"So thats all Katarinians, classes from today were suspended in order to give way for club meetings...So Go to your desired club in a correspinding room and get to know each other...So before my speech ends, I , Ms.Maya Jean De Rio,Student Council President of St.Katarina School of Music and Arts,wishing everyone of you to enjoy this year with us.Thank you." ended her speech with a bell.
Bumalik na yung mga students sa mga ginagawa nila,naging busy narin sila Eru and Mind sa pag didistribute ng posters,since na wala rin naman palang klase,nagpasya kaming tulungan sina Eru at Mind sa pagdistribute ng mga posters.Sakto naman at marami kaming kakilala na nainvite na sumali sa club namin...ineexpect ko na mapupuno yung club room namin! Yis! x3
Pero akala lang pala iyon.
Nauna kamimg pumasok nila Eru at Mind ksama ang bestfriend kong si Jane papsok ng club room.Umupo si Mind sa desk at nagpahinga,kinuha ang checklist ang naghihintay para sa mga paparating na members.Si Eru naman ay nagsulat sa whiteboard ng mga agendas ng meeting.Kaming dalawa naman ni Jane ay binuksan na ang mga dala dala naming pagkain.
"Hala oy ano yan , mamigay nga kayo.." Sabi Ni mind na agad dinakma yung napakalaking snack na binili ni Jane,sakto at paborito ni Jane yon.
"A-akin yan eh...*sniff*"Sabi ni jane na paramg maiiyak na.
Ngumiti naman si Mind na halatang nakyukyutan sa bestfriend ko.
umupo siya sa tabi ni Jane."Hati nalang tayo ,iiyak ka pa eh...hahhaahah"tawa ni Mind.Halos nagkakatuwaan kami na parang matagal na naming kilala ang isa't isa.
Napansin namin na nagsusulat parin si Eru,naka headset ito kaya malamang ay hindi nya naririnig ang kaingayan namin.
"Masyadong busy si Pres ah... "sabi ni Mind.Ngumiti ito,pero hindi ngiting masaya,ngiti ng may masamang balak.Dumukot si Mind sa supot,hindi niya ito tinignan at sinaktong binato sa ulo ni Eru.Putlang putla na tinignan ni Jane ang nangyari.Nagtagumpay naman si Mind sa masamang balak niya.
Nakuha niya ang atensyon ni Eru.Saglit itong yumuko at lumingon.Ang sama ng tingin niya kay Mind.Unti unti niyang hinubad ang headset niya at inilapag ang kanyang cellphone sa desk.Lumunok naman si Mind na halatang natatakot na sa mangyayari
"P-patay..."Sambit ni Mind.
Unti unting humarap si Eru,kasama ang pamatay na tingin kay Mind.Yumuko siya para kunin ang binatong gamit ni Mind.
CONDOM!!!
Kaya pala putlang putla ang gaga!May condom pa pala siyang binili! Langyang babaeng to.
"Y-yung condoooooommm..."iyak ni Jane
"Gagamitin pa ni Shane yoooooon..."dagdag pa niya.
"napakagaga mo talaga jaaaaaaaneeey...."sabay pingot sa kanya.
Si Mind naman ay nagtago sa likod ng room habang hinahabol siya ng galit na galit na si Eru.Hinablot ni Eru ang buhok nito at inipit ang ulo ni Mind sa underarm niya.Ako naman ay pinipingot parin ang tenga ni Jane habang kurot kurot niya ang pisngi ko.Punong puno ng ingay ang room na iyon.
May Isang Student na nagbukas ng room,isang babae.Napakaganda niya.Paramg natotomboy ako ng mga oras na iyon xD Ang pula kasi ng labi niya,yung buhok niya na blonde at kulay blue na mga mata,para siyang female version ni Mind!Nanglaki ang mga mata niya sa pangyayari.Halata sa mukha niya ang gulat...
Agad na pumwesto si Mind sa tapat ng pinto dala ang kanyang checklist at pinapirma si Beautiful Girl.
Si Eru naman ay nakipagshake hands kay beautiful Girl na nakipagdeal pa sa kanya na kapag sumali sa kanyang club ay may exclusive discount sa cafeteria
YOU ARE READING
Philophobia
RomancePHILOPHOBIA Fear of falling in love I really dont think this phobia even exists I thought I was just afraid of heights I thought I was scared of being hurt I really dont think that kind of fear exists Maybe not on me Maybe not on her Yes.... It was...