Demon Seal (Part1)
Mabilis na tumakbo palayo ang dalaga matapos niya itong halikan. Naging mapusok ba siya? Bigla siyang nakaramdam ng pagkabahala. Pakiramdam na parang may nagawa siyang napakalaking kasalanan.
Habang paahun siya sa tubig mariin niyang kinagat ang ibabang labi hanggang sa magdugo ito. Kainis! Bakit sobra akong na gi-guilty sa ginawa ko. Alam ko mali ang ginawa ko pero ako ang hari ng bansang ito at ang sinuman na gustuhin ko ay marapat lang na sumunod sa kagustuhan ko.
Kasabay noon ay muli niyang dinampian ang pisngi na bahagyang sumakit sa natamo nitong sampal. Ang babaeng iyon! Nagalit siya ngunit napangiti narin kalaunan. Iniisip niyang parusahan ang babae sa ginawa nitong pagsampal sa kaniya. At isang makahulugang ngiti ang hindi na maialis sa kaniyang labi hanggang sa bumalik ito ng palasyo.
"KAMAHALANN!!!" para namang nawala siya ng isang taon kung makapag-alala ang mga kawal at tauhan niya.
"Saan po ba kayo nagtungo?" ang tanong ng kaniyang ministro na namumuno sa kalakal.
Hay nakalimutan niya na may pagpupulong pala sila ngayon matapos niyang masilayan ang mga maharlikang binibini. Nawala na ito ng tuluyan sa kaniyang isip ngunit tila mas lalo siyang naasar sa tanong nito.
"Bakit, wala kang karapatang magtanong sa akin kung saan ako nagtungo o kung ano ang aking ginawa. Ako ang iyong hari karapatan kong gawin ang ibigin ko. Ikaw ba ay tinatanong ko sa mga bagay na pansarili lamang?" tila biglang nag-init ang ulo niya.
Maging siya ay nagulat rin sa kaniyang mga sinabi. Mahinahon naman siya sa pakikitungo sa mga ito at kahit anong problema at isipin ay hindi siya nagiging ganito.
"K-kamahalan?" sambit na lamang ng ministro. Siya rin ay nagulat sa reaksyun ng mahal na hari.
Biglang nag-init ang mga pisngi ni Nebuchadnezzar na lalong ikinairita niya dahil nasaksihan ito ng kaniyang mga tauhan. Baka dahil dun ay mawalan siya ng respeto.
Napansin ng mga kawal ang mapulang pisngi at konting bakas ng matinding sampal. Ayaw na lang nilang magbigay ng komento dahil siya ang hari ng bansa.
"Kung wala kang magandang sasabihin ngayon, maari bang bukas na lang tayo mag- usap dahil pagod na ako" ang sabi na lang niya upang makaiwas sa mga mapang usisang mata ng kaniyang kawal at tauhan.
Malugod naman siyang pinaunlakan ng ministro at malaya siyang nakaalis. Nakaiwas man agad siya sa mga usapan. Tiyak niyang walang kakalat na usapan tungkol sa nangyari kanina. Isipin na lang nila na pagod siya kiya bigla na lang nag-init ang kaniyang ulo.
Pabagsak niyang isinara ang pinto ng kaniyang kwarto. Inihagis sa kung saan ang mga suot na aksesorya at bumagsak sa kaniyang malambot na higaan.
Iniisip niya kung paano niya makukuha ang dalaga ng hindi na ito makakawala pa. Naiinis talaga siya sa tuwing maalala niya ang tagpo nila sa patubigan.
Kumikinang ang makinis nitong balat at ang dalawa nitong bilugang dibdib at ang parte ng.... AHhhh!!! Kainis! Ngayon lang ako nakaramdam ng ganitong klase ng inis sa sarili.
Agad siyang bumangon nagpalakad lakad sa loob ng kaniyang silid at tumawag ng tagasilbi. Maya maya naman ay pumasok na ang isang bagong tagasilbi sa kaniyang silid. Sa pakiwari niya ay kasing edad lang ito ng dalaga sa simbahan.
"K-kamahalan ano pong kailangan nyo?" tila nag-aalangan pa itong magsalita dahil nakita sya nitong nakbulagta sa kaniyang higaan.
"Lumapit ka dito! " tila galit niyang sabi nang paghintayin siya nito ng dalawang minuto.
BINABASA MO ANG
Demon God Candidate(Revision ONHOLD)
Ma cà rồng(On-Going) Lilany Valgiry, simple, elegant, witty and she's the 36th generation princess. next in line to the throne of kindom of Avelion. Jared Silverain, Job description: Vatiqcan un anointed priest. meaning O.J.T. slash spy slash clumsy slash an...