Bakit ...
Bakit ganito?
Bakit ganito ang buhay?
Akala ko alam ko na ang lahat......
Lahat ng dapat kong malaman.
Akala ko palaging masaya ang buhay.
Pa tawa-tawa lang at laging nakangiti.
Sino ba naman ang gustong maging malungkot ang buhay?
Sino ba naman ang gustong nakasimangot nalang at nakatunganga sa kawalan?
Akala ko lahat ng problema ay madadaan sa ngiti at saya.
Akala ko madali lang ang lahat.
Kaya nga akala...
Akalain mo ang salitang akala ay walang kasiguraduhan.
Hindi tiyak kumbaga.
Thought sa ingles.
Isang paniniwala na pwedeng maging tama o mali.
Akala ko madali lang magmahal
yun yun eh.
Ang salitang Mahal..
Ang Mahal.
Ano nga ba ang ibig sabihin nito?
May kahulugan ba to sa buhay natin?
Sa iyo ano ba ang Mahal?
Ang mahal, Isang salita, maraming kahulugan.
pwedeng lagyan ng panlapi...
nagmahal... minahal.... nagmahalan.... mahalin....
Mahalay?? ....
ano pa? isip ka nga....
Maari itong gamitin sa pag-ibig.... MAHAL kita! mahal na mahal kita.
Pwedeng gawing pangalan.... hi MAHAL!! miss na kita!
Pwedeng gamitin sa presyo... nagmaMAHALan na ang mga bilihin ngayon, tayo nalang hindi.
at pwede pang pick up line! San ka pa!
PICK UP LINE ...
Banat sa filipino..
sa literal na salin, damput linya?
paano nga ba bumanat?
banat na ba kapag ikaw ang nagtangal ng singsing na suot ng crush mo at sinabi nyang....
Wag!! baka mag-away tayo. malas daw..
at sinagot mo.. "Okay lang atleast you will love me"
Love....
Love love love..... Pag-ibig....
heto na..... Ito na talaga.... kaya nga romance ang kategoryang nakasulat dito eh,..
malamang tungkol sa pag-ibig at romansa, alangan naman tungkol sa horror ang isinulat ko kung saan tatakutin ka nang imahinasyon ng pagbabasa na maiisip mo na may katabi ka na pala.... Malay mo ngayon may katabi ka talaga...
Ano nga ba ang Love??
as in L-O-V-E.....
Sabi ng aking matalik na kaibigan na si mr. wikipedia
"Love is an emotion of strong affection and personal attachment."
Ang love ay ang pinakamasayang maaring mangyari at maranasan ng isang tao.
katulad mo..... isang tao....
PERO......
sa kabila naman ng kasiyahan na posibleng maranasan, maari naman tayong masaktan at maging malungkot..
Oo tama ang nabasa mo maging malungkot...
Lungkot dahil nagmahal ka ng todo..
Nagmahal ka ng todo....
Kasalanan bang magmahal ng todo?
Sabi nila kapag nagmahal ka, dapat ihanda mo na ang sarili mong masaktan. Parang sugal, kailangan handa kang tanggapin ang pagkatalo at pagkawala ng iyong salapi kapag ikaw ay natalo. Pero kapag nanalo ka naman JACKPOT!!!! congrats!!
masaya atang manalo lalo na pag todo todo.. ....
Kapag nagmahal ka naman ng todo, kailangan mong mas ihanda ang iyong sarili sa mga posibleng mangyari. Parang itinaya mo na ang kalahati ng puso't buhay mo, kailangan mong ihanda ito para sa inaasam-asam mong tunay na pag-ibig....
Ikaw handa ka na ba? Handa ka na bang Isugal ang oras mo para mabasa ang susunod na kabanata?