Chapter 5 (What?)

17.2K 350 44
                                    

 Ressel's POV

Napapadalas ang pagdalawa ni Jerome at nung kahawig ni Krich dito sa mansion. Hindi ko talaga maiwasang hindi mapalingon sa kanya. Siguro ay nahuhuli niya rin akong lumilingon sa kanya.

Halos saulo ko na nga ang shape ng mukha niya. Halos lahat ay pareha maliban sa labi.

Nakakahiya man akong titigan siya, kaso hindi ko mapigilan. Ang sakit kasi. Naaalala ko na naman yung nakaraan. Yung mga kasalanang nagawa ko. Habang buhay ko na iyong pagsisisihan. Sana ay hindi ko nalang siya pinigilan.

Mas lalong gusto ko nang umalis dito. Nasasaktan kasi ako kapag nakikita ko ang kamukha ni Krich. Halos hindi ko na nga pansinin si sir Harley e. Kinuwento naman ni Claire kay Sheila yung dahilan kung bakit ako nagkakaganito.

Napapansin ko nga na parang naaawa na rin sa akin si Sir Harley. Minsan ay natanong niya kung bakit naging malungkot ako. Palaban daw ako pero bakit daw ngayon ang tahimik ko? Napapansin niya rin pala ang isang katulad ko.

Hindi ko siya kinikibo kapag kinakausap niya ako. Nakonsenysa ata siya sa mga ginawa niya sa aking hindi maganda. Biglang naging concerned e. Bahala na muna siya.

Hindi pa ako masyadong okay. Akala ko noon ay medyo nakamove on na ako. Sa isang iglap lang ay biglang nagbago ang nararamdaman ko. Lahat ng sakit ay bumalik dahil lang sa isang kamukha niya. Ilang gabi na akong hindi masyadong makatulog kakaisip.

Mabuti nalang at wala masyadong nanggugulo sa akin. Si Jamai naman ay umalis na dito. Pinalayas na ni Sir Harley dahil wala na daw itong ginawang tama. Umiiyak pa ito noong una. Kaso wala talagang puso ang boss namin.

"Reca, ayos ka lang? Sobrang nag-aalala na ako sa iyo. Hindi ka na rin kumakain sa tamang oras. Please, kayanin mo. Hindi lang talaga si Krich ang para sa iyo. Malamang may iba pa siyang kamukha," inis na sabi sa akin ni Claire.

Sabagay tama siya. Sakto namang pahinga ngayon, tapos na rin ang mga gawain namin. Naiinis siya sa akin kasi nagmumukha na daw akong zombie gawa ng eyebags ko.

Napalingon kami sa nagpatong ng pagkain sa harapan namin. Laking gulat ko dahil si Krich iyon. Ay hindi pala, yung kaibigan pala nila. Kasama niya rin si Jerome at Harley.

"You need to eat," Ika ni Sir Harley.

Akala ko pa naman sinadya nung kamukha ni Krich na bigyan ako ng pagkain. Nawalan lalo ako ng gana. Umiling ako.

"Do you have a problem, Miss?" tanong nung kamukha ng lalaking mahal ko. Tinitigan ko lang siya. Hindi ako nagsalita.

"Krischen nga pala," sabay lahad niya ng kanyang kamay.

Tinitigan ko lang ito. Napamura naman ako sa isipan ko kasi kapangalan pa ni Krich. Pero kung si Krich siya, dapat kilala niya ako. Wala man lang excitement ang mata niya noong una niya akong nakita dito.

"Krich?" tanong ko sa kanya.

Pinilit kong hindi mapaluha dahil magtataka sila. Hawak lang ni Claire ang aking kamay. Pinipisil-pisil niya ito. Wina-warning-an siguro ako. Pilit naman akong ngumiti sa kanila.

"Are you giving me a nickname?" tanong nito. Hindi nga siguro siya si Krich. Manghang-mangha pa siya sa pagkakatanong niya.

"Ah wala po sir. May kakilala lang po siya na kapangalan mo tapos Krich ang palayaw," singit ni Claire.

"So, magkakilala na kayong dalawa noon pa man?" tanong ni Jerome. Parang binuhusan kami ng malamig na tubig sa tanong niya. May part sa kanya na mukhang kilala niya kami kaya mas kinabahan ako. Baka magsumbong.

Maid in Disguise (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon