Ressel's POV
Hindi pa rin mawala ang mapang-asar na ngiti sa mukha ko. Isang Sir Harley ang nayamot sa akin. The best talaga ako pag dating sa ganoong mga bagay. Nakaka-asar kasi akong kausap lalo na kapag sumasagot sagot ako. Natuto lang naman ako nitong mga nakaraan lang. Sa mga magulang ko nga lang nagsimula.
Promise, napakabait ko talaga. Minsan nagbabago rin ang mga tao dahil sa mga hindi kanais-nais na mga pangyayari. Lalo na kung inaabuso o tinatanggalan ng karapatan para sa ibang kagustuhan.
Maya-maya ay may kumatok. Binuksan ko naman agad at ang napakagandang mukha ni Sheila ang nakita ko. Marami nga palang maids dito. Hindi ko pa nami-meet ang iba, yung iba naman ay walang pakialam sa ibang maids. Parang walang ibang nakikita kasi focus sila sa trabaho nila.
"Reca, 'wag kang umalis ha? Kasi ayokong mawalan ng friend. Dati kasi ay nabalitaan ko na pinapatay niya yung dating maid na tumakas pero walang nakakaalam. Narinig ko lang yung usapan nila. Nanahimik lang ako. Please, ayoko mangyari sa iyo yun," literal na napanganga na naman ako sa narinig ko.
Walanghiya talaga ang lalaking yun. Kinakawawa ang mga babae. Hindi ba pwedeng stick to one nalang siya? Kailangan lahat ng maganda ay mahalikan niya? What the hell? What's with him? Anong sakit ang mayroon siya? Hindi niya ba alam na ba magka Infectious mononucleosis ang mga babaeng mahahalikan niya? Baka kasi you know, may virus or something sa laway niya. Ew, kung sinu-sino pa naman ang nahahalikan niya. Kadiri talaga.
Hindi siya ang tipong masasabing ideal man ng mga babae. Isa siyang halimbawa ng isang lalaking hindi dapat maging karelasyon.
Sa katulad niyang lalaki, imposibleng mainlove ako. Ang taas ng standard ko sa mga lalaki. Okay na sana sa akin ang kahit hindi masyadong gwapo basta mabait. Ayoko nung sobrang gwapo nga kaso bastuga naman.
Overall, i don't like him. Never na magugustuhan ko ang katulad niya. Pangdidirian ko siya habangbuhay. Kung pwede lang siyang ipakulong, nagawa ko na. Natatakot din naman ako para sa buhay ko. Lalaban lang ako kapag may gagawin siyang masama.
"Wala naman din akong magagawa, Sheila. Nandito na e. Ayoko namang mamatay agad," ngumiti naman siya pero palihim na napairap naman ako. Napipilitan in short. Totoo naman e, ayoko pang mamatay. Kung totoo man yung sinabi niyang may pinapatay si sir Harley, sa hell ang punta niya. Well, bagay na bagay siya doon.
"Hey, nakita kong sinaktan at sinagut-sagot mo si Harley kanina. How dare you, b*tch!" may babaeng lumapit sa akin sabay sabunot. Tinatanggal ko naman ang pagkakahawak niya. Tinutulungan din ako ni Sheila. Ang tindi naman makakapit ang isang ito. Aba masakit! Wala pang gumagawa sa akin nan.
Sinubukan ko munang hindi lumaban dahil ayokong bumaba ang sarili ko sa level niya. Pilit ko pa ring tinatanggal ang pagkakasabunot niya. Napangiwi ako nang makalmot niya ang ulo ko. Bigla akong napuno.
"O, pakialam mong impakta ka? Inggit ka? Lakad saktan mo rin!" binitawan niya ako kaya na-out of balance ako tapos itinulak niya ako. Buti nalang nasalo ako ni Sheila. Para saan pa ang pagkalaban ko sa karapatan ko kung hindi ko na ipagtatanggol ang sarili ko kung masyado niya nang sinasagad ang pananakit sa akin?
Agad ko naman siyang itinulak. Napahiga siya kaya dinaganan ko siya tapos sinabunutan ko siya. Luckily, mahaba ang mga kuko ko kaya kinalmot ko ang mukha niya. Nasugatan naman ang kanan niyang pisngi.
Napatitig ako sa mukha niya, may itsura siya. Yeah, may itsura, itsurang hihiram ng mukha sa putikan kapag inulit niya pa sa akin ang pananakit.
"Hayop kang babae ka! Kabago-bago mo pa lang, ganan na agad ang ipinakikita mo? Napakasama ng budhi mo!" natawa naman ako sa sinabi niya.
Siya kaya ang nauna tapos ako pa ang sasabihan niya ng masama ang budhi? Gumanti lang ako sa pagkakatulak niya. Hindi ko naman kasalanan na mas magaling ako sa kanya makipag-away. Mali ang binangga niya e.
BINABASA MO ANG
Maid in Disguise (COMPLETED)
Storie d'amoreThe life of being rich is not that far from being a normal one. Ressel Camil Buendia, a girl from a rich family is one of the people who lives her life normally. However, an event experienced by generation-to-generation of a rich family occurred to...