Scene 1

476 31 36
                                    

CyronSantos - Cyron

-_GoddessofLove_- -Cels

Bbmrly_ - Rass

kshrcs- - Kian

How to be you?

Sina Rass at Cy ay magkapatid. Dalawang taon ang agwat ng edad nilang dalawa at close sila sa isat isa. Alam nila ang sekreto ng bawat isa at nagdadamayan sila sa lahat ng problema. Magkaiba ang personalidad nilang dalawa, si Cy ay palakaibigan at sikat bilang pinakagwapo sa school nila. Si Rass naman ay mahiyain at genius sa school nila, pero walang nakakaalam sa school nila magkapatid sila.

Isang umaga, tulad ng dati, laging tanghali ng gumising si Cy at sa tuwing gigising sya, tapos na kumain si Rass at paalis na rin ito ng bahay nila.

" Good morning kuya! "Pagbati ni Rass.

" Morning " sabay naupo si Cy sa harap ng hapagkainan ng bigla siyang batukan ng mama nila ng kawali sa ulo." Aray naman ma!"

" tanghali ka na naman gumising! Kailan ka ba magbabago! Bakit hindi ka tumulad sa kapatid mo na laging maaga gumising at matataas ang grades!"

" magkaiba po kami ni Rass! yun mga tipong tulad ko, hindi libro hawak ko, kundi kagwapuhan at kasikatan! 😏" muli siyang binatukan ng kawali sa ulo at natawa nalang si Rass. " Aray! "

" Mama tama na nga po yan baka lalong mabobo si kuya."

" Hawaan mo nga ng katalinuhan yan kuya mo baka sakaling tumino! "

" matino naman po ako, kasalanan ko ba kung pinanganak akong gwapo at sikat!?"

" Gusto mo pa ng isang hampas sa ulo Cyron? "

" Wag na po Ma! Tama na po! "sabay lumayo sa mama nila na nakataas ang kamay at napailing nalang ang mama nila.

Nauunang pumasok si Rass sa school at sa tuwing dadaan siya sa school ground ay nakikita niya ang kanyang crush na si Kian. Si Kian ay sikat na cheerleader sa school nila at sya din ang muse ng campus nila.

" Ang ganda talaga ni Kian... kumpleto na ang araw ko,makita ko lang ang mga ngiti niya. Kailan niya kaya ako mapapansin? Well, ang tanong...mapapansin ba niya ang tulad ko? Hanggang tingin nalang ba ako? Hanggang kailan ko kikimkimin itong feelings ko para sa kanya? " Bulong ni Rass sa sarili niya at gumuhit ang kirot sa puso niya.

Papaalis na sana si Rass ng biglang tumama sa ulo niya ang soccer ball at bumagsak siya sa ibaba. Medyo nawalan siya ng malay at napansin nalang niya na may umaalalay sa ulo niya. Nang mawala ang panlalabo ng mata niya at hindi siya makapaniwala ng makita niya si Kian na nakaupo sa tabi niya.

" Are you okay!? Hey!" nag aalalang sabi ni Kian.

" E - Eh.....? " natatameme si Rass at feeling niya nananaginip siya ngayon.

" Tutulungan kita pumunta sa clinic!"

" N-No...I-Im okay!" sinubukan ni Rass tumayo ngunit bigla siyang nakaramdam ng pagkahilo at nawalan siya ng balanse sabay napayakap siya kay Kian.

" Be careful! "

" S-SORRY! SORRY! " depensa sabi ni Rass at mabilis siyang lumayo kay Kian na hiyang hiya. Napansin niyang natawa si Kian. " B-Bakit ka tumatawa...?"

" Ang cute mo pala mahiya at mag blush!

" eh!? Ako cute!? Nagb-blush ako?! "

" Yes! Haha! by the way I'm Kian!"

" R-Rass..."

" nice to meet you Rass!

" me too..."

" Friends...?"

" okay friends. " nagshake hands silang dalawa.


Tulad ng dati, late na naman pumasok si Cyron at kapag late siya, sa likod ng bakod siya ng school dumadaan. Una niyang hinages papasok sa bakod ang bag niya at walang kahirap hirap na naakyat niya ang bakod. Bumagsak ang pag asa niya ng makita niya ang student Council president na si Cels at mayabang na nakangiti sa kanya.

" Akala mo ba malulusutan mo ako ngayon? Baba at wag mong susubukan na takasan ako ulit!" Sabi ni cels.

" crush mo talaga ako noh? Akalain mo, hanggang dito nasusundan mo ako at alam mo kung saan ako dumadaan at kung anong oras ako darating....tsk tsk Stalker ba kita?"

" manahimik ka! Bumaba ka na dyan para madala na kita sa discipline office!

Napabuntong hininga si Cyron at tumalon siya pababa ng bakod. Kinuha niya ang bag niya at naglakad habang nakasunod sa likod niya si Cels na binabantayan siya. Sa gitna ng kanilang paglalakad ay sinadya ni Cyron na ihulog ang panyo niya at nakita yun ni cels.

" Hoy panyo mo, nahulog!" Sambit ni Cels pero mukhang hindi siya narinig ni Cyron kaya dinampot nalang niya ito at pagtingin niya sa paligid ay bigla nalang nawala si Cyron at nakita nalang niya ito sa malayo na mabilis na tumatakbo para takasan siya. " HOY! CYRON! BUMALIK KA DITO! BWISIT TINAKASAN NA NAMAN AKO NG BISUGO NA YUN!!!"

Hinabol ni Cels ng mabilis si Cyron pero hindi na niya ito naabutan at naglaho nalang ito ng parang bula.

" Letseng lalaking yun! Natakasan na naman ako! Ilan beses na niya ginagawa ito sa akin! Sa susunod itatali ko na siya para hindi na siya makatakas! " asar at inis na sabi ni cels pero ang hindi niya alam ay nagtatago lang si Cyron na malapit sa kinatatayuan niya na pinipigilan ang sarili na wag matawa ng malakas.

Pag alis ni Cels sa lugar na yun ay saka lang lumabas si Cyron at nagmamadaling nagtungo siya sa classroom nila.


Itutuloy....😄

Maraming salamat sa walang sawang sumusuporta sa story ko!


RANDOM STORYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon