Ang huling kabanata sa aking mahal paaralan

6.3K 63 13
                                    

Ang St. Joseph College of Manila ay nagbigay sa akin ng maraming alaala..

Dito ko natagpuan ang mga kaibigan ko.. 

Naging parte ito ng kabanata ng aking buhay...

Nursery.... Kinder.... Gradeschool... Highschool....

Halos buong buhay ng aking pag-aaral dito ko na binuhos...

Ngayong malapit na ang katapusan ng aking pag-aaral bilang highschool..

nalulungkot ako.... magkakahiwalay na kasi kami ng mga kaklase ko...

hindi na kami araw araw magkikita... hindi na kami makakapag-usap araw araw..

at minsan ko nalang sila makakasama....

parang ayaw ko pang gumraduate...

Ang dami kong mamimiss...

Mga matalik kong kaibigan... sila Karl at Trisha...

Mga teacher ko na nagturo sakin at gumabay.....

Mga kaklase kong madaldal..... sila Jeff, Shaina at Lea.....

mamimiss ko rin yung teacher ko na si Mr. Diaz, grabe hanggang ngayon may hang over pa ata ako sa bilis nyang magsalita.....

Sila Mr. Gonzaga at Ms. Chua, ang nagturo sa akin ng editing.. 

syempre sino ba namang hindi makakalimot sa canteen namin, Lagi ata kaming nakatambay dyan every break and lunch o kaya kapag nag cutting class....

Mamimiss ko rin ang mga sermon ng teacher....

mga walk outers... kapag sobrang ingay ng klase mag w-walk out nalang bigla...

Ang daming memories... mamimiss ko talaga ang St. Joseph!!!! 

Ilang araw nalang graduation na...

Nakakalungkot mang isipin, magpapaalam na kami sa isa't isa...

At sasalubungin na namin ang bagong kabanata ng aming buhay bilang kolehiyo.....

Isang Bagong Kabanata

Ano kaya ang meron sa College life...

Sabi nila ma eexperience mo daw ang lahat pagdating ng College...

Ikaw na daw ang gagawa ng desisyon kung papasok ka sa klase o hindi...

Iba iba ang mga kaklase... in short hindi na katulad ng high school...

Ano ba talaga ang gusto ko?

Ano nga bang course ang kukunin ko sa College..

Hanggang ngayon hindi parin ako nakakapag desisyon kung anong gusto ko...

Noong bata pa ako.. gusto kong maging doctor... para makatulong sa kapwa...

para makapagpagaling ng may mga sakit... pero nung lumaki ako..... 

gusto ko ng maging doctor para yumaman... mayayaman kasi ang mga doctor....

Noong nalaman ko naman na mahaba habang pag-aaral pala ang pagiging doctor...

sabi ko lawyer nalang.. kaso kailangan ng talino dun.. baka naman sumabog ang utak kaka-aral....

ngayong malapit ng mag graduation.. wala parin akong maisip... bahala na nga si batman.... 

Graduation Week

Isang stressful week para sa amin.. ang daming kailangang ipasang requirements para gumraduate..  At kailangan ko pang gumawa ng final presentation for this graduation... Nagpatulong na ako sa mga editors sa school... para matapos  agad... 


Matapos magpasa ng requirements sa lahat ng subjects....

Matapos mag edit for the final presentation....

Matapos ang isang stressful week....,

sawakas!!.. wala ng problema.. tapos na!!!

Graduation Day.

Ang araw na pinakamahalaga sa lahat...

Isang araw na puno ng emosyon..

Isang araw na puno ng pasasalamat...

Pasasalamat sa paaralan... sa mga guro na nagtiyagang magturo sa amin...

Sa mga magulang na nagpaaral... sa mga kaklaseng naging kaibigan...

at sa lahat ng naging parte ng high school life...

Ito na ata ang pinakamasayang araw sa buhay ko!!!

Dahil sawakas natapos ko rin ang high school... 

hindi na ko papasok araw araw sa eskwelahang nakasanayan ko..

Isa rin to sa pinakamalungkot na araw ng buhay ko..

Magpapaalam na ko sa mga kaibigan ko... na nagpatawa, nagpasaya at minsang nagpaiyak sakin..  Sa mga guro ko na gumabay at nagturo... at sa mga kaklase kong naging parte ng high school life ko....

Paalam na sa high school life.....

Salamat sa lahat ng masasayang ala-ala..

Mga ala-alang hindi ko makakalimutan..

Isang malaking FAREWELL sa lahat...

Sana magkita-kita muli tayo............

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 26, 2011 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Ang susunod na kabanata ay rated PG.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon