"Ate, pwede na ba ako mag girlfriend?"
Naibuga ko ang kalahating basong tubig sa nakatungangang si Edta sa aking gilid. Mabilis pa sa alas kwatrong umalis ito at matalim na tumingin sa akin.
"Zech naman!" Ani ko at may kasama pang padyak kahit naka upo kaming dalawa sa hapag at nag di-dinner.
"Ang OA ni Ate. Nagtatanong lang naman."
"Ang bata-bata mo pa para sa mga ganyang bagay, ha! Don't me! Tapusin mo muna ang pag aaral mo. Gayahin mo ako. Single pero pretty." Ani ko at nag flip ng hair.
"Pretty nga, single naman." Bulong niya ngunit rinig na rinig ko naman.
Isinubo ko ang isang kutsarang kanin, tumingin sa kanya at tumikhim. Nang matapos ko nang nguyain ay napatingin ito sa akin.
"Alam mo kapatid, hindi naman kasi 'yan minamadali. Yang mga bagay na 'yan, makapaghihintay 'yan. Walang mali sa pagmamahalan kung tama ito. Pero saan ba 'yan pupunta kung may trabaho kana, diba? Mas masarap gumastos ng pera kapag pinag hirapan mo." Ani ko.
"Okay po." Sagot niya naman at inosenteng nakatingin sa akin.
"Bakit, may crush ka ba? May mahal ka na ba? Sino? Kilala ko?"
Napaasim ang kanyang mukha.
"Wala Ate. Yung mga ka klase ko kasi nag uusap kung vacant, sabi nila masarap daw kapag may girlfriend ang isang lalaki."
"Naku, mas masarap kapag may trabaho na kayo pareho. 'Yung hindi na kayo umaasa sa isa't-isa kasi kahit mag break kayo--"
"Break agad? Ate naman. Ang bitter mo talaga."
"Hindi ako bitter. I'm better. Look at me, Zech--"
"I am looking nga po."
Napa face palm ako pero hindi malakas. Mamaya bumakat na naman ang kamay ko sa aking pinkish white glowing skin.
"Hindi literal, kapatid. Look at me, I mean nakikita mo ba? Wala akong pino-problema maliban sayo. Joke. Pero seryoso, wala akong iniisip na iba, walang hassle, stress free, walang akong iniiyakan. See?"
"Umiiyak ka kaya kay Daddy."
"Ibang usapan naman 'yan."
Sumubo siya at mabagal na ngumuya.
"Pero depende naman 'yan sayo. Kung maaga pang tumibok ang inosente mong puso at feeling mo nalaglag ka sa 85th floor ng isang building kapag nakikita mo ang nag iisang babaeng nagpapalakas ng dugdug ng puso mo, edi go. Hindi kita pagbabawalan. Pero make sure na ipapakilala mo sa akin. Hindi kay Brice, hindi kay Gray o sino pa. Sa akin dapat. Kuha mo?"
Maagap itong tumango at inubos ang ulam namin.
Napaka baboy kumain hindi naman lumalaki ang katawan.
-------
"Hay salamat!" Tamad kong saad at nag stretch ng buto-buto. Kakatapos ko lang mag review sa Clinical Pathology at patalong naglanding sa kama. Halos magkastiffneck ako sa limang oras na pagbabasa.
In-open ko ang aking laptop at nakitang ala una na ng umaga. Medyo antok na rin ako pero nakuha ko pang mag log in sa facebook.
Naalala ko ang lalaking nakita ko noong isang araw. Siya yung Akihiro na biro ko kay Brice.
I typed his name on the search button. Mabuti nalang at friends na kami.
Nag scroll down ako at nag scroll down. Famous pala talaga.
Naririnig ko ang sigaw ni Brice sa aking utak.
"Stalk pa more, Chichi!"
I rolled my eyes gently. Mamaya mahilo na naman ako sa pag iinarte ko. Tiningnan ko ang mga comments. Napabuntong hininga ako. Well, he's just a typical good looking guy every girl is falling head-over-hills for. Nothing's special about him. I guess.
-------
Halos madapa ako sa panunulak ng aking mga kaklase papuntang gymnasium ng University.
"Bakit ba kasi ako dapat yung nauuna? Understood naman na ako ang pinaka pretty dito. Hindi na natin kailangang ipangalandakan. Pag ako na discover sa PBB, lagot kayo sa akin." Ani ko na kanina pa reklamo ng reklamo.
"Ikaw nga kasi yung pretty kaya ikaw dapat mauna. Go na nga lang kasi." Ani Ysa na walang ginawa kundi mag inarte at mag pa cute sa mga varsity.
I rolled my eyes and shut my mouth. Ang plastic!
Sa kakalingon ko sa kanila ay hindi ko nakita ang lalaking paparating kaya nagkabanggaan kami at tumilapon sa aking pinkish white glowing skin ang kanyang newly-opened-crystal-clear-mineral-water.
Parang nag slow motion ang paligid at alam kong papunta sa akin ang tubig pero hindi ako nakailag kasi agad na bumilis ang pangyayari. May ganoon ba?
Hindi ako nakatili at pumirmi lamang sa aking kinatatayuan. Naka buka pa ang aking bibig na animo'y hindi makapaniwala.
"Miss, sorry. Sorry. Are you okay?" Tanong ng lalaking ang taas na feeling ko may lahing kapre. Dumukot ito ng panyo sa kanyang bulsa. Napatingin ako doon at nakitang color pink ito. Yung totoo, Kuya?
Nakataas ang aking pinky finger ng kunin ang panyo sa kanya at marahing pi-nat ito sa aking basang glowing face.
"Ul! Let's go!" Sigaw ng kanyang kasama malapit sa entrance ng gymnasium. Marahil ay hindi nakita ang nangyari.
Napalingon ito at hindi ko nakita kong anong klaseng face dance ang kanyang ginawa. Napa tango lang ang kanyang mga kasama at naunang lumabas.
"Sorry talaga Miss." Aniya at kinuha ang panyo sa akin at ipinahid ulit sa aking pinkish white glowing skin. Paulit-ulit.
Kinuha ko ulit yun sa kanya.
"Kuya, I am fine po with a capital F, okay? Eto po. Maraming salamat." Ani ko at ibinalik ulit sa kanya ang kanyang pink na panyo.
Lumingon ako para makita ang aking mga ka klase at nakita silang nakikipagharutan sa mga contestants para sa Mr. U. Ang bilis nilang nawala. Mga walangya! Alam kong nasa likod ko sila kanina, ni hindi man lang ako tinulungan! Pwe.
"Sige po. Mauna na ako." Saad ko at mabilis na umalis doon. Hindi na ako lumingon kahit tinawag niya pa ako.
I picked a small part of my uniform para hindi bumakat ang aking kaluluwa dahil puti ito. Habang naglalakad sa hallway, nakita kong naglalakad rin papunta sa akin 'yung lalaki sa facebook. Magkakasalubong pa yata kami!
Dali akong nagtago sa terrace ng corridor. Ay kasali nga pala siya sa Mr. U!
Mga 1 minute na akong nakatayo at nakatalikod pero hindi pa rin siya dumadaan. Napaisip ako na siguro ay bumalik ito at may kinuha bago pumunta sa gymnasium.
Half of my mind is thinking na hinihintay niya akong lumabas. Pinitik ko ang ulo ko. Hindi ako gaanong nasaktan kasi mahina lang naman. Mamaya magka lagnat pa ako.
Lahat ng dumadaan sa corridor ay napapatingin sa akin dahil nga basa ang uniform ko. Nang halos tatlong minuto na akong nakatayo doon at pinagtitinginan na ako ay nagpasya akong umalis at tumakbo.
"Thank you for the support, boy."
Yun lang ang narinig ko na sinabi niya sa kanyang kaharap na sa tingin ko ay isang freshman. Nang papalapit na ako para daanan siya ay mabilis siyang napatingin sa akin. Sa una'y medyo nagulat pa ito pero kalauna'y ngumiti. Hindi ko alam kung natatae o natatae talaga ang mukha ko kasi nahihiya at kinakabahan ako. Medyo tuyo na ang damit ko pero bakat pa rin.
Nakakunot ang kanyang noo ng makitang naka cross ang aking kamay sa aking dibdib. Sa susunod nalang ako mag papacute sa kanya.
Mabilis akong tumakbo paalis doon gamit ang aking super feet.
Adios Mio! 'Till we meet again. Charot.
ヽ(*≧ω≦)ノ