"TAONG DILIM"

48 2 0
                                    

Isa sa pinakamahirap na pinagdadaanan ko ay ang humiga sa kama sa loob ng silid na mas piniling sakupin ng kadiliman para kumbinsihin ang sarili na matulog kahit hindi pa ako inaantok. Sinubukan kong magbilang ng mga tupa... pero imbis na antukin ako— sinuntok ko ang ulo ko dahil naririnig ko ang mga iyak at ngawa ng mga tupa sa utak ko.

Wala akong makausap.

Idinilat ko ang aking mga mata para paganahin ang aking guni-guni na madalas kong ginagawa para takutin ang aking sarili. Pero sa pagkakataong ito, kahit anino na korteng tao sa aking kuwarto ay papatusin ko na para kausapin at tanungin. Mga tanong na matagal ko nang kinikimkim at alam ko na ang mga "Taong Dilim" lang ang may kakayahan na ito ay sagutin.

Mag-uumaga na pero walang dumating. Tanggap ko na in-indian ako ng "Taong Dilim". Wala na akong choice. Ikaw na lang ang tatanungin ko. Pero mukhang inaantok ka na, baka maistorbo pa kita kaya isusulat ko na lang.

• Payag ka ba na maganda at sexy ka pero ang mga tuhod mo ay baliktad na parang sa manok?

Kahit anong klaseng poise ang gawin mo na may kasamang tumbling ay mukha ka pa ring alien dahil sa tuhod mong baliktad. Pakiramdam mo ay gumuho na ang mundo mo dahil walang nagkakagusto sa'yo. Lakas-loob kang pumunta sa simbahan at dumalo ng misa para mabawasan ang bigat ng iyong nararamdaman. Okay na sana... kaso bigla kang napa- "Tangina naman oh!" nang sabihin ni Father na: "Magsiluhod tayong lahat."

• Payag ka ba na ikaw ang pinakamayaman sa buong mundo pero lahat ng ngipin mo masakit?

Isipin mo kung paano mo e-enjoyin ang iyong yaman sa kabila ng sakit na nararamdaman mo. Isang ngipin nga lang ang sumakit ay halos wala kang pakialam kung matetetano ka basta mabunot mo ang ngipin mo gamit ang long-nose ng tatay mo na pinakintab sa kalawang. Ang mabigat pa nito, sa sobrang sakit ay hindi mo na kinaya kaya akala ng nanay mo ay cancer na ang sakit mo dahil sinasabunutan mo ang sarili mo habang inuuntog ang ulo mo sa pader. Bawal pumunta sa dentista. Bawal bunutin. Magiging taong grasa ka kapag nawala ang sakit.

• Payag ka ba na kilala ka sa buong mundo dahil sa iyong "Killer Smile" pero bagang ang ngipin mo sa harapan?

Kahit siguro gaano ka ka-guwapo at ka-ganda, magmumukha kang kabayo kapag ngumiti ka. Turn-off ka kasabay kumain kasi kahit gaano ka pa ka-sosyal, ikaw lang ang ngumunguya gamit ang bagang sa harapan para durugin ang pagkain.

• Payag ka ba na malaki ang bahay mo at kumpleto sa appliances pero wala kang banyo?

Hindi mo inisip na pasakit sa iyo ang kawalan ng buyon, kasilyas o inidoro. Dahil hindi mo na kailangan tumayo sa kalagitnaan ng tulog mo para umihi. Tatagilid ka lang sa kama at sa sahig ka na lang iihi. Sa mga babae, ibababa n'yo lang ang salawal ninyo at ilalawit sa gilid ng kama ang inyong puwit at ayos na. Bukas na lang lampasuhin. Ang tanging solusyon dito sa mansiyon mong walang banyo ay maging masama kang tao para walang bumisita sa bahay mo. Dahil kapag may natae sa bisita mo at tinanong sa'yo kung nasaan ang banyo..... Pucha! Sigurado, plastic bag ang iaabot mo sa bisita mo!

• Payag ka ba na ang asawa mo ang pinakamaganda at sexy, pinakaguwapo at macho sa balat ng lupa pero mamatay ka kapag nakipag-sex ka sa kanya?

Oo, alam ko iniisip mo. Huwag mo nang ituloy 'yang binabalak mong pagtataksil sa asawa mo dahil kapag nakipag-sex ka sa iba.... Hindi mo magugustuhan ang kapalit na parusa. Hindi mo magugustuhan. Hinding-hindi.

• Payag ka ba na kasama mo sa motel ang pinakamagagandang babae at lahat sila ay naka hubo't hubad sa harapan mo pero kapag tumigas ang etits mo ay mamatay ka?

Daig mo pa ang pakiramdam ng kasalukuyang binibitay sa lethal injection habang nakaupo sa silya-elektrika at pina-firing squad. So, para hindi ka mamatay, e puputulin mo na lang etits mo? Para ka na ring patay nu'n!

SABORGATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon