Maid in Disguise
I hate my life because of our business!
Kailangan pa talaga nila akong ipakasal sa taong hindi ko pa kilala? At hindi ko mahal? Anong klaseng magulang ang mayroon ako? Hindi tama na halos ibenta nila ang anak nila para lamang sa isang business. Ipaglalaban ko ang karapatan ko.
Kapag ba hindi ako nagpakasal sa taong yun, hindi na kami mayaman? I can handle my parents' business by my own. Wala ba silang tiwala sa akin? Wala na ba silang alam gawin kung hindi ang magpayaman? Lagi nalang bang arranged marriage ang sagot sa ganitong sitwasyon?
Wala kong ibang paraan, kailangan kong tumakas sa pamamahay na ito. Ang problema ko ay paano ko matatakasan ang mga bodyguards ko? Dinagdagan pa nila ang bantay simula noong nalaman ko ang tungkol sa kasal.
Halos mapamura ako dahil ang pagiging maid nalang ang makakatulong sa akin sa ngayon. Dito, hindi nila ako mahahanap. Kailangan ko nalang baguhin ang buhok ko, pati na rin ang ayos ko para hindi nila ako makilala. Tsaka nalang ako babalik sa mansion kapag okay na ang lahat. Yung tipong hindi na nila ako pipilitin sa mga bagay na gusto nila.
Eto pa, yung amo ko ay sobrang bastos at playboy. Ang daming dinadalang mga babae sa mansion nila. At take note, sa kwarto niya ang diretso at rinig na rinig ang ungol ng mga babaeng dinadala niya. Eto pa, pati rin pala ang ibang maid dito ay pinatulan din. Hindi tama ang ginagawa niya kaya hindi siya uubra sa akin.
Hindi ko hahayaang mabastos ako ng isang katulad niya. Pangako ko sa sarili ko na hindi ako magpapa-api. Lalaban ako hanggang alam kong nasa tama ako.
Gusto ko na sanang magback-out kaso nakatanggap ako nang pangba-blackmail muna sa kanya. Papalag sana ako kaso narealize ko na kailangan kong magtago. Kapag lumabas pa ako ay siguradong mahahanap na nila ako.
Hindi ako makakapayag na maging isa ako sa mga babae niya na binabastos at hinahayaan o ginusto rin ang ginagawa ng boss namin. Never, itaga niya yan sa bato niyang puso. Hindi ko makuha ang ilan kung bakit gustong-gusto nila ito at sila pa ang nagbibigay motibo sa amo namin.
Pero sinuswerte yata ako dahil hindi niya ako nakilala kahit na isa akong sikat na model. I'm thankful dahil binigyan ako ng sapat na katalinuhan. Syempre, proud rin ako na mautak at maparaan ako.
Walang-wala ang yaman ko sa kanya. Kabilang siya sa may pinakamalaking kumpanya sa Pilipinas. May mga branches din sila sa iba't-ibang bansa. Kaya pala ang lakas ng loob niya para maging Arogante, ni hindi man lang siya matakot na baka kumalat sa media ang mga kalokohang ginagawa niya.
There's one word that can describe my life, MISERABLE!
Ressel Camil Buendia, ang malas mo.
BINABASA MO ANG
Maid in Disguise (COMPLETED)
RomanceThe life of being rich is not that far from being a normal one. Ressel Camil Buendia, a girl from a rich family is one of the people who lives her life normally. However, an event experienced by generation-to-generation of a rich family occurred to...