Scene 1

651 59 51
                                    

Students Council Office...

Cro - students pres

Dan - Vice Pres

Lyner - treasurer

Graye - Secretary

Abala sila paghahanda para sa nalalapit na cultural festival.

Cro: Graye nailista mo na ba lahat ng mga kailangan natin?

Graye: Yes pres. Nag assign na rin ako ng mga studyante na tutulong sa atin.

Cro: Good. Lyner, na compute mo na kung magkano magagastos natin?

Lyner: Oo kaya lang kakapusin parin tayo sa budget.

Dan: Bakit hindi nalang tayo manghingi sa mga studyante, kahit kunting donation lang.

Cro: Sige, mamaya isasama ko yan sa announcement.


Dumating si Keen na umiiyak at niyakap si Cro. Si keen ay bunsong kapatid ni Cro.

Cro: Kuya may nambubully na naman sa akin!

Lyner: Napakaiyakin talaga. Isip bata.

Keen: Heh! Wala kang pakialam!

Cro: Keen mamaya na tayo mag usap, busy pa kami.

Keen: lagi naman eh! Lagi ka nalang busy! ( nagwalk out )

Cro: Lyner, pakisundan si Keen at baka kung ano na naman gawin yun.

Lyner: Lagi nalang ako inuutusan. Baby sitter ba niya ako?

Cro: Just go.

Lyner: Okay. ( umalis para sundan si Keen )

Graye: president, 5 mins before the conference.

Cro: Sige mauna na kayo, ichecheck ko lang itong speech ko tapos susunod na ako.

Umalis na sila Graye at Dan. Habang binabasa ni Cro ang speech niya ay narinig niyang may umiiyak at binuksan niya ang bintana. Pagbukas niya ng bintana ang isang girl ang nakita niyang umiiyak.

Cro: Bakit ka umiiyak?

Nagulat ang girl at nahalata ni Cro na natakot ito sa kanya. Dinukot ni Cro ang panyo sa bulsa niya at iniabot sa girl.

Cro: Magpunas ka ng luha at sipon mo.

Tiningnan lang si Cro ng girl at napabuntong hininga si Cro.

Cro: Wag kang matakot...tanggapin mo na.

Girl: S-Salamat... ( tinanggap ang panyo at nagpunas )

Cro: Bakit ka pala umiiyak dito?

Girl: wala naman...

Cro: Pwede bang wala pero sige, hindi na kita pipilitin. Ako nga pala si Cro, ikaw ano name mo?

Girl: S-Sa...Sa...

Cro: hm.....?

Girl: wag mo nalang alamin baka pagtawanan mo pa ako.

Cro: Promise hindi kita pagtatawanan.

Girl: Sadako.

Cro: Ha?

Girl: Ang pangalan ko ay Sadako.

Cro: Kakaibang name, very unique.

Sadako: Hindi mo ba ako pagtatawanan?

RANDOM STORYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon