Door 4

22 1 0
                                    

Ang saya na sana ng panonood ko kundi lang dahil sa pamilyar na ingay. Nagpapatugtog nanaman sila ng wagas. Binuksan ko yung player ko at saka nagpatugtog ng Beethoven classical nang naka-todo. Tignan ko lang kung makapag-enjoy pa sila bwahaha

Maya maya may kumakatok na sa pinto ko. Ha! Sabi na eh. Ako naman ngayon ang mang-aasar sakanya. Binuksan ko yung pinto ng nakangisi, nakatayo ngayon sa harapan ko yung kapit bahay kong mayabang na si Koo June na may lukot na lukot na muka. Tinaasan ko sya ng kilay.

"turn that down!" inis na singhal nya. Nginisian ko lang sya at saka kinopya yung ginawa nya nung ako yung sumugod sa unit nya. I cupped my ears, pretending na hindi ko sya marinig at maintindihan. Kung kanina lukot lang yung muka nya ngayon, may imaginary usok nang lumalabas sa tenga't ilong nya haha ang sarap nyang asarin.

"HOY!" aba't itulak ba naman ako saka sya pumasok sa unit ko.

Sinundan ko sya pero pinipigilan kong tumawa dahil muka syang tanga, hindi nya malaman kung pano nya papatayin yung player ko pfft.

"turn it off!" singhal nya pero nakatayo lang ako habang naka-cross arms na parang walang narinig.

"SABI KO TURN IT OFF!!!" wow yung malalim nyang boses nag-echo sa sobrang lakas dito sa loob ng unit ko, mukang any minute sasabog na sya sa sobrang inis.

"a-yo-ko" slow motion kong sabi para mas lalo syang maasar.

"AISH!" naiinis nyang sinuklay yung blonde nyang buhok gamit ang mga kamay nya. Nagsimula nanaman syang luminga-linga sa paligid. Ang engot naman nya, syempre nasa likod ng player ko yung plug nubayan.

Biglang tumahimik, pinindot nya yung stop button sa player ko.

"idiot" mapang-asar akong ngumiti sakanya kabang iwinawagayway yung remote sa kamay ko. Pinlay ko ulit yung player pero pinindot nya lang ulit yung stop button, ayoko magpatalo kaya pinlay ko ulit.

"inaasar mo ba talaga ako??!" naiinis syang naglakad papunta saken. Itinago ko yung remote sa likuran ko saka ako humakbang paatras.

"YAH!" malakas na singhal nya, hindi nya kasi makuha sa likuran ko yung remote. Yung posisyon namin ngayon para nya kong niyayakap kaya naman humahakbang ako paatras pero shet! Deadend. Paglingon ko nasa may sofa na kami.

"oh shit!" na-off balance kami pareho. Nasa ibabaw ko na ngayon si June, habang ako nakahiga sa sofa. Ilang inches lang yung pagitan ng mga muka namin, halos ramdam na ramdam na namin yung paghinga ng bawat isa.

"gotcha!" amoy ko yung mabango nyang mint na hininga. Gusto kong magsalita pero parang nanuyo bigla yung lalamunan ko. Bumaba yung tingin ko sa nakangisi nyang mapulang labi. Pak! Ano ba tong naiisip ko? Baket bumibilis yung tibok ng puso ko?!

"if this is your way para makuha yung atensyon ko, siguro nga nagtagumpay ka pero I am not impressed." Umalis na sya sa pagkakadagan saken at naglakad na papunta sa may pinto.

"ako? Anong—TEKA!" bago pako matapos sa sasabihin ko padabog na nyang isinara yung pinto.

Wadapak? Ugh! Baka isipin nya may gusto ako sakanya yuck! Hay nakakainis! Sya dapat yung naasar at hindi ako!


Idol Next DoorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon