Ang laban sa Liban.

5.5K 21 0
                                    

Third Year High School..

Masasabi ko na ito ang pinakamasayang year sa high school..

Walang problema... Kung hindi ang math.....

Ang dami kong naging kaibigan..... Mas naging close kami ni Karl at Trisha...

Hindi na ako yung dating George na masungit... Hindi narin ako malungkot katulad ng dati.....

Mas naging totoo sa sarili... Mas sumipag.... Mas Nag-aral ng mabuti....

Naging Top 5 sa klase... 

At ang higit sa lahat naka MOVE ON na....

Ang sarap ng feeling ng walang pinoproblema kung hindi ang pag-aaral...

masasabi kong the best talaga ito!!

Enjoy na enjoy ko... pati si Mr. Diaz na sinapian ni Flash....

Grabe na enjoy ko ang pagtuturo nya ng math.. kahit nahirapan ako....

Nakakatawa sya magturo... lahat nilalagyan nya ng joke...

at kahit mabilis sya magsalita.... naiintindihan ko naman ang gusto nyang ituro sa amin...

Kung pwede ko lang syang bigyan ng award ng pinakamabilis magsalita at pinakamagaling magturo.. Baka sya na ang makakuha nun....

Hindi ko rin naman makakalimutan si Ms. Gargoles na sobrang lupit mag tagalog....

Sobrang lalim nya sa wikang filipino...  mas magaling pa sa google translator kung mag salin ng salitang ingles sa filipino...

Mas lalong hindi ko makakalimutan si Mr. Gonzaga at Ms. Chua ....

Sila ata ang nagturo sa aking mag-edit ng videos at pictures...

Dahil sa kanila natuto akong gumawa ng music videos....

Pagkatapos ng Third year...

Syempre fourth year na.... ang huling taon sa high school...

isa na akong graduating student....

Nakakalungkot mang-isipin na maghihiwalay na kaming lahat pagkatapos ng taon na to...

Masaya parin kaming magkakasama... Kaklase ko parin si Karl Sebastian at Trisha Gonzales..

Tinawag naming walang iwanan talaga ang grupo namin.. in short WIT

They are my WIT friends.. my close friends and the best of all my friends..

sana nga hangang college magkasama kami.. kaso magkakaiba kami ng hilig..

Si Karl gustong maging Chef... Si Trisha naman gustong maging Doctor, Idol nya daw kasi ang kanyang tatay... 

Naalala ko nung unang araw namin bilang fourth year..
Grabe ang angas ko... fourth year na!!! sawakas!!! Isang taon nalang ng paghihirap!

pag pasok ko ng classroom... Late ako..

diretso maglakad at hindi pinansin ang mga kaklase...  Umupo agad at lumapit sa adviser namin na si Mr. John Gonzaga...

Mr. John Gonzaga

sya yung nagturo sakin mag edit.. isa syang computer teacher... at ako ang naging assistant nya sa mga events sa school.. Taga edit ng powerpoint sa mass.. Taga gawa ng video presentations...

Ako rin ang gumawa ng presentation para sa JS prom... halos lahat na ata ng pwedeng ipa-edit sakin.. pina-edit nila... Pinakilala nya pa ako sa principal namin at sa may ari ng aming paaralan...

Buti nalang exempted na ako sa computer exams... Grabe no.. exempted na... pati nga sa physics hindi na ako nag exam nung finals namin... Gumawa kasi ako ng final presentation for our graduation.. At kailangan ko ng 1 month preparation para matapos ito... Kaya ayun, pumayag naman ang principal na bigyan ako ng mga exemptions... 

Kaso sobrang hirap naman ng pinapagawa nila.. Kailangan kong pumunta sa office ng principal kahit nagkaklase kami.. para lang mag-edit... para may maipalabas sila.... Halos araw araw nila ako pinapatawag para magpaturo at magpatulong sa paggawa ng mga presentations...  

Grabe.. nakakapagod din...  kulang nalang gawin na nila akong trabahador sa paaralan na iyon.

Isang beses nga... Binagsak ako ng bagong math teacher ko sa long quiz at inabsent ako sa araw na nag-eedit ako sa office... Maiinit kasi ang ulo nya nung araw na yun.. magulo yung mga kaklase ko at maraming nag cutting classes...

Nag eedit ako for the battle of the bands... Grabe sabaw na sabaw ako nun.... kahit anong gawin ko, walang pumapasok sa isip ko....  May sakit kasi ako.. tapos bigla ko nalang nabalitaan na binagsak ako sa quiz ng teacher namin at sinabing wala syang paki-alam kahit nag-eedit pa ako...

Math... Bullshocks... Uminit ulo ko nung nalaman ko yun.. Hindi ko pa natatapos yung presentation.. nawalan ako ng gana at lumayas sa office.. sabi ko sa principal.. "I will never edit again!" sabay walk out.. iniwan ko na laptop at camera ko sa office.. bahala na sila dun.. maghanap sila ng editor!

Sugod mga kapatid....

Sugod naman tong adviser ko na si Mr. Gonzaga sa office nung nalaman ang nangyari sa akin...

pati yung dati kong adviser na si Mr. Diaz, sumugod din.. Nagmamakaawang tapusin ko na yun..

Sabi ko.. hindi ko na kaya... May sakit ako at wala ako sa mood mag edit....

pinatawag nila yung school doctor.. binigyan ako ng gamot... tas pinagpahinga... 

Pinakain din nila ako ng libre... hangang sa pumayag na akong mag edit...

Kinausap din ng principal yung bago naming math teacher na si Mrs. Trinidad...

Pasalamat sila at mabait ako...

Kung hindi... Wasak ang event bukas...

Ang susunod na kabanata ay rated PG.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon