"Uy gwapo. Tsk. Baka suplado."
Scroll down.
"Okay. Add friend. Ew. Talagang ako pa ang nang a-add? 'Di bale na. As if naman kinabawas 'to ng ganda ko."
Flip ng hair.
"Limang add friend nga lang. Kapagod mag click."
"Para kang timang 'jan." Napa pause ang aking pag scroll down with poise at tumingin sa nagsalita.
Tinaasan ko lang ng kilay si Brice na kasalukuyan ding nakadapa at nag pi-facebook sa paanan ng kama ko.
"Pretty naman."
"Pati ba naman sarili mo pina-paasa mo, Chi?"
"Ikaw kailan ka uuwi?"
Napa bangon siya at tumabi sa akin.
"Grabe ka sa akin. Ang harsh mo."
"At ikaw kailan naging hindi?"
"Parang ang bait ko naman para ganyanin mo. Hindi, joke lang."
Naghihintay ang mga salitang gustong lumabas sa aking bibig ng tumunog ang aking laptop dahil sa notification galing sa facebook.
"Sino 'yan?" Tanong ni Brice at isiniksik sa akin ang mukha.
"Akihiro Sotto."
"Sotto?"
"Charot lang. Hechanova. Walang mata? Hindi mabasa? In-accept ang friend request ng magandang si ako, hindi mo ba nakikita?"
I clicked his name ang checked his profile.
"Uy, stalker." Hindi ko nalang pinansin ang babaeng pabebe sa aking tabi.
"Famous ang loko. Kilala mo 'to? Nasa same school lang tayo pero ni minsan hindi ko 'to nakita, a. Palagi sigurong absent, ano? Uy tingnan mo 'to, kasali siya sa pageant sa Mr. U?" Tanong ko sa sarili. Oo, sarili ko ang kina-kausap ko.
"Hindi ko nahabol mga tanong mo. Masyadong mabilis." Sagot ng nasa tabi ko.
"Tahimik please. Hindi ako maka focus."
Kinurot niya in a kiliti way ang tagiliran ko causing me to backflip and spin three times. Joke. Napa spread wide open lang ang mga kamay ko.
"Ano ba. Umayos ka nga. Kilala mo 'to 'no? Bakla 'to?"
"Ay grabe ka. Noong isang araw lang tayo nag symposium sa gender equality. Sumali lang ng pageant bakla na? Hindi pwedeng lalaking-lalaki? Gwapo, maputi pero walang abs?" Aniya at nakatirik pa ang mga mata.
Napatingin ako sa pisngi kong may butil pero hindi succesful kasi naduduling ako.
Tinakpan ko ang bunganga niya at pinitik sa noo.
"Yung laway mo tumalsik sa pinkish white glow kong cheeks! Nahiya ang shower sa laway mo."
Natawa naman ang bruha.
"Grabe ka talaga sa akin, Chichi. Pasundo kita kay San Goku, e." Saad niya at natawa.
"Ba't ka natatawa? At ako ang ipapasundo mo? Diba pamamahay ko 'to?"
"Joke 'yun uy!"
"Hah! Joke pala 'yun? Tatawa na ba ako?" Ani ko at pina ikot ang aking beautiful eyes pero nasobrahan yata dahil medyo nahilo ako.
"Grabe ka talaga."
"Ewan ko sayo. Doon ka nga!" Saad ko at nag ipon ng chakra bago ubod ng lakas siyang tinulak sa tabi.
Tumunog ulit ang aking laptop kaya napabaling ako doon.
"Ahh. Aray ko."
Nanlaki ang mata ko at tiningnan isa-isa ang 72 tabs na open sa walong incognito sa aking Google Chrome.