Binuksan ko ang ilaw at nakita ko naraman ang aking kapatid natutulog sa aking folding bed.
Maaga kaming naulila ng aking kapatid. At sa murang edad ay naghanap buhay ako. Noong tumuntong na ako sa edad na 18 iniwan nakami ng kumupkop sa amin. Nagtiis lang naman daw sila ng ilang taon dahil sa awa sa amin.
Ngayon ako lang ang nag aalaga sa aking kapatid. Isa akong bartender at waiter. Bali sa umaga waiter at pagwala kaming ano mang gagawin nag bartender naman ako.
Noon pa man ay hilig ko na ang musika. Ito ang bumuhay sa ilang taong pangungulila ko sa aming mga magulang. At ito ang naging lakas ko sa araw araw para sa aking kapatid.
Isang araw nagising na lang ako na gusto ko bumuo ng grupo. Wala akong kilalang kumakanta at nahihilig sa rap music.
Halos nawalan na ako ng pag asa pero isang araw.
Wala akong trabaho. Walang wala ako. Paano na ang bukas namin ng kapatid ko.
Wala akong maisip. Sa panahong ito pupulutin talaga ako sa kalsada.
Inilabas ko ang aking music sheet. Binasa ko ito at sinimulang bigkasin sa alam kong paraan.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~ Play at the side~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Natapos na ang kanta. Tumingin lang sila sa akin. At nagulat na lang ako.
"Ang galing mo."
Parang buhos ng ulan ang mga taong nagpalakpakan.
At sa buong araw ganun nga ang ginawa ko. Kahit papaano may mga ambon ng limos akong natanggap.
At..
Isang lalaki ang lumapit sa akin.Nagulat ako dahil sinabayan niya ng sayaw ang aking ginagawa.
Natapos ang aking ginagawa at kinausap ko siya.
"Anong ginagawa mo?" tanong ko.
"Edi tinutulungan ka..."
Mas marami kaming natanggap. Binigyan ko siya kahit papaano.
"Wag na kuya sa tingin ko mas kailangan mo iyan..ah ako nga pala si Jonat!"
At doon nakilala ko si Jonat.Naging kaibigan ko siya. Magaling sumayaw si Jonat at gumagawa rin ng kanta.
***********************************************
Naging kasama ko siya sa kalsada noon. Hanggang....
"Jonat may trabaho na ako." sabi ko.
Nalungkot siya. Nakita ko ang lungkot sa kanyang mga mata.
"Wag ka mag aalala gagawa tayo ng grupo." sabi ko na lang.
Napangiti ko siya at ako.. ay napasubo dito. Ang totoo wala akong alam tungkol doon.
Hindi ko nga maisip na ako... magkakaroon ng grupong ito.
Sa ngayon tatlo pa lang kami. Isang magaling kumanta na si Dingdong, ako at si Jonat.
Kailangan pa namin ng iba.
*************************************************
Nagising ang kapatid ko.
"Kuya!" tumayo siya at niyakap ako.
"Kumain ka na ba? " tanong ko.
Ang galaw lang ng ulo niya ang sagot niya. Galaw ng pag sang ayon.
"Ang kuya mo hindi pa." sabi ko.
"Kuya gusto mo paghandaan kita?"
"Wag na ako na matulog ka na."
Nakita ko ang inis sa mukha nito. Mahal talaga ako ng kapatid ko.
"Umakyat ka na at ako na bahala dito." Utos ko sa kanya.
"Opo kuya..."
Umakyat na nga siya.
Ako naiwan sa baba at kumain.
Comment lang ^_^