Escape from bullies

15 0 0
                                    

Hindi lahat ng mga bullies sa amin mabait katulad ngayon.

“Ano dali kunin mo na ang  answer sheet kay ma’am sipsip ka naman dun ah!” singhal sa akin ni Tim.

Kinakabahan na talaga ako. Hindi ko lubos maisip na gawin ang pinagagawa nila pero kung hindi ako magsasabi na kukunin ko marahil hindi pa nila ako bibitawan.

Isang malaking pasa ang mayroon ako sa aking braso. Matindi ang pagkakahawak nila sa akin. Oo sa huli bumigay ako at hinayaang gawin ang gusto nila.

Napatingin ako sa lalaking nakaupo sa lilim ng puno. Nakaupo uli siya at tumutugtog ng gitara. Naiingit ako sa kanya. Sana namumuhay rin ako ng payapa. Alam ko mayaman ang lalaking iyon at mas nakakatanda sa akin ng isang taon.

Tumalikod na ako. Nanlulumo ako sa sarili ko. Kung sana kaya kong labanan sila. Sa taas kong 184cm napakaduwag ko at napakahina ko. Kinuha ko na lang ang ipod ko at nagsimulang patugtugin ang isang kanta ni Eminem. Yung soldiers.

Tumunog na ang Bell oras na para sa hapong klase at ako malapit ko ng gawin ang ninanais nila. Gusto ko mag isip ng palusot pero habang nakikita ko ang oras na lumilipas lalo naman akong natatakot.

Wala ni isang sinabi ng aming teacher ang naitindihan ko. Para akong manhid. Nanlalapot ang aking pawis at sobra na talaga ang kaba ko.

Natapos ang una naming teacher.  Pumasok na ang pangalawa. Nakita ko na  busy sila Tim sa kung ano mang pinapanood nila sa cellphone. Naisip kong tumayo at sa C.R. na lang magtago pero..

“Anong gagawin mo?”

“Mag CCR.” Sagot ko sa alipores ni Tim.

“Bawal sabi ni Tim.”

“Naiihi na ako.” Sagot ko.

“Bawal sabi eh. Mag tiis ka.”

Napaupo na lamang ako sa aking upuan. Ngayon parang totoo na akong naiihi dahil sa kaba.Tinignan ko ang aking paligid para pagbalingan ng aking tingin. Nakita ko si Jonathan na kangiti. Ang ngiting nakakainis. Nakakaloko talaga na parang ako lang ang nginingitian. At dahil doon nabaling ang atensiyon ko. Parang nawala ang kaba ko tinitigan ko na lang siyaat napalitan ng katuwaan. Nakakatuwa ang kanyang ngiti. Isang bagay na pinagpapasalamatan ko kahit papaano dahil nawala ang inis ko.

Si Jonathan ay matalinong tanga para sa lahat sa skwelahan.

Oo tama ang sagot niya pero minsan napagbabaliktad nya. Nagkakamali rin siya sa mga bagay bagay at isa pa Nakakatawa siya dahil sa napakainosente niya sa mga bagay bagay.

Naalala ko pa na hindi siya marunong magbasketball. Ako marunong? Ay hindi rin. Parehas kaming pinagtawanan noong araw na iyon. Kung tutuusin yun lang ang alam ko sa kanya. Maliban sa mahilig ngumuti ay ang pagiging inosente na para bang tanga.

Hindi ko akalain na matatapos na ang pangalawa naming teacher. At ako ay nabigla. Mamayang uwian na mangyayari ang gusto nila.

Nawalan ako ng pakiramdam. Nagpapawis pa ako. Bawat patak ay parang naririnig ko. Nanlalamig na rin ako at nanlalagkit. Hindi ako makahinga ng maayos dahil sa sakit ng ulo ay parang matutumba na ako.

Pero may nakasalo sa akin. Si Jonathan…

Nagulat ako bumulong siya.

“Uwian na mabuti pa sa clinic ka na… alam ko may problema ka ito lang ang solusyon. Pumikit ka.”

Sinunod ko lang ang nais ni Jonathan.

Sinugod kami sa clinic.

Ngumiti ang nurse.  “Narito ka naraman  Jonat?”

“May kasama po ako no!” sagot niya.

“Masama pa ba pakiramdam mo?” tanong niya noong hinarap ako.

“Hindi na. “ sagot ko.

“Sabi ko na nga ba kinabahan ka.”

“Bakit naman ako kakabahan tanong ko.”

“Kasi may papagawin sila sa iyo.” Sabi niya.

Nanigas ako sa sinabi niya.

“Narinig ko ang lahat. Ate Choa tignan mo nga ang braso niya.”

Tiningnan nga ang aking braso.

“Ang laki ng pasa. Pero hayaan mo na lang mawawala rin iyan.” Sabi ng nurse doon.

Natakot ako umuwi.

“Hindi ka ba uuwi?” tanong niya.

“Hindi pa.” sagot ko.

“Kung ganoon sumama ka sa akin. Promise sasaya ka.”

“Pero….”

“Ano ba sasama ka o magtatago dyan?”

“Sige sasama.”

Nagulat ako at hindi kami sa gate dumaan.

“Kaming mga taga school lang ang may alam nito.” Sabi ng nurse.

Lumabas na kami sa maliit na gate at dinala ako ni Jonathan sa isang talyer.

Chyeah~Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon