Chapter 6:Tears

37 3 1
                                    

St.Katarina School of Music and Arts

A week after the Incident.

Shane's POV

It was a cold morning when I got into school its been raining lately.Nothing special happened in my first week on St.Katarina.Things goes in their normal jobs, and people does things that they always do.Its been a boring week.We've got nothing to do.

Hindi na rin nagbike si Eru papuntang school,nakikita ko siyang naglalakad nalang papunta sa eskwelahan.Siguro dahil ay ilang beses narin siyang bumabagsak at naaksidente nitong mga nakaraang araw dahil sa pagbibisikleta.Hindi ko na rin siya masyadong nakakausap dahil sa sobrang busy niya ata sa pagiging representative ng eskwelahan.Naiintindihan ko rin naman.Saka ano ba ineexpect ko sa kanya,parang hindi rin naman niya ako maituturing na isang kaibigan.

Kaibigan nga lang ba?

Ilang beses ko narin siyang naitanong kay Dave at Mind, sinabi rin niya na pati sila ay hindi pa rin niya nakakausap.Kapag nga daw ay papansinin nila ito,agad nalang itong tatakbo at sasabihing may dapat pala daw siyang gawin,lagi daw itong nagmamadali.Nag aalala na sila kay Eru ng sobra.Hindi rin lang naman sila.

"KYAAAAAAAAAAH!!!"sigaw ng mga makakating babae.Halos lahat ata ng babae ay nagtitilian.May ipis ba?

Marami na namang nagkakagulo sa entrance ng school,kung hindi dahil kay Mind o kay Eru,kanino pa ba sisigaw ang mga ito?May Heartrob pa ba dito?Baka naman hindi ah.

May Isang lalaking matangkad ang lumabas mula sa isang kotseng itim,mahaba ang buhok niya at kulay pula.Hinawi pa niya ito sabay kindat sa mga nagtitiliang mga babae.Ginantihan ito ng mga babae ng isang napakalakas na pagsigaw.Halos mahimatay ang mga babae sa kawalan ng hangin dahil sa pagsisigaw nila.Yan ba ang poging sinasabi nila?Mukha namang ipis.

Speaking of Ipis,nakita ako ng ipis,ngumiti siya sakin.What da pak?Nandiri ako sa sarili ko ng mga oras na iyon.Ako ata ang pagtitripan ng lalaking hamog na to.Di lang siya basta hangin, hamog na siya.Dumukot siya sa bulsa niya at naglabas siya ng isang ID ng isang Katarinians.Di ko makita kung ano ang nakasulat at kung sino ang nasa litrato.Hinawakan ko ang lace ko, pababa ng pababa para maabot ko ang ID ko...

sht ...

WALA YUNG ID KO!!!

T~T for sure...akin yung hawak ng Ipis...

Paano napunta sa kanya yung ID ko? saka ngayon ko lang ba napansin?! One week na akong nag aaral dito!Ngayon pa nawawala yung ID ko? Kailan paaaaaaa....

Masyado kasi ako naka focus kay Eru =3=

Pati sarili ko di ko naiisip T~T lagot na ako nito...

Unti unting lumapit sakin yung ipis, glares ang balik sakin ng mga babaeng nagkakadarapa sa ipis na ito.Ngumiti siya sakin ,yung ngiti niya na parang nagsasabing "Go Out and Lick with me".Alam ko na ang mga lalaking ganito =3=

"Makakalimutin ka ata ... pero sinasabi ko sayo,di mo ko makakalimutang mahalin..."sabay kindat ng ipis.

Ughhhh.Pwede manapak?Nandidiri ako.Nanginginig yung buong katawan ko sa nyerbos,takot at pandidiri.Save me please anyone...

PhilophobiaWhere stories live. Discover now