♦♦The Creation♦♦

37 1 0
                                    

+Yukimesh+

Sino ang hindi nakakaalam sa kwento ng Creation,  isa sa mga kabanata ng pinakamabentang libro sa lahat! At sa loob lang ng ilang minuto kada oras ay bumibenta ito ng libong kopya. Ito ang may pinakamaraming kopyang inilimbag mula pa noong mga unang dekada hanggang sa kasalukuyan.

Hindi ako matalino kiya hindi ko masabi kung ano ang saktong taon ito unang nailimbag. Dahil ang sigurado ako lang ay baka hindi pa buhay ang kanunu-nunuan ko ng mga panahong iyan.

Ang librong tinutukoy ko sa inyo ay puso ng lahat ng pinaniniwalaan mo.  Isang librong sagrado sa lahat, ang mga salita nito ay hindi lang basta makapangyarihan kundi talagang may kapangyarihan. Bagamat itoy salin lang sa mga letra hindi mo maipaliwanag ang taglay nitong kakayahan.

Sa iyong tingin ano nga ba ang librong ito?

Five letters of Power.

Five letters of Light.


Five letters of Life.


That is the...

.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.

Bible.

.
.
.
.
.
.
.
.

And last.

Five letters of Darkness.

Five letters of Faith.







Ano nga 'bang alam mo sa 'Bible'?

Isang kasulatan ng paniniwalang Kristyano???

Kahit na ang ibang relihiyon gaya ng Islam, Buddhism, Hinduism at kung ano-ano pa ay kilala ito at kanilang ginagalang.


Naglalaman ng mga salita Niya?

Utos na dapat nating sundin?

Ano ang nalalaman mo tungkol dito?

Alam mo ba ang lahat ng nakapaloob dito? Ang bawat pahina. Ang bawat salita?

Sa buong mundo nasa 95% ng relihiyon ng Kristyano ang may kopya ng isang ito. Alam ko meron ka rin nito sa inyong tahanan kung ikaw man ay kasapi ng Kristyanismo.

Ngunit kopya lang ba ang mayroon ka o sila?? Nabasa mo na ba ang kabuoan nito at naisapuso mo??

Buti pa nga ang mga pocket book,  mga kwentong kahit na puro kalokohan ay inaabangan mo pa ang Book 2 at nagpapa-autograph kapa sa author ng binili mong libro. Tama ba ako??

Pero naisip mo ba na basahin ito ng may puso at matyaga? Sa haba nito at sa lalim ng mga salitang ginagamit dito siguro nasa unang kabanata ka palang ay tatamarin ka ng magbasa?

Siguro hanggang Genesis  ka lang? Tama ako noh?  Okay lang yan hindi ka nag- iisa marami tayo. Maging ako man ay ganun.

Pano kung sa creation  may binago silang detalye?  Sabi nila nagpasalin salin na lang ito sa ibat ibang lingguwahe,  kinukopya ng mga scholar noong unang panahon ng patago dahil ipinagbabawal ang lantarang pag-imprenta nito at pagmamay ari?

Pinapatay ang sinuman na huling nagtatago nito. At sinusunog ang lahat ng kopyang makukuha.  Siguro hindi nyo alam na naging masalimuot ang naging nakaraan ng Bibliya.  Kung paano ito napanatiling umiikot sa mga naniniwala dito ay masasabi kong isang hiwaga ng kasaysayan.  Hindi kagaya ngayon na lantaran na s'yang mapapakopya at mabibili mo na lang sa lahat ng book store.

Ano bang meron sa bibliya at ganun na lang ito ipinagbawal at buhay mo pa ang magiging kapalit pagnakitaan ka na nagtatabi nito?  Sa palagay n'yo?

Paano kiya kung sa pag-kopya ay may itinago silang isang bagay na pwedeng makaapekto sa mga naniniwala dito? Sinabing scholar lang noong unang panahon ang mga taong may kakayahang kumopya, ibig sabihin may posibilidad na meron ng nabago? 

Matatanggap mo kiya kung may mali sa parte ng creation o paglikha? Paano kung mali ang sinabing si Eve ang kumain ng prutas na ipinagbabawal?  Naniniwala ka din ba na ang lahat ng tao ay mula sa angkan ni Adam? 

Eh kung ganun lahat pala tayo ay magkakapatid?  Kung magkakapatid tayo bakit iniibig mo at gumawa kayo ng makamundong bagay sa kapwa mo na sinasabing at maaaring kapatid mo? 

Kung talagang galing tayo sa angkan niya ibig sabihin lang na under tayo ng kasalanan na sila ang nagpasimula?

Sa pagkain lang ba talaga ng prutas ang dahilan ng matinding kasalanang iyon o mayroon pang ibang mas malalim na dahilan. . .?

Ano kiya ang itinago nila sa likod nito?  At bakit parang natatakot dito ang mga sinaunang hari at ganun na lamang nila ipag-utos na sinugin at ipapatay ang sinuman na magtatago at higit sa lahat ang naniniwala dito? 

Halika buksan natin ang pahina na hindi inilathala sa buong mundo isang katotohanan na hindi binibigyan ng pansin dahil kathang isip lang.  Tayo na't alamin...

Pero bago ang lahat magdasal ka muna baka ma-demonized ka hindi mo pa alam.

*****
Hope you like it.

Malaki po ang nabago sa story na ito kiya sa mga nakabasa na ipagpatuloy pa din po ang pagbabasa. I just want to add this kasi hindi po talaga ako pinapatulog ng bahaging ito ng story. and I find it so wierd po talaga na parang kahit po ako nalilito sa mga pumapasok sa utak ko about sa story na ito. 

Para po sa kaalaman ng iba, ang story na ito ay hango po sa aking panaginip at may halong pag-iisip kung ano nga ba kung ito ang totoo...gusto kong ibahagi ang story na ito hindi upang takutin o maglagay ng masamang bahagi ng kaalaman sa inyo. 

Lagi ninyong tatandaanbago kayo magsimula at hanggang sa matapos natin ang story na ito walang mas makapangyarihan lahat kundi si Lord lang..  

Please pray first before reading this..

Disclaimer: Guy's hindi ko sinulat ang bahaging ito para guluhin ang paniniwala nyo ah its just a creation of wild imagination kung may bahagi o pangyayaring maihahalintulad ay pawang aksidente lamang. Salamat.

God is the Best! JESUS is God for the rest of our life. Amen.

Demon God Candidate(Revision ONHOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon