Sabado ngayon ng 4pm. Wala kaming ibang ginawa ni Brice kundi ang mag aral buong araw. Ngayon lang kami nakapag break at dinalhan ni Zech ng meryenda.
"Facebook ka na naman." Ani Brice habang ngumunguya. Bastos talaga 'tong babaeng 'to.
"Minsan lang naman. Tumahimik ka nalang. Hindi ako makapag concentrate." Maarte kong saad sa kanya.
"Pambihira talaga."
Halos maubos ko nang i-save ang mga pictures ni Koyang Akihiro sa aking phone. Wallpaper, screenlock, pati profile pic ko sa twitter ay siya.
"Sige, umasa ka pa."
Hindi ko nalang pinansin ang kj na si Brice.
Maya-maya pa, pagkatapos kong i-refresh ang news feed ko ay may hindi ako inaasahang lumabas.
May isang babaeng nag post ng "Happy Anniversary" at naka tag siya. May mga sweet pictures sila. Merong nakakiss ito sa cheeks ng babae. Naka piggy back ride ang babae sa kanya. Naka hug silang dalawa. Merong naka kiss ito sa forehead ng babae. At marami pang masasakit sa mata.
Saan galing ang babaeng ito at hindi ko nakikita? Bakit hindi ko alam na may girlfriend na pala siya. Ang tanga. Gusto kong matawa.
"Chi, okay ka lang?" Nag aalalang mukha ni Brice ang aking nakita.
"Hay, pagod ako. Uwi ka na at magpapahinga muna ako. Sige na, please."
Napabuntong-hininga lamang siya at mabilis na lumabas. Sinundan ko siya hanggang pinto at agad itong ni-lock pagkalabas niya. Mabuti nalang at sound proof ang kwarto ko.
Kinuha ko ulit ang phone ko at paulit-ulit na binasa.
'Yan, itaga mo 'yan sa kokote mo, Malachi. Taken na si Koya. Magkakacrush ka, magmamahal ka na nga lang may sabit pa. 'Yung may mahal pang iba.
I harshly wiped my tears on my cheeks. Am I not capable of being loved? Ano bang requirements para mahalin?
Natatawa ako sa sarili ko. Tanga. Hindi niya naman kasi sinabing wala siyang girlfriend. Ako lang 'tong nag kusang loob na gustuhin siya.
Naiyak ako lalo ng maisip na sayang ang effort ko kaka-save ng pictures niya.
Teka, bakit ko nga ba siya nagustuhan? Wala akong maisip na dahilan.
Dalawang gabi ko lang naman siyang iniyakan. Opo. Umiyak ako. Tanga 'no? Pwe. Ayokong matulad kay Daddy. Gusto ko kapag nagmahal ako, hindi ako maglilihim, hindi ako gagawa ng bagay na alam kong makakasakit ang taong mahal ko.
Pag dating ng lunes ay tahimik ako. Wala akong ganang pumasok dahil wala nang masyadong ginagawa sa skwelahan kasi malapit na ang Mr. and Ms. U. Uuwi na sana ako pagkatapos ng lunch kaso nagmakaawa sa akin si Brice na manood ng practice para sa intermission number ng pinsan naming si Gray. Hindi ko alam na sumasayaw pala ang jologs na 'yun.
Andoon sa isang bench nakatambay ang mga pinsan namin at nagtatawanan. Nandoon rin si Zech, ang kambal ni Gray na si Dacia, at ang bunso nilang si Luna.
Nag paalam sina Dacia, Zech at Luna na bibili ng pagkain at babalik din agad kaya naiwan kami ni Brice sa bench. Sa field naman nagpapractice sina Gray at ang Dance Troop ng University. Hindi talaga ako makapaniwala nung una e. Sumasayaw nga talaga si Gray.
"Chi, wait lang kukunin ko lang ang Laboratory Manual ko sa locker para diretso nalang tayong umuwi mamaya. Wala pa naman sina Dash. 'Wag kang aalis dito at 'yung nga bag natin baka mawala." Tiningnan ko siya ng matalim.
"Anong akala mo sa akin bata?!" Asik ko sa kanya. Napatalsik tuloy yung laway ko.
"Ew. Oo na. Jan ka lang." Aniya at umalis.
I fished my phone out of my pocket. Alangan naman mag isip ako ng tupa dito. Napatingin ako sa ibang bench at nakitang puro love birds ang naka upo. Psh. Mag bi-break din kayo.
Wala pang dalawang minuto ay may maingay nang parating sa bandang likuran ko. Hindi ako lumingon dahil tinatamad ako. Siguro ay sina Dacia na yan.
Ngunit lumampas lang sila sa bench na kinauupuan ko at patuloy pa rin sa pagtawa.
Lima silang magkakasama. Dalawa ang babae at tatlo ang lalaki. Kasama doon si Akihiro at naka akbay ito sa girlfriend niya. Lumingon sa akin ang babae at na confirm kong ito nga 'yung nag post sa facebook noong nakaraan na may greetings with picture pa sa kanilang "Anniversary".
Parang kinurot ang puso ko. Nag iwas nalang ako ng tingin at pinanood lang sina Gray sa 'di kalayuan.
Malakas na sumigaw ang isa nilang kasama.
"Selos na ba itu?"
"Walang paki, Aki."
At malakas na tawanan ang kasunod. Napatingin ako sa kanila at magkalayo na sila noong girlfriend niya.
Nang nakita kong parating si Brice ay kinuha ko ang bag ko at naunang umuwi. Hindi ako masokista. Kapag alam kong nasasaktan ako, kung kaya kong iwasan at layuan gagawin ko.
Pagkauwi ko ng bahay ay agad akong nag half bath at natulog. I put a note sa labas ng pinto for Zech to know na busog ako at gusto ko nang magpahinga kahit 5 pm palang. Hindi ko alam kung anong oras na ako nakatulog.
Isang mahinahon na pagtawag sa aking pangalan ang nagpagising sa akin.
"Chi. Wake up."
Si Brice? Anong masamang hangin na naman ang nagpadala sa kanya dito? Anong oras na ba? Bakit ang aga niya?
"Kanina pa naghihintay ang boyfriend mo sa labas."
Inis akong napabangon. Ke aga-aga pa ah. Istorbo!
"Bilisan mo. Nakakahiya sa kanya. Kanina pa 'yan naghihintay sa labas."
Napakamot ako ng ulo at kunot noong lumabas ng kwarto.
Nang nasa sala na ako ay doon ako natauhan.
"Wala akong boyfriend!!!!!!" Pagkalakas-lakas kong sigaw.
Halos mabingi ako sa kanilang tawanan. Napatingin ako sa mga taong nasa loob ng bahay.
Halos matae si Gray sa kakatawa at may hawak pang video cam. Si Zech naman ay halos mawala na ang mata. Si Dacia na tahimik ay malakas ang halakhak. Si Luna ay naluluha. Si Brice naman ay nakahawak ang kamay sa tiyan at nagpapadyak pa.
The sight of them made me smile kahit naiinis ako. Napatawa na rin ako. Naki pag high five pa sila sa akin.
"Ate, sorry. Si Kuya Gray talaga ang may idea nito." Paliwanag ni Zech at naka hug na sa akin. Aww. My sweet babyboy.
"Sorry po, Ate. Dito daw po kasi kami matutulog. Dala na po namin ang uniforms naming lahat nina Ate at Kuya para po bukas." Masayang wika ni Luna.
"Yes, Chi. Dito kami matutulog. Payag ka o hindi." Nakangiting dagdag ni Dacia.
Napangiti ako sa kanila. Napatingin ako sa wall clock ng sala at nakitang 9:00 pm palang.
Bigla akong sumeryoso.
"Napakawalang-hiya niyo, ano? Ang ganda ng tulog ko!"
Nawala bigla ang mga ngiti sa kanilang mga labi at napalalitan ng takot ang kanilang mga mukha.
"Joke lang!" Ani ko at nag peace sign sa kanila.
Nagtawanan ulit kaming lahat. Afterall, may pamilya pa akong nagmamahal sa akin. And He's there up above, guiding and blessing me. Thank you, Heavenly Father.
ヽ(*≧ω≦)ノ