Katulad ng inaasahan nagising naraman ako sa tunog ng aking alarm.Bumangon na ako at naghanda.
" Magandang umagang young master!" bati sa akin ng aking personal maid. Maayos na ang lahat.
Pumasok ako sa banyo at ibinabad ko ang aking sarili. Sandali pa ay tumayo na ako. Papasok na ako sa skwelahang pinili ng magulang ko.
*************************
"Hello Jay" Bati sa akin ng napakagandang babae.
"Jay samahan mo akong magmall ha!" sabi niya.
Siya ay walang iba kung hindi ang aking kasintahan na si Pink.
"Pink.. ah... sige..." Hindi ako makatanggi kung hindi ako naraman ang mapapagalitan ng aking ama.
Nakatakda na kaming ikasal sa oras na makapagtapos na ako ng kolehiyo.
**************************************
Sa mall
Kung saan saan ako dinala ni Pink. Ang cute ni Pink sa lahat ng damit niya pero kahit ganun kailan man hindi siya nagsuot ng pink.
"Gusto ko iyon." Turo ko sa isang pink na sapatos na nakita ko.
"PINK? Gusto mo pagtawanan nila ako?" sabi niya sa akin.
"Sorry nalimutan ko." sabi ko.
Pagkaming dalawa asal kalye ang napakagandang babae na ito. Siya ang nasusunod.
***********************************
Pauwi na kami at marami akong bitbit nang may marinig ako.
~~CHYEAH~
Ang pagkasabi niya ay kakaiba at napalingon ako.
"Anong tingin tingin mo dyan Jae? Uwi na tayo!" sabi niya sa akin sabay hampas sa braso kong dala lahat ng pinamili niya.
"Wala." sagot ko.
Sa sasakyan hindi ako mapakali. Ang malalim na boses na iyon. Nakakaingganyo. Gusto ko uli marinig ang boses niya.
Pag uwi ko sa bahay nag umpisa akong maghanap sa youtube nga mga rappers na taga dito sa amin. Ni isa wala akong nakita.
Nakakainis nafufrustrate ako.
***********************************
Nagsimula akong dumaan daan sa videokehan na iyon. Pero hindi na uli naulit ang pagkarinig ko ng simpleng katagang iyon.
At nagsimula doon ang pagkahilig ko sa kanta.
Nagsusulat at kumakanta ako.
"Young master ang ganda ng boses nyo po." Masayang sabi ng aming katulong.
"Young master isa pa please!"
Kumanta uli ako.
Nagpalakpakan sila.
Hanggang dito na lang ang kinaya ko.
At sana balang araw makilala ko kung sino man siya.