DOOR 16

15 0 0
                                    

"good morning sleepy head" may bumulong saken kaya naman napaigtad ako sa pagkakahiga. Pagmulat ko, pagmumuka agad ni June yung bumungad saken.

"aish" itinulak ko yung muka nya saka ako nagtalukbong.

"bangon na, we have a long day ahead" hinila nya yung kumot kaya umupo ako sa inis ko

Nakapikit akong sumisigaw "Ala-syete pa lang! at pano ka nakapasok ha?!" narinig ko syang tumawa

"ang cute mo." Hinilamos nya yung kamay nya sa muka kaya tinabig ko yun, nakapikit pa rin ako. "..kagabi mo lang binigay saken yung passcode ng unit mo ano ka ba? bangon na jan. Mag-gogrocery tayo" hinila nya ko kaya nagpadala nalang ako.

Nakapikit pa rin ako hanggang sa makarating kami kung saan "ano, gusto mo paliguan pa kita?" bigla akong napamulat sa sinabi nya. Nasa banyo na pala kami

"muka mo!" itinulak ko sya tapos sinara ko na yung pinto.

"hintayin kita sa kusina" narinig ko pa syang tumatawa.





Pagkatapos kong maligo, dumiretso na ko sa kusina. Naabutan ko syang nakaupo habang may kinukutingting sa cellphone.

"seat down" ngumiti sya labas ngipin saka nya tinago yung cellphone nya sa bulsa nya

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"seat down" ngumiti sya labas ngipin saka nya tinago yung cellphone nya sa bulsa nya.

He looks suspicious. "hoy anong nginingisi ngisi mo jan?" umupo ako sa may tapat nya. Nilibot ko yung mata ko sa lamesa, ang daming pagkain, umuusok usok pa, mukang bagong luto.

"wala, kain na." sinandukan nya ko ng fried rice tapos nilagyan nya ng bacon and egg yung plato ko.

"san mo to binili?"

"tsk, hindi ko yan binili no. Kumain ka na nga lang" He made a face

Nakatingin pa rin ako sakanya.

"hay.. oo na, hindi ko talaga yan binili pero si Yoyo hyung ang nagluto nyan. Nagprito ako kaso muntik na masunog yung unit ko,buti nalang dun natulog sila Yoyo hyung at Dong."

"tss.. oh eh ikaw, bat nandito ka pa?" sumubo na ko ng pagkain

Ang lapad ng ngiti nya "I'm free all day, mamayang 8 pa kami magpa-practice"

"free ka pala, dapat bumabawi ka ng tulog. Muka ka nang panda" tuloy tuloy lang ako sa pagkain

"Oh my! Talaga? Hala, samahan mo ko pumunta sa Etude mamaya ha"

Muntik na kong mabilaukan sa sinabi nya, nilunok ko muna yung nginunguya ko bago ako nagsalita "tigilan mo ko, wala akong alam sa mga ganyan"

Idol Next DoorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon