"AMEN"

21 2 0
                                    

"Mga putang ina ninyo! Mga diyablo kayo! Magsibangon na kayo d'yan! Mga anak kayo ng demonyo! Ang tatamad n'yo! Bumangon na kayo, mga punyeta! Mahuhuli na tayo sa misa!" bulyaw ni Aling Mameng sa kanyang mga anak habang nakapulupot ang rosaryo sa kanyang mga kamay.

"Banal na aso, santong kabayo. Natatawa ako hihihihi." ang kasalukuyang kanta na pinapatugtog ng radyo sa sala.

Lumabas ng kuwarto ni Mang Samuel. Tanging brief lamang ang suot habang humihithit ng yosi at nagkakamot ng bayag.

"Buti gising ka na, babe! Bilis! Linggo ngayon! Kailangan mo nang umalis! Darating na mamaya ang asawa kong si Berto galing sa construction sa kabilang bayan. Dahan-dahan ka sa kilos! Gising na ang mga bata! Doon ka na dumaan sa likod-bahay," tarantang sambit ni Aleng Mameng habang nakaluhod at isinusuot kay Mang Samuel ang pantalon nito.

Hinimas-himas muna niya ang nakabukol na ari nito at inamuy-amoy. Isang matunog na halik ang iginawad niya sa alaga ni Samuel, bumakat sa brief nito ang kulay rosas na lipstick ni Aling Mameng at dahan-dahang isinara ang zipper na nakangiti at may halong panggigigil.

Mabilis at tahimik na tumalilis si Samuel sa likod-bahay para umiskerda at nanalanging hindi sana siya maabutan ng pagsikat ng haring araw.

§§§

Sama-samang naglalakad si Aling Mameng at ang kaniyang mga anak patungo sa loob ng simbahan.

Oras na para sa komunyon.

Nakapila si Aleng Mameng para tanggapin ang katawan ni Kristo. Inilabas niya ang kaniyang mapang-akit na dila at paikut-ikot niyang dinidilaan ang palibot ng kanyang labi.

Biglang napaatras ang kamay ng pari nang maramdaman niya ang hagod ng dila ni Mameng sa kanyang mga daliri. Tumingin sa paligid ang pari, huminga ng malalim, hudyat na ipagkakaloob na niya ang:

"Ka- Ka- Katawan ni Kristo," utal na wika ng pari.

"Amen." halinghing na tugon ni Aling Mameng.

Gigil na isinubo ni Father Samuel ang ostiya sa bunganga ni Mameng gamit ang kaniyang dalawang daliri at isinagad hanggang sa lalamunan—

na madalas nilang ginagawa.

h4\*

SABORGATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon