Chapter 11:

68 4 4
                                    

Natuwa ako sa kanya kaya sa kanya ko ide-deddicate ang Chapter na to!!  ^_____^v 

THOMAS'S POV

Tick-Tock-Tick-Tock

Pabaling baling ako sa kamang tinutulogan ko!! masyadong maikli, kasya nga ako oo pero isang galaw ko lang mahuhulog na ako!.  ang liit pa ng kwarto , kahit na may electric fan na sa gilid ko indi parin ito sapat para alisin ang init sa kwarto, may bintana nga wala namang hanging nakakapasok.

ANO BAH!!!  kahit na anong pikit ko sa mata ko, ilang milyong tupa na ang nabilang ko, di parin ako dinadalaw ng antok. Ang dami dami kasing pumapasok sa isipan ko ngayon, WOW!  biglang hirap ang drama ko ngayon? Nakakainis kasi yung babaeng yun kasalanan nya talaga ang lahat, 

"Hay, ni  walang tawag galing kay mama, tinotoo nya talaga, kawawang kotse ko inararo lang, GRRRR kasalanan talaga ng mukhang BURGER to eh kung hindi dahil sa kanya, hindi ito mangyayari. " isang mahabang buntong hininga naman ang nailabas ko 

"Kasalanan ko bang - di bale na nga pupunta ulit ako bukas at kukombinsihin ko si mama na bawiin nya lahat ng sinabi nya.."  sabi ko sa isipan ko

"Mabait naman ako ah, yun nga lang pili, magalang naman ako yun nga lang dun sa gusto ko lang at dapat irespeto, galante, mapagbigay, palakaibigan ahhhhhhhh bakit???

KRIIIIINGGGGGGGGGGGGGGGGGG!!!

Napabalikwas ako ng gising ng malakas na nag alarm ang phone ko lage kasi itong nakaset ng alas 5:30 ng umaga. Ipinikit ko uli ang aking mga mata at ninanamnam ang unang kayakap ko. Grabe ang sama talaga ng panaginip ko.Akalain mong tinanggalan ako ng mana ni mama at tumira ako sa isang maliit na bahay? Natawa ako sa panaginip kong yun. Umosog ako ng kaunti para mag strech sana ng biglang-

"ARAY"

Nahulog ako sa higaan ko?!! Dun ko na iminulat ang mga mata ko at nakita ko ang isang maliit at may maraming globes and planets na posters na nakadikit sa mga dingding. Kinukosot ko pa ang mata ko at kahit na anong gawin ko yun at yun pa rin ang nakikita ko!

"AAAAHHHHHHHHHHHHH"  sigaw ko ng napakalakas

Bigla namang bumukas yung pintuan lumabas yung babaeng Burger sa panaginip ko! Nagulat naman ako sa naging reaksyon nya!

"A-anong p-problema? "

Mukhang nagulat nga talaga sya sa sigaw ko kasi may hawak pa syang suklay, kahit na gulong gulo yung buhok nya at para bang handa na sa kung ano mang manyayari? SHET! So it was not a dream afterall. Nasapo ko naman ang noo ko.

"Sino yung sumigaw anak? " sabi nung isang babae.. hindi.. sya yung mama ni Burger

Mukhang nabulabog ko naman at silang lahat kasi pati yun g tatay at yung si Roan ay nagising. Nasa sahig parin ako kaya dali dali akong tumayo.

"PSH! meron po ata ditong tao na hindi makapaniwalang nandito sya sa maliit na kwartong to?  inilibot nya ang tingin nya  sa kwarto at sa huli ay tumingin sa akin., sabi ni Burger

"Ano ka ba Ran! Bisita natin yan, Ijo ayos ka lang ba?  tanong ulit nung mama nya

"Pasensya na po," paumanhin ko sa kanila "naalimpungatan po ako sa isang msamang panaginip. "(sabay tinign ng masama kay Burger)

"Ayos lang yun Iho, mabuti pa maghahanda na ako para sa agahan natin"

Naiwan namang nakatingin sa akin yung babaeng Burger

oO nA nGa!"MAHAL KITA"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon