Dingdong~

15 0 0
                                    

Umalis na ang lahat sa aming Hq pero ako lang ang naiwan.

Matagal na akong nakatira dito.

Ang lugar na ito ay pag aari ko.

Sa umaga isa itong talyer.

Sa gabi isa itong practice ground namin,

Wala akong trabaho kung hindi ang mag ayos ng sasakyan.

Hindi na ako nag aaral.

Hindi ko na rin pinili kasi iyon.

Marami akong pangarap at ang pag aaral ay malayo sa pangarap na gusto ko.

****************************************************************

Isang tao ang tumalak sa akin.

" Gising gising pag may time.."

Tawanan ng mga tambay sa talyer na katabi ng isang tindahan. Hay mga tambay nga naman.

" Sige nga Dingdong kanta na!! Kanta na!!"

Katulad ng dati lagi na lang nila akong pinakakanta.

Tumingin sa akin si Apollo ang kasama ko dito. Matanda na siya.

Alam ko sa mga mata niya sinasabi niyang pagbigyan na lang.

Inayos ko ang salamin ko at kumanta.

Nagpalakpakan sila ~

 " GAY! "

" GAY!! "sinigaw nila.

Nakakalungkot.

Sinuot ko uli ang mask ko...

Nagwalis uli...

Kahit kailan hindi na nila ako nirespeto.

Lumapit si manong sa akin at tinapik.

"Iho okay lang iyon. Basta alam ko magaling ka."

Natapos na ako maglinis. Nag umpisa na akong magtrabaho sa talyer.

Marunong akong magkumpuni ng sasakyan. Marunong ako alam na alam ko ang lahat tungkol sa sasakyan.

Isang babae ang lumapit...

"Hi Ding!"

Binati talaga ako ni Dada?

"Ding patulong naman oh!"

"Ano?"

"Pakibigay kay Lando!"

"Okay!"

Nakakasakit... na friendzone ako ng wala sa tyempo.

Si Dada na crush ko pa noon...

Umalis na siya at ako nalungkot.

"Walanjo mga pre nilapitan si Dingdong ni Dada!" sabi ng isang tambay.

"Oo nga kita mo mukha ni Ding wah naging bato!"

Nagtawanan ang mga tambay na iyon.

Umalis na ako mas lalo akong nasasaktan.

Chyeah~Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon