Scene 1

442 47 91
                                    

6th Batch

acseas (Migz) 💘 sateulights ( Rowbi)

Zacharianz ( Zac ) 💘 aeran- ( Aeran )

Croixero(Cro) 💘 muntangame(Misha)

Maglalagay po ako ng Title kasi may nagrequest po.


The KPOP and The Fans

The story begins...



Sina Cro, Migz at Zac ay mga sikat na kpop star at ang tawag sa grupo nila ay FilKor. Sila ay half korean at half filipino. Ang FilKor ay isa sa mga sikat na KPOP group ngayon na pinagkakaguluhan ng mga babae  sa buong mundo.

Nasa gitna ng pagpa- practice ng sayaw ang Filkor ng dumating ang manager nila. Isang pure Filipino ang manager nila at kapag sila- sila lang magkakasama ay nag uusap sila ng Filipino language.

Manager: Boys, break muna at sumunod kayo sa office after 5 mins. Okay?

Umalis na ang manager nila at kanya kanyang sumalampak sa sahig ang tatlong lalaki na pagod na pagod at pawis na pawis.

Cro: Oo nga pala, may bago tayong kanta ngayon.

Migz: Talaga? Para ba yun sa concert natin sa pinas?

Zac: Speaking of pinas... excited na ako!!! Woohoooo!

Cro: Ako din. Na iimagine ko na ang mga mukha ng mga Filipina fans natin ngayo-

Zac:  -na mga panget at ubod ng mga panget. Hahahaha!

👉😒 Ganito reaksyon nila Cro at Migz sa sinabi ni Zac.

Migz: Naku nanlait na naman siya.

Cro: Hoy Zac, mga fans natin sila kaya tigilan mo na nga yan panlalait mo sa kanila.

Zac: Totoo naman ha! Mga panget ang mga  babae sa pinas. Hahahaha!

Migz: Baka nakakalimutan mo, half Filipino ka.

Zac: Sabe ko mga babae lang, Alam ko naman na gwapo ang mga lalaking pinoy. Hahaha!

Cro: Wala akong masabi sa takbo ng utak mo.

Zac: Takbo? Wala namang paa ang utak ko kaya pano tatakbo? Hahaha!

Cro: Pigilan mo ako Migz, uumbagin ko na ang gagong ito.

Migz: Hindi kita pipigilan Cro, dahil gusto ko na rin burahin ang mukha niyan.

Zac: Sus! Insecure lang kayo sa kagwapohan ko. Hahahaha!

Cro: Wala akong masabi sa kapal ng face mo Zac.

Zac: Masyado na bang makapal ang kagwapohan ko? Hahahaha!

Migz: Tangena. Nakakasuka ang kayabangan mo sa sarili mo, Zac.

Zac: Inggit lang kayo!

Cro: Ah ganon!?

Sabay na sinugod nila Cro at Migz si Zac. Pinagtulungan nilang hawakan ito at kunwari ay nire- wrestling nila ito. Ganyan silang magkulitan at mag asaran bilang magka kaibigan.


Meanwhile in Pinas.... Sina Misha, Robe at Aeran naman ay isa sa mga fans ng FilKor at silang tatlo ay matalik na magkakaibigan. Kapag wala silang klase, nakatambay lang sila sa sariling kwarto ni misha para manood ng mga kpop show at marang pang iba basta tungkol lang sa kpop ang connection.

Sabado... kararating lang nila Robe at Aeran sa bahay nila Misha, nang biglang marinig nila tumili ng malakas si Misha at nagmamadali silang nagtungo sa kwarto nito.

Aeran: Hoy ano nangyari sayo!?

Misha: Ohmugash mga bessy!!!!! May nalaman ako na ikamamatay niyo sa tuwa!

Robe: At ano naman yun?

Misha: Magko concert next week ang FilKor dito sa pinas!!!!!!!!!

Robe/ Aeran: REALLY?!!!!!

Sabay sabay na silang nagtilian at nagtatalon sa sobrang saya na parang mga baliw. Hindi nila mapigilan ang gumulong gulong sa sobrang kilig at pare pareho na silang excited sa pagdating ng FilKor sa pinas.

Misha: Makikita ko na ang Cro ng buhay ko!!!

Aeran: Masisilayan ko na rin ang gwapong mukha ng mahal kong si Zac!!!

Robe: Naiiyak ako! Sa wakas!Makikita ko na rin sa personal ang asawa kong si Migz!!!

Misha: Ay Oo nga pala! Muntik ko na makalimutan!

Robe: Ano yun?

Sabay sabay silang naupo sa kama at humarap sa laptop ni Misha para tingnan ang Fan site ng FilKor.

Misha: Magpapadala tayo ng pictures sa Fan site nila at kung sinoman ang  mapipili, may special date sa FilKor bago ang concert nila.

Aeran: Talaga? Bilis magsend na tayo ng mga pictures natin!

Robe: Kaya lang, gusto ko magkakasama tayong tatlo.

Aeran: Ako din! Ayokong magkahiwalay tayong tatlo!

Misha: Bakit hindi nalang tayo magsend ng pictures na tayong tatlo ang magkakasama?

Robe: Tama! Pero bago yun mag paganda muna tayo!

Aeran: Syempre! Alangan naman magsend tayo ng pictures na nasa Nerd outfit natin.(natawa silang tatlo)

Misha: Punta tayo sa parlor at dun tayo magpaganda!

Robe: Hindi na! Ako nalang mag aayos sa inyong dalawa! Baka nakakalimutan niyo, ako ang dyosa ng kagandahan!

Aeran: Bilis na! Sayang ang oras!!!!

Pagkatapos nilang magpaganda sa kanilang mga sarili ay sinend na nila ito sa fan site ng Filkor at nagdasal pa silang tatlo sa harap ng altar na sana pictures nila ang mapili.

Itutuloy...... 😄

Thank you for supporting and reading my story. 😄💕

RANDOM STORYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon