Cara's POV
Five days ago na ang nakakaraan since that Alien boy forced me to date him. Hindi sana ako papayag eh kung hindi nya ako tinakot. Akala ko kasi mararape ako ng wala sa oras. I seriously want to kill that alien. Grr.
Simula nun, hindi ko sya kinikibo o tinataponan ng tingin man lang. I am still annoyed and pissed.
Naka-suot ako ng floral dress hanggang tuhod tsaka flat sandals. Hinayaan ko lang bumagsak ang mahaba at medyo curly kong buhok.
Ang sabi nya ay dapat daw ready na ako ng mga nine-thirty kasi susunduin nya ako. Kapag daw hindi ako tumupad sa usapan ay sya na naman daw ang gagawa ng paraan para mapahiya ako. Ayaw ko namang masira ang image ko sa school no.
Nung una, nagulat ako kasi ang akala ko magagalit sya. But instead, he wants me to date him. Sobrang ganda ko na ba?
But I won't fall for boys like him ever again. Once is enough.
Pero malay ko ba kung gusto din ako pagtripan nun sa mall? Ay bahala na nga.
Nagpaalam ako kina Mama at Papa na susunduin ako nila Kaye at Gail dito. Naniwala naman sila at pumayag. Baka ano pang isipin nila pag sinabi Kong si Kyle. Si Aya ay tulog pa kaya walang istorbo sa akin.
Bigla akong may narinig na busina ng sasakyan kaya dali-dali na akong lumabas. I saw outside a black BMW convertible. Nice.
Biglang bumaba ang salamin ng drivers seat. "Wag ka ngang tumunganga jan. Hurry up!" Masungit nyang sabi.
Kahit kailan talaga napaka-sungit. Kung hindi ko kaya sya i-date? E'di malalagot na ako nun. Tss.
Pabagsak akong pumasok sa kumikinang at mamahalin ng kotse. Humalukipkip ako at umayos ng upo. Nakatingin lang sa bintana.
"Are you trying to torture my car?"
Hinarap ko sya, "Gusto mo ba?" I smirk sarcastically.
"Try me." Confident nyang sagot at sinuklian din ako ng ngisi.
"Ugh. Just drive."
Narinig ko ang mahinang tawa nya bago muling pinaandar ang makina.
Asshole.
**
Pagdating namin sa mall ay pinagtitinginan kaming lahat. Specially girls drooling at him. But he never seemed to mind. Parang may kasama akong bato o kaya statue.
Habang naglalakad malapit sa mga restaurant, nilingon nya ako. "Where do you want to eat?"
Luminga-linga muna ako para makahanap ng makakain kasi timing ding gutom na ako. At yun! Yumyum...
"Jollibee." Tipid kong sagot.
"Seriously?" Hindi makapaniwalang sabi nya. "Uh, no. We will eat somewhere decent...and healthy."
"Tse! Sana di mo nalang ako tinanong! Bahala ka, basta sa Jollibee ako kakain mag-isa! Hmmp!" Nakakabadtrip tlaga. Magtatanong-tanong tapos aayaw din pala. Masyadong maarte. Tsk.
Iniwan ko syang mukhang naiinis din. Pumasok ako ng Jollibee at nag-order. My favorite since birth. I ordered 1 large coke, large fries, super meal, at isang choco sundae. Oopps, di ako matakaw ah? Gutom lang.
Nang nakuha ko na ang order ko ay naghanap ako ng mauupuan. At sadly, lahat occupied na.
"Hey."
Lumingon ako sa tumawag sa akin. At himala! Naligaw ang alien sa Jollibee. He was sitting sa may dulo. No choice kundi ang umupo sa tabi nya.
Naupo ako at sinimulang kainin ang fries ko, but I stop half way. Tumingala ako and saw him staring at me. Nakaka-conscious tuloy kumain.
YOU ARE READING
The Story of Miss Bitter (Slow-update)
Teen Fiction[Mga may pasensya lang pwede magbasa nitong story] Isang babaeng hindi naniniwala sa forever-kumbaga Bitter. Kilalanin natin si Cara Dela Rosa. Not your typical kind of a girl. At an early age, she got her heart broken. Ayaw na ayaw nya sa mga lal...