Scene 2

303 28 70
                                    

Kinabukasan, pagkatapos ng klase ay nagpunta sa gymnasium sina Paloma at Jin.

" Wala parin ang mga lalaki ha..." sabi ni Paloma na hinanap sa paligid ang mga lalaki.

" Bwisit ka Migz! Humanda ka sa akin sa oras na hindi ka dumating! " inis na sabi ni Jin.

" Kapag hindi sila dumating, hanapin na natin sila. Hindi ako makakapayag na tayo lang maglilinis ng gym!" Saad ni Paloma na nagsisimula ng uminit ang ulo niya.

" Hindi rin naman ako makakapayag noh! Maghintay pa tayo ng ilan minuto bago natin hanapin ang dalawang bwisit na yun!" Sagot ni Jin at sumalampak siya ng upo sa isang tabi.

Samantala, nakatayo naman sa may labas ng entrance ng gym ang dalawang lalaki na nakasilip sa may pinto.

" Sigurado ka ba na paghihintayin natin sila?" nag aalangan na sabi ni Migz kay Dan.

" Oo basta sumunod ka nalang sa mga plano ko kung gusto mo makaganti sa mga bruha na yan! " sagot ni Dan na nanggigil sa asar at inis.

" Gusto ko rin makaganti sa kanila pero hindi sa paraan ng pisikal...." sabi ni Migz na kinakabahan sa plano ni Dan.

" Alam ko, hindi naman ako nananakit ng babae, pero hindi ibig sabihin nun ay hindi na ako gaganti sa babaeng warfreak na yan!"

" Pano natin sila sa gagantihan?"

" emotional."

" What...?"

" kahinaan ng mga babae ang puso nila kaya humanda yan sa akin si Paloma. Gagawin ko ang lahat para mainlab siya sa akin at sa oras na tuluyan na siyang nahulog sa bitag ko, sasaktan ko siya ng matindi at itatapon ko nalang siya ng parang basura."

" ang sama mo tol."

" tsk dahil sa ginawa niya sa gwapong mukha ko, hindi ko siya mapapatawad. Ikaw, anong plano mo para makaganti? "

" Gusto ko pahirapan ang buhay niya, gusto kong makita na hirap na hirap na siya at kapag hindi na niya kaya, siguradong sa akin siya tatakbo para humingi ng tulong at pagtatawanan ko lang siya! HAHAHAHAHAHA!  "

" Okay, mukhang magkakasundo tayo! THE WAR IS ON! "

Isang oras din naghintay ang mga babae bago nagpakita ang mga lalaki at masasama ang tingin nila sa isat isa.

Paloma: Bakit ngayon lang kayo?

Dan: Wala naman sinabing oras ha, ang sabi lang maglinis ng gym.

Paloma: Alam ko pero hindi ka naman siguro tanga diba? May dalawang oras lang tayo pwedeng maglinis bago tuluyan gumabi! Hindi ako pwedeng abutin ng gabi sa daan!

Dan: blah blah blah blah! tapos kana?

Paloma: Bwisit ka talaga!

Jin: Tama na yan. Ang mahalaga dumating sila, magsimula na tayo maglinis bago tayo abutin ng gabi. Hoy Migz, ayusin mo yan gawain mo ha, ayokong maabala nang dahil sayo.

Migz: Opo lola.

Jin: Lola?

Migz: Ay hindi ba?anong gusto mo? Nanay, manang, auntie...?

Jin: Tumahimik kana kung ayaw mong masaktan ulit!

Migz: Warfreak. Tsk.

Jin: Aba, gusto mo talagang masaktan ulit ha!

RANDOM STORYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon