CHAPTER TWO
Pagdating na pagdating namin sa school parang umaapoy na naman ang mga mata ko. Paano ba naman kasi, dumating lang yung kupal na boyfriend nitong pinsan ko eh todo na kung makalingkis! Dinaig pa ang magnet! Nakakabad-mood tuloy.
"Hi Johnny babe!" sabay bigay ng halik ni Aya sa pisngi ng boyfriend nya. Eww! Walang forever!
"Hey, baby!" sabay bigay din ni Johnny ng halik sa pisngi ni Aya. Owwkay?
Hey nandito lang ako sa harap nyo at kagagaling ko lang sa break-up-yan ang gusto kong sabihin kaso wag na! Sabihin pa nilang bitter ako.
"Sheezz...Wag nga kayong maglandian sa harapan ko! Get a room people!" sabay irap ko at tumingin-tingin sa ibang mas kaaya-ayang tanawin.
"Hayy nako, couz! If I know na bitter ka lang talaga noh! Right babe?" sabay lingkis na naman nya na parang ahas. Tsss. Sakit sa mata!
"Tama ka babe!" sinamaan ko nang tingin si Johnny. Sumabay pa kasi sa trip ng siraulo nyang girlfriend. May mas ikasasaya pa ba 'tong araw na 'to?
Nag-peace sign naman si johhnyng patago para hindi makita ni Aya. Kung alam nyo lang, yang si Johnny ay under kay Aya noh! Takot lang nya kay Aya pag naging leon.
Maaga pa lang naman kaya konti pa ang mga students sa campus. Plano ko sanang umuwi ng maaga mamaya para bumili ng puto at dinuguan kay Aling Betchay sa may gilid ng school. Favorite yun ni mama since bata pa sya dahil specialty daw ni lola. Kasi 'di ko alam kung hanggang anong oras magsasara si Aling Betchay eh. May sakit daw kasi yung anak nya kaya maaga syang magsasara. Sana talaga makabili pa ako.
"Hoy mamaya samahan nyo ako kina Aling Betchay, ha?" sabi ko sa dalawa na ngayon ay nagpapalitan ng mga cheesy na lines. Parang wala naman silang narinig dahil patuloy pa rin silang NAGLALANGGAMAN!
"Aya...Para kang bituin," -Johnny
"Eh beket nemen?" pabebeng tanong ni Aya. Sarap nilang ihulog sa banggin! Ampots --__--
"Ang hirap mo kasing abutin, BOOM!"
Napanganga naman ako sa lame na pick-up line ni Johnny while si Aya naman ay nagtatalon sa kilig. Seriously? Soo Lame!
"Johnny nemen ehh!!" at ayun si pinsan, para nang kamatis sa sobrang pula. Mamaya paki-remind sa akin na ipa-salvage 'tong dalawa sa harap ko.
"Quit it guys! Nakakasuka na promise! Too much sugar is not good for the health!" sabi ko habang nakahalukipkip sa dalawang love birds.
Sabay silang lumingon sa akin at binelatan ako sabay sigaw ng, "BITTER!" at kumaripas na ng takbo.
Bagay talaga silang dalawa, bagay pag-untugin ng ulo! Tch.
"Hoy, wag nyo sabihing iiwan nyo ako dito mag-isa, Hoy!" sigaw ko sa dalawa. Medyo malayo-layo na sila kaya baka hindi nila ako narinig.
YOU ARE READING
The Story of Miss Bitter (Slow-update)
Teen Fiction[Mga may pasensya lang pwede magbasa nitong story] Isang babaeng hindi naniniwala sa forever-kumbaga Bitter. Kilalanin natin si Cara Dela Rosa. Not your typical kind of a girl. At an early age, she got her heart broken. Ayaw na ayaw nya sa mga lal...