Scene 2

79 12 8
                                    

Lumipas ang ilan araw.....

Mula ng araw na magkakilala sila Rass at Kian ay naging mabuti silang magkaibigan.

Isang araw sa school, naglalakad si Rass sa school ground habang nagbabasa ng isang maliit libro at ng tawagin siya ni Kian . napatingin siya sa gawi nito. Nakita niya si Kian na nakaupo sa damuhan kasama ang ibang member ng cheerleader squad at tumakbo ito papalapit sa kanya.

" Hi Rass!" nakangiting sabi ni Kian.

" H-Hello Kian...."

" Gusto ka raw makilala ng mga friends ko! Tara! " sabay hinawakan ni kian ang isang kamay ni Rass at hinila.

" T-Teka Kian! Nahihiya ako! "

" Wag kana mahiya! Halika na!"

Pinilit ni Kian na ipakilala si Rass sa mga kaibigan niya at naging mabilis naman kay Rass na makipagclose sa iba dahil mababait naman ang mga ito.

" Rass diba kapatid mo si Cyron? " tanong ni Kian.

" Paano mo nalaman na-

" may nakapagsabi lang sa amin."

" hm...Oo magkapatid kami.

" Bakit parang ayaw niyo malaman ng iba na magkapatid kayo?

" Sikat kasi kuya dito sa school at ayoko naman sirain ang image niya dahil sa akin...

" bakit mo naman nasabi yan? wag mo nga i-down yan sarili mo! matalino ka at saka mukha ka naman tao, kaya wag mo isipin yan!

" salamat kian.

" by the way... alam namin na ikaw ang pinakamatalino sa school natin, may request sana kami sayo?

" request...?

" malapit na kasi ang exam natin, pwede mo ba kami tulungan mag review? please tutor mo naman kami ng mga friends ko.

" Sige walang problema.

" talaga! pasensya ka na maaabala ka pa namin!

" ayos lang. Kailan niyo gusto gawin?

" sa sabado. at tsaka, doon nalang tayo sa bahay niyo, please...!

" sa bahay namin?

" hindi ba pwede?

" o-okay lang...! ang totoo , ito ang unang beses na magdadala ako ng kaibigan sa bahay namin.

" talaga!? naku salamat Rass!

" wala yun basta para sayo.






Katatapos lang ng breaktime ng makita ni Cels si Cyron na pumasok sa clinic na may kasamang isang studyanteng babae at bigla siyang kinutuban ng masama. Nagmadali siyang pumasok sa loob ng clinic at nabigla siya ng makita niyang nakahiga si Cyron sa kama habang nakapatong ang babae sa ibabaw nito. Nagulat sila Cyron ng makita si Cels at tumakbo papalabas ng clinic ang babae na hiyang hiya.

" ANONG GINAGAWA MO CYRON....?!!!

" great timing president! " nakangiting sabi ni Cyron.

" Wala na ba kayong moral at dito niyo pa yan ginagawa sa school!!!

" maniniwala ka ba sa akin kung sasabihin ko sayo, na nagsinungaling ang babaeng yun na may sakit siya at nakiusap siya sa akin na samahan ko daw siya sa clinic tapos bigla niya akong itinulak sa kama at sinubukan akong pagsamantalahan...?

" at sa tingin mo, maniniwala ako sayo!?

" hays, kung ganon hindi ko na kailangan magpaliwanag sayo dahil hindi ka rin maniniwala sa akin.

RANDOM STORYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon