♦♦Episode 4♦♦

18 2 0
                                    

Episode4:THE LAND OF EDEN

~Amytis POV~

Hindi ko alam kung bakit ako pinatawag ng nakatataas na si Emar.  Nagsasanay ako sa isang third dimension ng ipa-summon  ako sa kastilyo. 

Ang third dimension ay isang space like na lugar hindi tulad ng normal na space ang isang ito dahil sa lugar na ito mabilis na tumatakbo ang oras. Ngunit ang totoo sa labas ng dimension ay humugit kumulang 2hours palang ako. 

Sinasanay ko ang sarili ko sa turo na rin ng aking guro na si Lehrer. Lahat ng natitirang Ancients ay nagsasanay na sa third dimensions  upang ipagtanggol ang kani kanilang mga sarili laban sa mga walang puso at masasamang tao.

Tch! Bakit ba kami natatakot sa kanila?  Hamak na mga kutong lupa lang naman sila bagay na lubha kong kinaiinisan. Lilipunin ko ang lahat ng lahi nila. Ang ihuhuli ko ay ang lahi ni—

Natigilan ako ng tawagin ni Lehrer ang aking pangalan. 

"Lady Amytis" tawag ni Lehrer sakin.  Naglalakad itong papalapit sa akin.  Nakasuot pa ako ng armour na gawa sa kakaibang materyales na nakuha namin sa mga hukbo ng tao na nangahas na pumasok sa tarangkahan ng Eden.

"Pinapayawag ka ng nakatataas pinuno" ang dugtong niya. 

"Sinabi po ba kung para saan?" ang tanong ko.

"Hindi sinabi ng nakatataas na pinuno ang pakay niya"

"Sige po tutungo na ako,  magpapalit lang ako" ang sabi ko at nagtungo sa silid kung nasaan ang malilinis na damit at palikuran. 

Habang naliligo kung ano anong bagay ang naiisip ko.. mga pangyayari sa nakaraan at mga lumipas na.

Ang mga tao hindi nila alam ang kanilang mga ginagawa.  Para silang mga nababaliw na hayop. Noong unang siglo halos malipol nila kami hindi kasi kami handa sa mga mangyayari.

Halos ilang daang taon na ang lumipas.

Sumalakay sila ng hindi namin namamalayan at winasak ang bayan na nag-uugnay papasok sa sagradong lupain ng d'yos ang Eden. Ang bayan na rin na yun ang naging tahanan ng ilang mga Ancients. Ang Cretan. Ang bayan kong pinagmulan.

Sila ang nagpu-protekta sa labas ng tarangkahan. At nangsalakayin sila ng mga tao mabilis nilang isinara ang Gate of Heaven kung tawagin namin.  Ngunit bago ang lahat ipinasok muna nila ang mga kabataang Ancients. At kabilang na ako dun.

Halos wala akong marinig kundi puros iyakan ng mga batang kasing edad ko. Mga magulang na kahit ayaw nila ay napilitang humiwalay sa kanilang mga minamahal na anak.

"Emar, sayo na namin ipagkakatiwala ang mga bata" ang sabi ng aking ama. Siya ang halos naging pinuno ng aming tahimik na bayan.

"Ako ng bahala sa mga batang ito Gloria" ito ang huling dinig ko sa pangalan ni ama bago kami lamunin ng nakakasilaw na liwanag ay nakita ko pa siyang masayang nakangiti sa akin. 

Hindi ko na nakita ang aking ina, sinabi niyang namatay ito ng isilang ako.  Nakita ko na lang siya sa mga larawan.

Ang mga hiyawan at iyakan ang nakakabinging pagsabog at liwanag ng mapulang apoy na unti unting nilalamon ang amin bayan ang huling kita ko rito. 

Lumabo na ang mga mata ko dahil sa luha hanggang sa tuluyan ng nawala sa paningin ko ang lahat at ng imulat ko ang aking mga mata sa isang napakalawak na lupain na kami naroon. 

Isa iyong lumpain ng may malawak na damuhan at mga hayop na doon ko lang nasilayan.  Nakakamanghang mayroon ganitong uri ng lupain sa likod ng napakalaking tarangkahan na iyon.

Demon God Candidate(Revision ONHOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon