Door 2

23 1 0
                                    

a/n: Jane Gonzalez in the multimedia.


~~~~~~~~


Break time namin ngayon sa dance practice. Napansin kong nakabilog sila dun sa gitna pero wala akong pake, mas gusto ko nalang umupo dito sa pwesto ko mag-isa kesa makipag chismisan.

"Ginger!" heto nanaman si Jane, kinakawayan nya ko para lumapit sakanila pero nanatili lang ako dito sa pwesto ko. Inirapan ko lang sya at saka uminom ng tubig.


"Yah! Ginger Jung!" hindi pa rin ako kumikilos dito sa pwesto ko kahit pa ipagsigawan nya ng ilang beses yung buo kong pangalan. Nakita ko syang tumayo at saka lumapit saken. I just gave her a bored look.

"bakit ba trip mo laging mapag-isa dito ha?" umupo sya sa tabi ko. Sya si Jane Gonzales, ang bestfriend kong gaga. Diko nga alam kung pano kami naging mag-bestfriend eh samantalang napakamasayahin nya,maingay at friendly, a total opposite of me.

"pagod ako" ilalagay ko na sana sa tenga ko yung headset pero hinablot nya. "YAH!"

"tsk. Tara kain muna tayo, libre ko" ngumit sya ng malapad saka ako hinila palabas.




•••



Nandito kami ngayon sa 7eleven na malapit sa university. Napairap nalang ako habang tinitignan yung inilibre nya saken, isang siopao at pepsi in can.

"ano? Di mo ba gusto?" tanong nya bago sya kumagat sa siopao nya. The side of my lips twitched.

"aigoo~ pag sinabi mong libre mo, ganito eh no." sinimulan ko nang kainin yung siopao ko. Ganyan naman yan si Jane eh, pag sa pagkain at ibang bagay tipid na tipid pero pagdating sa 'beloved idols' nya walang mintis kung gumastos akala mo wala nang bukas tss.

"ano namang masama sa siopao? Oy grabe sya dapat magpasa—"

I cut her out "oo na..oo na.. salamat."

She made a face bago nya ko hampasin tapos nagtawanan kami. Ilang taon na rin kaming magkaibigan ni Jane, sya yung unang taong lumapit saken at walang humpay na nangulit ng nangulit para lang makipagkaibigan ako sakanya. Funny right? Ay hindi, weird ang tamang term dahil napakarami naming pagkakaiba lalo na sa ugali, pero sa tingin ko naman nagkakasundo pa rin naman kami sa ibang bagay, I think? Haha



•••



"Oh my gas! Asdfghjkl!!" para nanamang kiti kiti tong si Jane. Naglalakad na kami pabalik sa university pero kanina pa sya ganyan habang nakatingin sa cellphone nya. Inginudngod nya saken yun "Ginger look!"

Tinabig ko yung kamay nya saka sya tinignan ng masama. Ngumuso sya saka ipinakita saken ng ayos yung cellphone nya.

"oh tapos?" bored na tanong ko.

"grabiti wala ka bang kemerut mode on jan sa anes mo? Nakalagay oh, may mini fanmeeting yung iKON sa makalawa kyaah~~" ayan nanaman po sya.

"para namang may pake ako?" napairap nalang ako. Kumapit sya sa braso ko.

"diba lagi mong sinasabi na ang kuripot ko? Pwes eto na bibigyan kita ngayon ng isang mamahaling advance birthday gift!" hindi ko maiwasang mapatingin sakanya. Hindi sa excited ako dun sa ibibigay nyang mamahaling regalo kuno, kundi sa kawirduhan nya.

"isasama kita sa fanmeeting! Bibili ako ng SVIP ticket para dun tayo mismo sa pinakaharap. As in yung kitang kita natin yung buhok nila sa ilong omg!" kinikilig kilig nanaman sya habang sinasabi yan.

Teka!

"ANO?! AYOKO!" ayokong mawalan ng pandinig dahil sa malalakas na tili ng mga kapwa alien nya no! NO WAY!

"bleh! Nakabili nako at sasama ka sa ayaw at sa gusto mo" ipinakita nya saken yung screen ng cellphone nya, online banking tapos processing na yung tickets. Tumakbo sya kaya naman hinabol ko sya.


Idol Next DoorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon