"HANDOG"

36 2 0
                                    

Nakaupo ako ngayon hagdanan sa labas ng bahay ko. Wala sana akong balak isulat 'to kasi may nakatengga pa akong kuwento. Ang balak ko lang ngayon magyosi.

Nakatanaw ako sa eskinita kung saan may isang bata na kulang na lang ay magkulay-green sa galit. Humiga sa daan. Umiiyak. Sumisigaw. Beastmode. Ayaw pumasok sa eskwela at inaaway ang kaniyang mahal na ina.

Ang dahilan?

Walang dalang pamasahe ang nanay. Ayaw maglakad ng bata papasok sa eskwelahan.

Tangina.

Salubong ang kilay ko habang pinagmamasdan ang bata na parang si Ian Veneracion sa pelikula n'yang "Anak ng Demonyo". Hinihiling ko na

magkulay-green at magpalit ng anyo ang bata at maging isang plema; plema na idinura sa daan ng isang matandang may TB; plema na kasing berde ni Incredible Hulk.

Isang batang plema na sabik kang makita na magulungan ng motor, matapakan o kaya'y tukain at kainin ng manok o bibe. At literal kong sasabihing:

"Patay kang bata ka!"

---o0o---

Pumasok ako sa loob ng bahay.
Uminom ng tubig.
Lumabas.
Umupo sa hagdanan.
Sinindihan ang yosi.

Naalala ko bigla 'yung isang progama sa telebisyon na napanood namin. Ang layunin ng programa ay puntahan at tulungan ang nangangailangan sa pamamagitan ng surpresang handog. Iinterbyuhin ang isang kapus-palad, sabay lilitaw ang host, magyayakapan at mag-iiyakan. Tulo ang uhog ko.

Hindi ko kinaya ang episode na napanood ko.

Isang bata ang nakatira sa bundok. Halos tatlong oras siyang naglalakad makapasok lang sa eskwelahan. Pero 'yung tanginang batang diablo kanina, anim na kanto lang yata ang layo sa eskwelahan, gusto pa yata mag-grab taxi.

Tangina.

Balik tayo kay Jungle Boy.

Halos tatlong oras niyang tinatahak ang matatarik na daan, maputik, madulas na napapaligiran ng mga bato. Tinanong ang bata kung wala bang shortcut, mukhang pagod na ang camera man. Sumagot ang bata at itinuro ang mabilis na daan— bangin. Wasak.

Lalo akong nahabag nang makita ko na may dalawang ilog pa palang tinatawid si Ula, "Ang Batang Gubat."

Pero itong batang pinaglihi sa kadiliman, kung makapag-inarte, akala mo nasa Death March kung maglupasay. Feeling nagbe-breakfast ng J.Co donuts amputa!

So, bumalik na ang mga crew kasama si Tarzan sa bahay nila sa bundok. Lumitaw na ang host ng programa. Niyakap ang bata at ang mga magulang. Nalaman ng host ang pagsubok na hinaharap ng bata sa araw-araw sa tuwing papasok sa eskwelahan.

Ito na ang hinihintay ko.

Tinawag ng host ang mag-asawa at dinala sa silong, kung saan naghihintay ang handog nilang groceries. Kasama ang ilang mga lapis at kwaderno para sa pag-aaral ng kanilang anak.

Ito ang eksenang hindi ko kinaya.

Isang handog mula na naman (s'yempre) sa kanilang programa, makatutulong daw 'yon para hindi na mahirapang maglakad papasok sa eskwelahan ang bata. Niyakap ng host ang kalunos-lunos na bata at sinabing...

"Mula ngayon, hindi ka na mahihirapang pumasok sa school. Handa ka na bang makita ang regalo mo?"

Tumango ang bata, sabay singhot.

Bitbit ng crew ang isang bagay na nakabalot sa tela. Ibinaba niya ito sa lupa at bumilang ng...

"1, 2, 3!" sabay tanggal sa tela.

Bisikleta.

Tangina.

SABORGATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon