Ressel's POV
Kaga-graduate ko lang sa College. Business Management ang natapos ko dahil ako ang magmamana ng business namin na tungkol sa fashion. Marami na ring sikat na fashion designer ang company namin. Isa sa top ang company namin sa fashion industry. Kahit sa ibang bansa ay kilala kami.
Mahilig ang pamilya namin sa ganoon kaya yun ang naisipan nila. Ako nga ang mismong model. Mas sikat ang company namin dito sa Pilipinas. May branches naman kami sa ibang bansa pero hindi naman kasing laki ng dito. Kami ang top dito sa Pilipinas.
Ang saya-saya ko dahil sa wakas ako na ang magmamana ng minamahal kong company nila Mommy at Daddy. Pangarap ko rin na maging isang CEO ng isang kompanya. Alam ko naman na malaki ang magiging responsibilidad ko pero alam kong kakayanin ko dahil may sapat na kaalaman ako rito. Kaya nga Business Management ang kinuha ko ay para masanay ako sa mga ginagawa at paano patakbuhin ito nang maayos.
Kaso sa isang iglap ay nagbago ang pananaw ko. Nalaman kong ipapakasal na pala ako sa isang tagapagmana ng malaking kompanya. Sobrang sakit lang na naglihim sa akin ang mga magulang ko. Balak pa nilang biglain ang kasal.
At syempre, kinompronta ko ang mga magulang ko. Ang dami nilang palusot. Keso daw ganito, kesa daw ganan. Sus napapanood ko na yung ganoong pangyayari sa ibang palabas sa Tv.
Paano ko nalaman na arranged na ang kasal ko? Narinig ko lang naman sila na nag-uusap sa kwarto. Napadaan kasi ako tapos narinig ko na binigkas ni mommy ang pangalan ko. Sa pagka curious ko ay nakinig ako since tungkol sa akin
Sa sobrang inis at galit ko sa kanila, nagrebelde ako. Isang beses nga ay nagtangka akong magpakamatay kaso biglang inagaw nung maid yung maraming gamot na iinumin ko na sana. Simula noon ay bantay sarado ako. Tinanggal nila lahat ng mga bagay sa kwarto ko na maaaring makasakit. Pati nga picture frames tinganggal e. Nilagyan rin nila ng CCTV ang kwarto ko.
Feeling ko wala na akong sariling kalayaan. Feeling ko walang silbi ang buhay ko. Minsan nga ay hindi na ako kumakain. Umiiyak lang ako nang umiiyak. Kumakain lang ako once a day. Sobrang worried nga ang mga magulang ko pero hindi pa rin sila natinag sa gusto nila.
Sinabi ko na magiging normal lang ako kapag itinigil nila ang kasal. Aba wala na daw silang magagawa?Kahit kailan ay hindi ko na sila kinausap. Mas minabuti kong kausapin ang teddy bear ko. Yung masisigurado kong mapapanood nila sa CCTV para matamaan sila.
Napatingin naman ako sa pinto nung may biglang pumasok. See? Hindi sila marunong kumatok. Wala talaga akong privacy. Sa cr ako madalas tumambay kasi at least doon ay walang cctv.
"RC, anak. Please, pumayag ka na. Hindi mo ba alam na yung mapapangasawa mo e pang 10th rank sa pinakamayaman sa buong Asia? Anak, ang swerte mo dahil hindi ka niya tinanggihan. Para sayo rin naman to eh," pagmamatigas ng mommy ko. Napatawa nalang ako na para bang naloloka na.
Napatingin naman ako sa kanya na para bang hindi makapaniwala sa sinabi niya. Nilakasan ko talaga ang tawa ko.
"Para sa akin o para sa business niyong yan? Kung gusto niyong yumaman nang sobra, huwag niyo akong idamay. Pati buhay ko sinisira niyo dahil lang sa kasal kasal na yan at sa walang kwentang business na yan!" nasagot ko siya dahil sobrang napupuno na ako. Hindi na tama na sinasakal nila ako.
Sinampal naman ako ni mommy kaya agad ako napahawak sa pisngi ko. I deserved that slap. Sinagot ko ang mommy ko e. Well, wala naman akong magagawa dahil ayoko talaga. Hindi ko napigilan ang mga luha ko. Bakit kasi nagkaroon ako ng mga magulang na katulad nila?
"HINDI KITA PINALAKING BASTOS. MOMMY MO PARIN AKO KAYA HUWAG MO AKONG SASAGUTIN. WALA KANG UTANG NA LOOB!" singhal niya sa akin.
"Mommy nga kita, kaso bakit pinagpipilitan mo ang taong hindi ko naman mahal para pakasalan ko? Mommy, tell me? Ganan ba ang mga magulang? Lahat ng gusto para sa anak dapat ay masusunod kahit hindi nila gusto?" tuluy-tuloy pa rin ang agos ng luha ko.
BINABASA MO ANG
Maid in Disguise (COMPLETED)
RomanceThe life of being rich is not that far from being a normal one. Ressel Camil Buendia, a girl from a rich family is one of the people who lives her life normally. However, an event experienced by generation-to-generation of a rich family occurred to...