The Story of Miss Bitter [5-Alien attraction]

148 4 4
                                    



CHAPTER FIVE



Pag-uwi ko kahapon sa bahay ay laking gulat ko ng malamang one call away lang pala ang bahay namin nina Alien boy. Imagine, siguro mga tatlong tumbling ko lang eh na sa bahay na ako ng mga Valderama. Sila pala yung tinutukoy nina mama at papa na bagong lipat jan lang sa katabing bahay ng aming kapitbahay. Galing pa daw states at nagmigrate na dito sa pilipinas for good.


Nakatayo ako ngayon sa aming full-size mirror at pinasadahan ang aking damit. Nakasuot ako ngayon ng blue faded high-waist jeans at black cropped top na medyo kita ang pusod. Hinayaan kong bumagsak ang aking medyo kulot na buhok dahil may porma naman ito. Hindi naman ako nagpapasexy o ano, feel ko lang talaga na perfect ang ootd ko ngayong araw.


Bumaba ako ng aming hagdan at sumalubong sa akin si mama. Tinitigan nyang mabuti ang suot ko bago magsalita, "Saan ka pupunta, Cara?" tanong ni mama habang nakatinginpa rin sa outfit ko.


Nahiya naman ako kaya binaba ko ng konti ang laylayan ng aking pang-itaas.


"Jan lang po, mama. Doon sa bahay ng mga Valderama." sagot ko.


"Ano namang gagawin mo dun?" muling tanong na habang may makahulugang tingin.


"Ah ano po...Gagawa kami ng research project ng mga ka-groupmates ko."


Saglit munang natamihik si mama bago tumango at dumiretso sa kusina. Ayy grabe, mama! Pagkatapos akong tanungin magwwalk-out agad. Wag mo sabihing nagmana sya dun sa Alien boy? Jusko!


Palabas na ako ng aming gate pero parang ayaw ko pa ring tumuloy. Hindi naman ako tinatamad pero nakakahiya! Diba kahapon sa cafe ay para akong nagmamaktol na bata dahil ayaw kong pumunta sa bahay ni Alien boy? Ano nalang ang iisipin nila?


Humugot ako ng malalim na hininga para lumakas ang loob ko. Kaya mo ito Cara!


Labas-pasok, labas-pasok, labas-paso-


"Hoy, Cara!"


"AY, MUKHANG KABAYO!" bigla akong napahawak sa aking dibdib. Nakakagulat naman kasi. Si Aya parang kabute na bigla-bigla nalang susulpot.


"Sinong mukhang kabayo ha?" inis na sambit ni Aya. Nasabi ko ba yun?


"Wala, wala..."


"Para kang baliw, labas-pasok sa gate. Bakit parang nattense ka? At saan ba ang lakad mo ngayon?" naguguluhang tanong ni Aya.


"Ah, eh, jan lang sa mga bagong lipat." sagot ko.


Actually, hindi ko talaga alam kung tutuloy pa ba ako o hinde. Pero ang lapit-lapit lang ng bahay nila oh! Kaso lang lumalambot ang mga tuhod ko sa tuwing akma akong lalabas. It's weird right? Because of that Alien boy nagkakaganito ako.

The Story of Miss Bitter (Slow-update)Where stories live. Discover now