Scene 2

334 43 91
                                    

Goodnews para sa mga girls! Ang picture nila ang napili at nagcelebrate pala silang tatlo. Pagkatapos, nagbenta sila ng mga gamit nila at pati ang mga inipon nila mula sa mga baon nila ay ginalaw na rin nila para makabili sila ng tickets sa concert ng FilKor. Humingi na rin sila ng pandagdag sa mga parents nila at naghanda na sila para sa araw na mamemeet nila ang FilKor.

Tip from Author: Iwasang gumastos sa mga bagay na wala naman kwenta at matutong mag ipon dahil kapag dumating ang ganitong pagkakataon, nga nga ka. 😄

Sa wakas dumating na rin ang FilKor sa pinas! Sa airport palang ay inabangan at pinagkaguluhan na sila ng mga fans sila. Sigawan, tilian at kanya kanyang kuha ng stolen shot sa cellphone camera nila. Sumakay sa Van ang mga boys habang nakangiti at kumakaway sa mga fans nila.

Zac: Wala man lang akong nakitang maganda.

Cro: Itsura lang ba talaga mahalaga sayo?

Migz: Naku tigilan nyo na yan at baka may makarinig sa inyo.

Isinara ni Migz ang bintana ng Van at umalis na sila.

Samantala...Pumunta ang mga girls sa isang First class Hotel tulad ng instructions na binigay sa kanila at pinakita nila ang kanilang mga Valid I. D. Dinala sila ng isang staff hotel sa isang suite para dun maghintay. Pare pareho silang ng nararamdaman ngayon, excited, kinakabahan, ninerbyus, nate tense, at masayang masaya.

Maya maya pa ay bumukas na ang pinto ng suite at sabay sabay silang napatayo.Pagpasok ng mga boys sa suite ay tila nagslow motion ang paningin ng mga girls at nanigas ang buo nilang katawan. Kulang nalang ay himatayin sila ng makita nilang pumasok ang mga ito at natulala sila kagwapuhan ng mga ito.

Manager: Boys, sila ang mga napili na makakasama niyo sa loob ng 3 araw bago ang concert niyo.

Migz: Hi Girls.

Cro: Hi. Ano mga pangalan niyo?

Nanatiling tahimik ang mga girls dahil nakatulala lang ang mga ito at titig na titig sa mga boys.

Zac: Natulala sila sa kagwapuhan natin. Hahahaha!

Migz: Manahimik ka Zac. Mga miss, maupo muna kayo.

Naupo silang lahat na magkakaharap at hindi maitago ng mga girls ang hiya na nararamdaman nila ngayon lalo nat hindi nila magawang makatingin ng diretso sa mga boys.

Cro: Ano mga pangalan niyo?

Misha: Ako si Misha, ito naman sina Robe at Aeran.

Migz: Natutuwa kami makilala kayo.

Robe: Kami din. Masayang masaya...!

Zac: Dapat lang kayo maging masaya dahil ang napakaswerte niyo dahil kayo ang napili, kaya naman pagbutihan niyo ang trabaho niyo. 😏

Aeran: trabaho....?

Manager: Ang totoo niyan, kaya kami pumili ng 3 girls dito para kumuha ng P.A nila.

Misha: P.A? Personal Assistant...!?

Manager: Pasensya na kayo kung hindi namin kayo nasabihan. Magiging personal assistant kayo ng FilKor sa loob lang naman ng 3 araw at babayaran naman namin kayo sa serbisyo niyo.

Robe: Ano? Kung ganon, magtatrabaho kami bilang P.A nila?

Zac: Sa madaling salita, magiging utusan namin kayo sa loob ng 3 araw.

Aeran: Utusan...?

Migz: wag niyo nalang pansinin ang sinabi ni Zac. Umaasa kami na matutulungan niyo kami.

RANDOM STORYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon