Unang kabanata ng aking buhay.

10.9K 56 1
                                    

Bata palang ako marami na akong katanungan sa mundo..

Marami na akong gustong malaman at maranasan.... 

Sa sobrang kulit ko sa pagtatanong lahat na ata ng pwede kong itanong maitatanong ko na...

Bakit lumilipad ang lobo? Paano ako ginawa? Bakit nabubuntis ang babae? Bakit umiikot ang mundo? Bakit ako pinapatulog tuwing tanghali? Bakit natutulog parin sa gabi kung natulog na sa tanghali? Bakit may buhok sa kili kili? Bakit humahaba ang buhok? Bakit ako tumataba? Bakit ako lumalaki? Bakit kailangang mag-aral? Bakit kailangang matuto? Bakit nagbabasa? Bakit nagsisimba? Sino ba talaga ako? Tao ba talaga ako? Totoo ba ang lahat ng nakikita ko? May allien ba talaga? Bakit ako natatakot sa multo kung hindi pa naman ako nakakakita? May zombie ba talaga? Bakit may aswang? Bakit krus ang panglaban sa aswang? Bakit umuulan? Bakit ? Bakit ako nagtatanong? 

Maliit palang ako tinanong ko na sa aking mga magulang kung ano ang pag-ibig?

Ang sagot nila sa akin.."Malalaman mo rin sa takdang panahon yan anak, Bata ka pa at wala ka pang alam sa pag-ibig" Mag-aral ka muna ng mabuti at huwag munang mag gigirlfriend girlfriend. kapag yumaman ka na at nagkatrabaho dun ka manligaw ng babae..... 

Sagot ko naman... Opo mag aaral akong mabuti....

Ako si George C. Santos, pinanganak noong February 21, 1995

Hindi kagwapuhan pero cute,, sabi nila mabait daw ako at palakaibigan... pero paano nilang nasabing palakaibigan ako kung tahimik ako palagi at nagsusungit pa kung minsan.... Oo, masungit ako kapag wala ako sa mood... hindi ako namamansin at nakikipag usap.. nakatulala at nakatingin sa kawalan...  laging nakasimangot at ni minsan hindi ngumingiti kahit sa picture.. laging malungkot... 

sino ba naman kasi ang hindi malulungkot kung palagi kang maag-isa at walang kasama... pagkauwi ko  sa bahay... Ang nanay at tatay ko busy palagi sa kanilang negosyo at trabaho.. kapag lunch at dinner na nga lang kami nagkakasama ... tatlo lang kami sa bahay at hindi pa nagkakakitaan sa sobrang laki at dami ng kwarto.. wala naman kaming katulong kasi natakot na ang nanay ko nung hinulog ako sa hagdan ng yaya ko noong baby palang ako.. mga 5months palang.... buti nalang at hindi tumama ang ulo ko pababa ng first floor.. dahil din sa katulong muntik na kaming masunugan....  kaya ayun "my mother hates maids" 

Nililibang ko nalang ang aking sarili sa pag-aaral at panonood ng t.v..... kahit na kada linggo ay nanonood kami ng sine at nagsisimba.. malungkot parin ang buhay ko... hindi kasi ako pinapalabas ng bahay eh para makipaglaro at magkaroon ng mga kaibigan.. lahat binibili nila para lang hindi ako lumabas... para akong isang ibon na gustong kumawala sa kulungan kahit pa inaalagaan ako at pinapakain..... isang batang walang social life kung hindi ang manood ng t.v., pag aaral at paglalaro ng maraming laruan... 

Hindi ko naman masisisi ang aking magulang kung bakit hindi ako makapaglaro sa labas ng bahay at makisama sa mga iba pang bata... siguro pinoprotektahan lang nila ako... only child lang kasi ako eh...  masaya naman maging only child, nakukuha ko lahat ng gusto ko.... pero ang ikinalulungkot ko lang ay ang pagiging mag-isa.. walang kalaro, walang kausap, walang wala......

Pagpasok ko ng highschool...

Isang bagong ako... mas may isip na at hindi na isang bata.... Binata na ehh.. hindi na ako si baby george.. .. 

Aba Jackpot!!! ang dami kong nakilala....

Sa highschool ko natagpuan ang mga kaibigan ko... mga kaibigan na nadyan kapag may problema ka at sasamahan ka palagi.. hindi katulad dati na kapag pinagalitan ka ng mga magulang mo.. tatakbo nalang ang mga kalaro mo at pababayaan ka na mapalo sa pwet... dahil sa mga bagong kaibigan natutunan kong i-enjoy ang buhay... high school life.. ang saya...

Dahil sa aking mga kaibigan nakilala ko si Hannah Choi... isang koreana.. 

maputi... maganda.. at mabait.. kaso ang hirap makipag usap sa kanya.. laging dumudugo ang ilong ko.... hindi marunong mag tagalog.. at konti lang ang alam sa ingles.. paano ko sya magiging kaibigan?

Sa tuwing nakikita ko sya... parang tumitigil ang mundo ko...

Ano ba tong pakiramdam na to..... pag-ibig na ba to?? crush ko ba sya o mahal ko na sya? O baka naman isa lang tong pagnanasa ....

Ang susunod na kabanata ay rated PG.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon