Chapter 4 (Bestfriend)

17.9K 340 22
                                    

Ressel's POV

Pinatawag ang lahat ng katulong. Hindi ko alam kung anong mayroon. Lahat kami ay nakapila sa gilid ng red carpet. Natatawa na nga lang ako sa sarili ko dahil dati ay ako yung lumalakad sa gitna. Ngayon ay isa ako sa mga babating maids.

Parang ako lang ata ang walang alam. Pansin ko na parang namumutla ang iba. May nasesense tuloy akong kakaiba. Parang ayaw nila sa darating.

"Be ready. They are here," sabi nung head maid.

Lahat naman kami ay nakatayo nang tuwid. Bawal daw ang ngumingiti. Aba, anong klaseng bisita ba mayroon sila? Ang weird nga ng mga tao dito e. Yung mga maid rin minsan ay naririnig kong nag-uusap about Vampires. Hindi naman totoo yun. Nagbabasa sila sa dreame. Tinry ko yun since wala naman akong ginagawa minsan. Napalitan ko na rin naman ang sim card ng phone ko kaya hindi ako malo-locate.

Nagsimula akong magbasa ng Magical Vampire Academy. Nasa book 2 na nga ako ng MVA2. Binabasa ko rin yung VNIGHT: Vampire in Disguise. Nagbabasa ako para maintindihan yung mga pinagchichismisan ng mga kapwa ko katulong. In fairness nahihilig na rin ako.

"Huy. Umayos ka nga. Ayan na sila. Daydreaming pa," Inirapan ko naman si Sheila dahil sa sinabi niya. Agad naman akong lumingon sa may main door. Letse kasing mga bampira, nagugustuhan ko na kasi sila. Ayan tuloy parang lumilipad ang tingin ko.

Napanganga naman ako nung may babaeng pumasok. Mukhang mga nasa fourthy plus siya. Ang ganda niya. Familiar siya e. Teka, kailangan nga palang serious look. May sumunod naman sa kanya na isang lalaki na mukhang kasing edad rin nito. Mag-asawa?

Tinitigan ko silang mabuti. Kahawig ni Sir. Harley. Magulang niya siguro. At kung hindi ako nagkakamali, kaya familiar ang dalwang yan sa akin ay dahil isa sila sa pinakasikat na tao sa buong mundo. Kasama sila sa pinakamayaman sa buong Asia. Hindi pure Filipino ang lahi nila. Nagtataka lang ako na bakit sa dinarami-rami ng bansa ay sa Pilipinas naisipan ni Sir. Harley tumira. Ang alam ko ay sa Korea nakatira ang mga magulang niya. Yun kasi yung nabasa ko sa magazine.

Sopistikada ang dating. Mataray at mukhang matapobre. Well, ganoon talaga. Napansin ko naman na nasa likuran nung dalwa si Sir Harley. I admit, he's really hot.

Dumiretso naman ako nang tingin, baka kasi mapagalitan ako. Agad naman kaming tumungo nung dumaan sila. Nung pag angat ko ng ulo ko ay mas ikinagulat ko. Yung nawawala kong kaibigan ay nasa tapat ko. Si Azereth Claire. Ang laki nang ipinagbago niya. Sobrang ganda niya ngayon. Bakit ngayon ko lang siya nakita sa mansion? Nakatitig na rin siya sa akin ngayon dahil kanina pa ako tulala sa kanya. Gusto kong umiyak ngunit pinipigilan ko.

Nawala siya dahil balak rin siyang ipakasal sa lalaking hindi niya gusto at hindi kilala. Ni hindi niya pa nga rin nakikita yung nakatakdang ipakasal sa kanya e. Simula at sapul kasi ay si Jerome Silvante na ang gusto ni Claire.

Nung tuluyang nang nakapasok sa loob ang mga Villafuente ay lumapit ako kay Claire. Napayakap ako sa kanya. Dalwang taon na siyang nawawala. Siya ang nag-iisang bestfriend ko. Ang saya ko dahil makakasama ko na ulit siya.

"Claire!" tawag ko sa kanya. Napaluha naman ako nung niyakap niya rin ako.

"Ressel. Bakit ka nandito? Namiss kita. Pasensya na kung hindi ako nakapagpaalam sa iyo ha?" hinila ko naman siya papuntang garden.

"'Wag mo akong tatawaging Ressel. Reca nalang okay? Kung anong nangyari sa iyo ay yun din ang nangyari sa akin. Ang ipinagka-iba lang natin ay napagbuhatan ako ng kamay ng mga magulang ko kaya nagrebelde ako. Ayun, naisipan ko ring tumakas. Nautakan ko lang sila dahil sobrang daming bantay sa mansion. Teka, namiss talaga kitang bruha ka" mahabang kwento ko sa kanya. Niyakap ko ulit siya. Para ko na rin siyang kapatid.

Maid in Disguise (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon