil sa pag-aakala mo na wagas ang inyong pagmamahalan at sa bandang huli ay iyong pinagsisihan dahil sa iyo ito ay nagdulot lang ito ng kabiguan.

BreakupTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon