♦♦EPISODE 5♦♦

19 1 0
                                    

The Land of EDEN (Part2)

Nagagandahan ako sa kaniya ngunit tila nakakulong ang babae sa larawan. 

"Anong tinitingnan mo sa bahaging iyan?" ang tanong ni Kilsue sa akin at bigla akong napatalon sa kinauupuan ko. 

Pakiramdam ko eh may ginawa akong mali dahil dito.  Tiningnan niya rin ang larawan na tinititigan ko.

"Sino ang babaeng iyan?" ang tanong ko.  Tila nalungkot ang mata ni Kilsue at matagal bago nakapagsalita.

"Siya si Eva"

Eva?

"Siya ang unang lumikha"

Unang lumikha?

"Ano pong ibig ninyong sabihin sa bagay na yun?" hindi ko kasi siya maintindihan. 

Napabuntun hininga lang(Sigh!).

Naupo siya sa tabi ko at napako ang tingin sa kawalan. Maya maya ay muling tumayo at dumungaw sa labas ng bintana tila may hinahanap ngunit bakit parang wala. 

Muli siyang bumuntun hininga(Sigh!)

"Hindi ko alam kung panu ko sisimulan ang estorya at hindi ko din alam kung maiintindihan mo ang lahat ng sa sabihin ko at mga malalaman mo" tila kinakausap niya lang ang sarili. 

Nakikita ko sa kaniya ang pagkakahawig kay Jeheron tila mayroon silang tinatago.  Bagay na gusto kong malaman. 

Lumingon siya sa akin.  Nagtama ang aming mga mata. Sumandal ang matanda sa gilid ng bintana at nagsimula ng magsalita.  Napatitig lang ako sa kaniya at nakikinig tila samasabay sa mga salita niya ang larawan sa aking isipan ng mga bagay at pangyayaring kaniyang binabanggit. 

"Noong unang panahon.  Ang lupain ng Dyos ay pawang lupain na hindi na rarating ng sinuman.  Ito ay sagrado at pawang dyos lang ang nakakapasok at naninirahan"

"Di hamak na mas maganda iyon kaysa sa Eden"

Mas maganda pa sa Eden?

Ang lupa duon ay hindi tinutubuan ng damo.  Ngunit luntian, at tila laging napapalibutan ng nagkikinangang mga bituin.  Napakagandang lupain"

Nakikita ko sa kaniyang mga mata na tila nakita na niya ang lupaing iyon.  Ano kiya talagang itsura nun?

Nagpatuloy siya sa pagsasalita habang ako naman ay nakamasid lang sa kaniya at nakikinig ng taimtim. 

"Sa lupain ng Dyos, may isang dyos ang lumikha ng isang kakaibang puno.  Siya ay si Je—"

"KILSUE!!" sigaw ng tinig.

Nabigla kaming dalawa at biglang napalingon sa kung saan nagmumula ang tinig.  Si Jeheron.  Anong ginagawa niya rito?

Hindi ko siya napansin na dumating, parang hangin siya na nandyan lang sa tabi at parang nakikinig. 

"K-ka—" magsasalita sana si Kilsue pero parang natigilan. 

Pinandilatan siya ng mata ni Jeheron at maya maya pa ay kumunot ang noo niyang tumingin sa akin. 

Demon God Candidate(Revision ONHOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon