Araw ngayon ng date namin ni Pink. Katulad ng dati ang sweet ng itsura nya. Naka dress siya na kulay dilaw at matamis ang ngiti. Kung di ko lang siya kilala malamang akala ko nahulog siyang angel sa langit.
Napatingin siya sa akin.
"Anong tinitingin mo pinagnanasaan mo ko no?" sabay kurot sa aking ilong. Kahit kelan talaga ang kulit kulit niya.
"Napatingin lang ako at dumating ka na."
"Dali na magshopping date na tayo."
Sanay na kami sa set up na ito. Yung magdadate kami linggo linggo.
Nasa loob na uli kami ng mall.
Kung ano ang pinagtuturo nya. Ayun ayan. Ang dami kong dala.
"Hindi naman ako ugurin sa lagay kong ito Pink."
"Kulang pa bago ka maging kuba. ahahaha" sabay tawa pa nya.
Tama nga siya kulang pa iyon. Pagtapos naming maikot ang department store sa mga botique naman ang naisipan niya.
"I like that and that." ganyan siya pag alam nya kilala siya. Sosyal rin ang masamang ugali nya umeenglish pa.
Narinig kong nagbulungan ang mga saleslady sa shop na iyon.
"Diba sila ung sa tapat na hinakot lahat ng damit. Ang swerte ni girl lahat nakukuha niya. Ang cute pa nila bagay sila. Kaya lang nauunder niya si Boy."
Akala ko di narinig ni Pink iyon.
"What did you say? Under? Excuse me but don't talk when you can even reach my height girl."
Syempre hindi nainitindihan ng babae ang sinabi ni Pink.
"Sorry na sige babayaran ko na lahat ng pinamili ng asawa ko."
Nagtinginan sila sa akin. Nanlaki naman ang mata ni Pink.
"Jay!"
"Ano ka ba wag kang mahiya kalaunan magpapakasal rin tayo diba?"
Nagtatakbo siya at halatang namula ang kanyang mga pisngi.
Napunta kami sa food court.
"So talagang dito tayo kakain?"
"Ikaw nagdala sa akin dito." sabi ko sa kanya.
"Eh kasi naman nakakahiya ang sinabi mo eh." Nagblush pa siya lalo.
Niyakap ko sya at bumulong. "Sa totoo naman e."
Pumiglas siya at nagsabi. "Gutom na ako bitawan mo na ko."
"Ok"
Kahit kelan di talaga sweet si Pink sa akin.
Pumili ka kami ng pagkain.
Masayang kumakain si Pink at ako pinagmamasdan ko lang siya.
Sa totoo lang natuto na akong mahalin siya habang tumatagal.
Habang nakatutok ako sa kanya rinig na rinig ko ang parehas na boses pero ibang salita na ang narinig ko.
"Ok sige."
Nakatingin ako sa matangkad na payat na lalaki na nakasando.
May kasama itong batang babae na hindi nalalayo sa aming edad.
Tumayo ako.
"Di ka pa tapos kumain ah."
"Busog na ako ikaw ba?"
"Busog na rin."
"Pink punta tayo doon." turo ko sa kanya sa videokehan na iyon.
"Ang cheap mo talaga Jay."
"Sige na gusto ko lang kumanta."
"Okay sige na nga." pagsang ayon nya rin.
Papunta na kami roon para sundan ang dalawa.
At doon sa videokehan narinig kong kumanta ang lalaki ng rolling in the deep ni Adele.
Siya nga ang hinahanap ko.
"Akala ko ba kakanta ka. Eh bakit ka nakatingin sa magkasintahan lalo na sa lalaki."
"Ha ehhh"
"Bakla ka ba Jay?"
Nakita kong lumabas ang dalawa kaya tinakbo ko sila at naiwan ko si Pink.
"Hi ako pala si Jay... at"
Nakakunot na nakatingin siya sa akin.
"Ako si Jay fan mo ko gusto ko sanang......"
Bago ko matapos ang sinabi ko ay isang sampal ang nakuha ko.
"Bakla ka pala Jay."
Nagtatakbo siyang umiiyak at sa mall ay napahiya ako.
Hindi ko alam ang gagawin ko. Nawala na rin sa paningin ko ang lalaking kausap ko.
Nakatayo lamang ako sa gitna ng mall.