Chapter Three:Colors

19 3 3
                                    

Shane's POV

Habang naglalakad kami ay may nakasalubong kami na grupo ng mga lalaki,mga apat sila.Babalewalain ko na sana kaso ang kulit ni Jane at nakiusyoso pa, sinundan ko sya at hinila sya...pero nagulat ako ng makita ko ang isang lalaking nakahandusay...

Sya yung lalaki kaninang umaga na yumakap sa kin.

Si Jane naman nagfeeling ang gaga, inangat nya yung sleeves ng uniform nya at sumugod dun sa mga nakakagulong lalaki,Naka ilang beses akong awat sa kanya na wag na lamang makigulo at baka kung ano pa yung mangyari pa samin.Pero ayaw talaga paawat nung babaeng yon T~T

Lumapit si Jane sa mga lalaking pinagkakaguluhan ang nakahandusay na si mystery guy.Pasigang lakad ang ginawa ni Jane in hopes na matakot sa kanya ang mga lalaki, ang tanga nya no? Natatakot na talaga ako sa mga oras na yon.Nanginginig ang mga kamay ko.Sakto at walang tao sa lugar na yon dahil umaga pa lang, sweet.

Kinalabit ni Jane ang balikat ng isang lalaki,humarap ito at nakita ko ang abs nya....sa mukha...

"Hoy! Alam nyo ba na bawal mang bully?!"Pasigaw ni Jane.

Ughhh Sige Jane,matatakot sayo yan.

Yung tatlong lalaki na may abs sa mukha, lahat sila nakakatakot, bwisit naman kasi si Jane eh T~T

Pinakita pa nya yung ID nya , sinasabi nya na siya ang Student Council President ng St.Katarina SHS,kahit naman hindi,ughh Jane napaka gaga mo...

Unti unting lumapit kay Jane yung nakakatakot na lalaki , at hinawakan ang balikat nito,agad namang inialis ito ni Jane at kumuha ng condom sa bulsa nya,tinanggal ito sa supot at ihingais ito sa abs este mukha nung lalaki.

"Boss!" sabi nung matabang lalaki na kasama nya.

Lumapit naman yung isang payat na lalaki na parang isang pirma nalang ng bulate eh tigok na.

"N-nagkakamali po kayo!" sabi nya

"Anong nagkakamali?! Baka kayo nagkakamali! Nakita mo tong maskels ko?"pakita ni Jane yung MUSCLES daw nya."Kamukha nyo to! pero wala kayong ganito!" pagmamayabang ni Jane.

Ang gaga mo talaga Jane =___=

"T-tama siya! Tinulungan lang namin yung lalaki kasi nahulog sya sa bike nya!"sabi nung matabang lalaki.

"Huh?" sabi ni Jane, confused na siya.

Tumingin sya sa paligid, ganun din ako.Nakita ko ang bike ng mystery Guy na nakahandusay.Okay...well played.

"Niloloko nyo ata ako eh!Di ba kayo natatakot sa maskels ko!!!" sabi ni Jane na halatang napapahiya na.

Dahil sa natakot na ang mga lalaki eh agad na silang tumakbo,halos madapa dapa pa yung lalaki na hinagisan nya ng condom.Nakakaawa naman yung mga lalaki,mababait naman pala.

Napatingin ako sa mystery guy na tumatayo at iniaayos yung uniform nya,inangat nya yung bike nya.Wala parain talaga siyang reaksiyon...ang cold nya sobra.

Si Jane naman nakayuko, hindi nya tinitignan sa mukha yung mystery guy,siguro eh napahiya siya sa ginawa nya.

"Uhh...Salamat... "sabi nung mystery guy.Pati sa boses nya ay manlalamig ka.

"O-okay lang hahaha, di naman namin akalain na tinutulungan ka lang pala..."Sabi ko.

" Hindi, okay lang, kahit ako nga akala ko bubugbugin jila ako,pero mababait naman sila.."sabi ni mystery guy.

PhilophobiaWhere stories live. Discover now