Chapter 2 (First day)

20.4K 392 32
                                    

Ressel's POV

Hindi pa rin ako makaget-over sa panghihipo ng walang hiyang boss ko na yon. Gusto ko nang umatras sa pagiging maid. Aanhin mo ang gwapo at yaman niya kung ganoon nalang ang pakikitungo niya sa mga babae.

Ang pambabastos ay hinding hindi magiging tama. Kung nandito si mom, malamang ay nakasuhan na siya. Kahit ako naman ay idedemanda ko siya. Kaso sa ngayon ay hindi ko iyon magagawa dahil tumakas lang din ako kila mom.

Sana naman ay hindi niya iyon sinasadya. Kaso sa mukha palang niya ay mukhang playboy na ito. Iba ang ngitian at tingin niya sa akin kahapon.

Nandito ako ngayon sa isang room na tutuluyan ko daw. Naayos ko naman na ang iba kong gamit. Maganda rin ang room na ito kung tutuusin.

Nagsimula na akong magmake-over. Huminga muna ako nang malalim bago simulang gupitin ang buhok ko. Sobrang nanghihinayang ako dahil ang tagal ko itong pinahaba, ngayon ay hanggang balikat nalang. Nang dahil lang sa isang problema, kinailangan kong i-sacrifice ang buhok ko upang hindi ako makilala.

Nakapuyod naman ang buhok ko noong ginupitan ko kaya hindi masyadong makalat. Nakakuha naman ako ng maliit na box. Itatago ko ito bilang remebrance. Tsaka ko nalang itatapon kapag bumalik na ulit sa dati. Maganda pa naman ang pagkakakulot nito. Wavy na tuloy ngayon.

Inayos ko naman ang bangs ko. Mas pinaiksian ko ito. Dati kasi ay palagi itong nasa side lang. Ngayon naman ay para na akong si dora. Bumagay pa rin naman sa akin. Kulay brown ang kulay ng mga mata ko kaya lagi na ako ngayon gagamit ng itim na contact lense.

Sobrang swerte ko lang na kapag nagpanlalaki ako ay mukha rin akong lalaki. Figure ko lang ang magiging kataka-taka dahil payat ako kung ihahalintulad sa ibang lalaki. May ginagamit naman ako para natakpan ang dibdib ko. Medyo mahirap nga lang kasi masikip at mahirap masyadong huminga.

Pagkatapos ko sa ginagawa ko ay nilinis ko naman ang kwartong tutuluyan ko.

Sinabi na rin ng head house-maid dito ang gagawin ko. Well, ako lang naman ang maglilinis ng kwarto ni Sir.Ano ba yan, talagang doon pa talaga ako na-assign? Ano na namang kalokohan ang nangyayari sa akin? Unting-unti na atang gumuguho ang mundo ko. Napasapo nalang ako ng mukha ko. Ang malas ko naman. Nakakainis, nakakainis!

Papunta na ako sa kwarto ni Sir. Siya lang ata ang tinatawag na boss dito, tapos panay maid at bodyguardw na. Ang lungkot naman. Wala ba siyang pamilya or sariling pamilya? Pero sa tingin ko ay matanda lang siya sa akin ng mga isa o hanggang tatlong taon. Masyado pa kasing bata ang mukha niya. Twenty-three years old na ako.

Kaya lang naman ako napatagal sa pag-graudate ay dahil naging exchange student ako. Sayang ang opportunity at tsaka hindi naman ako nagmamadali. Gumraduate ako na magna cum laude pa rin naman.

Binuksan ko naman yung pinto ng kwarto niya. Wala naman siya eh, tsaka ito ang naka-assign sa akin so pwedie akong pumasok. Paano ako makakapaglinis kung bawal di ba?

Halos mapamura naman ako sa nakita ko. Ganan ba talaga kadumi sa kwarto yang hinayupak kong boss? Grabe kung saan-saang lupalop nakalagay yung mga damit niya. Hindi man lang naturuan? Yuck, pati underwear nakakalat. Gross!. Ang yaman nga ganoon naman siya sa kwarto niya. Nakakaturn off. Ako kahit mayaman ako, hindi ko nagawa ang babuyin ang sarili kong kwarto. Ako pa nga minsan ang naglilinis e.

Napailing naman ako. Kaya siguro walang tumatagal na maid na naka-assign dito. Kahit siguro ang iba ay mandidiri. Hindi ko lang sukat akalain na mararanasan kong maglinis ng kwarto ng iba na may nakakalat na used clothes.

So, ayun kumuha naman ako ng basket para lagyan ng mga damit niya. Wow, pero mabango yung kwarto niya ha. At ang laki-laki ng kwarto. Pwede na sa isang bahay. Malaki rin naman yung kwarto ko sa mansion namin pero mas malaki pa rin ito. Isa lang masasabi ko tungkol sa kwarto ko, malinis!

Maid in Disguise (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon