Paalam "Sa rang hae" 2

5.4K 20 2
                                    

Welcome George

Pagpasok ko sa kwarto nya.. 

May lamesa ng nakahanda.. at may isang boteng vodka at mga pagkain...

Nahiya naman ako... kaya umorder ako ng dalawang box ng pizza..

Sinabi ko kay Christian....  ang cool naman ng dad mo..

Ahh si bespren... 

Huh??.....

"para kasing barkada ang turingan namin ng dad ko"

pinapayagan nya naman akong uminom basta dito sa bahay..

wag lang daw ako maninigarilyo at mag drugs..

(natamaan naman ako sa wag manigarilyo)

Nakakawala kaya ng stress ang yosi.. kapag badtrip ako isang stick lang ng yosi.. ayos na.

kahit na mabawasan ng tatlong oras ang haba ng buhay ko... Ayos lang.. lahat naman tayo mamamatay... 

Dalawa lang kami sa kwarto...

Hindi naman namin kayang ubusin ang dalawang box ng pizza at isang boteng vodka..

Mahina pa akong uminom..

Kaya tinanong ko sya kung pwede ko bang papuntahin sila  Karl at Lea..

Mga kaklase rin namin... 

Ayun pinayagan naman sila pero saglit lang daw....

hinintay namin sila karl at lea..

buti nalang may karaoke sila..

kaya nagkantahan muna kami habang naghihintay...

Pagkadating nila karl at Lea... 

Sinumalan na agad namin ang inuman..

at kwentuhan... sa una masaya pero habang tumatagal..

Napakwento na ko sa kanila kung ano talaga ang tunay kong nararamdaman..

hindi ko napigilan na lumuha sa harap nila..

(nahiya naman ako.. I there for conclude na lumalambot rin pala ang damdamin ng mga lalaki)

Ayun, nakwento ko lahat ng nangyari..

Na hindi talaga ako mahal ni Hannah Choi..

napilitan lang syang sagutin ako..

Siguro ayaw nya akong saktan.. pero mas masakit na malaman na hindi nya talaga ako minahal...

sabi ko sa sarili ko.. pagkatapos ng gabing ito.. kakalimutan ko na sya.. tatangalin ko na sya sa puso't isip ko.. paalam na Hannah... 

Ang susunod na kabanata ay rated PG.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon