Escape from bullies 2

17 0 0
                                    

 Jonathan's P.O.V

Hindi ko alam kung bakit dinala ko si Louie sa talyer aka HQ namin. Hapon na at mag uumpisa na ang practice namin.

Agad akong sinalubong ni Dingdong.

"Ang aga mo. Ah sino yang kasama mo?"

"Si Zebastian Louie Sy."

"Zeb, si Dingdong nga pala."

Nakita kong nagbow lang siya kay Dingdong.

"Wag na di na kailangan yan." sabi ni Dingdong na nahihiya.

"Sinama ko lang siya dito dahil sa mga nangbubully sa kanya." Humarap ako kay Zeb at sinabihan ko na tumambay lang siya dito.

Isang tango lang ang sagot niya.

Dumating na ang leader namin.

"Bago ba yan?" tanong niya.

"Hindi kasama ko lang siya." sagot ko naman.

"Ah okay. Mag uumpisa na ba tayo?" tanong niya.

Naguguluhan si Zeb.Mababakas sa mukha niya ang takot na parang kanina lang.Napatingin siya sa amin. Marahil dahil na rin sa lalim ng boses ng aming lider.

"Relax wala kaming gagawing masama nood ka lang." sabi ko dahil mamababakas ang alanganin sa kanyang mukha.

Salamat naman at huminahon na siya. 

Sa likod ng talyer makikita ang isang maliit na kwarto. Nagtungo ako roon para kunin ang player na lagi naming gamit. Ang kwartong iyon ay ang bahay ni Dingdong.

Nakita ko na ang player at lumabas. Buti na lang at walang sasakyang nakaparada para gawin. Nag umpisa na akong buksan ang maliit na player.

Nakatingin lang siya sa amin. 

Inumpisahan ni Dingdong ang pagkanta.

At ang aming leader ay nagsimula na mag rap. 

Nanlaki ang mata ni Zeb. 

"Ang galing nila." sabi ni Zeb.

"Oo dalawa pa lang sila nyan ha. Wala pa ako." sabi ko. Syempre ibinida ko ang sarili ko sa kanya.

(I remember at the side <3 <3 <3 KInig kinig ka na lang  pag may time.)

"Wow." sabi niya sabay palakpak.

"Kita mo ang galing ng group namin."

"Pero kulang pa kami." sabat ng lider namin. Natapos na rin ang pag practice nila.

"Ayos naman po iyon ah." sabi ni Zeb. Nakangiti ito at parang excited.

"kailangan pa namin ng mga kasama.Ah gusto mo ba sumali?" tanong ng lider namin.

" Aaah..ko? Di ako magaling. Di ko kaya yan." sagot niya.

"Pwede ka naman magpractice." 

"Sali ka na.. sabi ko. Promise masaya talaga."

"Di ako magaling kumanta. Pwede na siguro ako alalay nyo." ngiting sabi nito.

"Alalay? Wala kaming alalay dito." sagot ni Dingdong nakisabat na rin.

"Okay kung ayaw mo sumali pero pwede ka pumunta dito." sabi ng lider namin.

Pumalakpak siya ng malakas. Tuwang tuwa siya.

Chyeah~Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon