♦♦Episode 3♦♦

21 1 0
                                    

  DEMON SEAL (PART2)

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

DEMON SEAL (PART2)

Matapos niyang makausap ang mga kawal ay malaya ng lumakad sa kaniyang pasilyo ang hari. Nagtungo siya sa kaniyang pinatayong hardin sa labas ng pasyo.


Sa kaniyang hardin ay matatanaw mo ang magagandang uri ng halaman na may ibat ibang bulaklak. Kahit sa liwanag ng buwan ay hindi parin maikukubli ang kagandahan nito.

Sa kaniyang ina ang bahaging ito ng palasyo. At ng yumao ito ay hindi nya ito pinabayaan may mga oras na siya mismo ang nagdidilig ng ilang halaman na masasabing tila naging paborito niyang alagaan.

Sigh. Human's they are all weakling. At napaismid(smirk)

Naupo siya sa isang bench at pansamantalang nagtagal roon, nang mapatingala siya sa kalangitan na noo'y nagliliwanag sa mala dagat na kumpol ng mga bituin kasabay ng pagtatago ng bilog na buwan sa pagitan ng mga ulap.

Nakarinig siya ng kaluskos sa may damuhan malapit sa bagong gawa niyang maze garden

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Nakarinig siya ng kaluskos sa may damuhan malapit sa bagong gawa niyang maze garden. Agad siyang napatayo at marahang tinungo ang lugar kung saan niya narinig ang kaluskos.

Dinala siya ng kaniyang mga paa sa bukana ng maze. Mukhang may pumasok sa maze ng hindi niya napansin samantalang wala namang daraanan ang sinuman maliban sa bench na inupuan niya. O may kanina pa roong nagtatago?

"Sino ang nariyan?!" takte wala siyang dala na kahit na anong sandata kung sakaling may biglang sumugod sa kaniya sa lugar na ito. Tapos nakasuot lang siya ng kaniyang pantulog.

(Scratch sound)

Mula sa loob ng maze. Marahan niyang inihakbang ang mga paa papasok ng maze. Gawa sa mayayabong na halaman ang dingding at makakapal na damo, halos magkakamukha ang bawat parte kiya malilito ang sinuman na pumasok dito.

At dahil siya ang nagdesenyo nito kiya alam niya ang pasikot sikot. Kumuha siya ng isang patpat na maaari niyang gamitin kung sakaling may biglang bumulaga sa kaniya mula sa loob.

Marunong siyang dipensahan ang sarili gayun din ang umatake. Ano pa't siya ang hari kung ang sarili naman niya ay hindi niya kayang ipagtanggol sa panganib.

Hinanap niya kung saan nagmumula ang ingay na naririnig niya. Sa twing titigil siya ay tila tumitigil din ito. Ano 'to naghuhulihan ba sila?

Malapit na siya sa gitna ng maze ng maaninagan niya ang isang imahe. Agad niya itong sinunggaban mula sa likod at sakto naman at nahuli niya ang tao kung sinuman ito. Sakto namang papalabas na ang buwan mula sa matagal nitong pagtatago sa ulap.

Demon God Candidate(Revision ONHOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon