Door 3

33 0 0
                                    

Dumating na ang katapusan ng mundo, dejk lang. Masyado lang akong nag-oover react kasi ngayon na yung araw na isasama ako ni Jane sa fanmeeting na sinasabi nya ugh.

"Hoy Jane pwede bang bagal bagalan mo naman?!" pilit kong binabawi yung braso ko sa pagkakalingkis nya pero no use, kapit na kapit talaga sya. She made a face tapos kinaladkad na ulit nya ko papasok sa may entrance nung venue.

"wag mo nang tangkaing tumakas, I have my eyes on you" umakma pa syang tutusukin yung mata ko tss.

Pagkatapos naming makaupo biglang nag-dim ang paligid. OMG! Ang precious eardrums ko nabasag na ata, bukod sa pagwawala eh todo tili pa tong mga babae sa paligid ko. This is really a doom's day for me parang awa.

Isa isa na kasing nagsilabasan yung mga lalake sa mini stage. Walang buhay lang akong nakatitig sa stage pero muntik nakong masamid sa sarili kong laway nung mamukaan ko kung sinu-sino yung mga nasa stage.

You've got to be kidding me!

"what the.." sila yun! Sya yun! Kaya pala parang pamilyar sila, yung pagbanggit nila tungkol sa sasaeng saka yung ibinulong na narinig ko na naman na kung kilala ko ba daw sila.

Grabe makapagwala si Jane dito sa tabi ko, hindi ko mapigilang hindi mapairap sa kagagahan nya. Nagsimula nang magperform yung mga tao sa stage, yung kinakanta nila is may lyrics na welcome back. Tapos kumalat na sila sa stage, nasa side namin sila Bobby,B.I saka June. Okay, don't get me wrong, nagpakilala sila isa isa kanina kaya nalaman ko yung mga pangalan nila. Hindi naman ako fan eh, nakaladkad lang talaga ako dito tss.

"the hell?!" aba't may pag-ngisi pang nalalaman tong June na to! Hoy hindi ako basta asyumera, talagang saken sya nakatingin argh! The nerve kainis!




•••




Akala ko hindi nako makakalabas ng buhay, finally natapos rin ang pagdurusa ko. Todo kapit nanaman si Jane sa braso ko habang naglalakad kami papunta sa may exit. Ang daldal nya ha, kanina pa sya salita ng salita ng kung anu-ano na kesyo nagka-eye contact daw sila nung bias nya.

"hindi pa rin ako makapaniwala na nag-eye contact kami kyaah~~~" inalog alog nya pa yung braso ko. Binilisan ko na yung lakad ko para makalabas na kami ng tuluyan.

"waahh! Finally fresh air!!" itinaas ko yung dalwang kamay ko kaya naman napabitaw na si Jane saken.

"ang o.a ha" nagmake face sya pero binelatan ko lang sya.

"geh uwi nako, ang sakit ng katawan ko para akong nabugbog ng isang libong tao kanina aish. At sa tingin ko kelangan ko na rin magpatingin sa Otolaryngologist nabasag na ata yung eardrums ko." Hinawakan ko yung tenga ko.

Sarkastikong tumawa si Jane "ha-ha wag ka mag-alala dadalawin kita dun"

Binigyan ko lang sya ng isang pilyang ngiti "babye!" binelatan lang nya ko.




•••




Nakasakay nako sa elevator paakyat sa unit ko pero bago pa man sumara yung pinto, may pumasok na lalake. Yung lalaking ayokong makita ugh. Naka-disguise nanaman sya na parang tanga pfft.

Hindi ko sya kinibo at tumitig nalang ako sa number ng mga floors ng building na nagfa-flash.

"staring is rude" kita ko kasi sa gilid ng mata ko na nakatitig sya saken.

Sarkastiko syang tumawa "nagpapanggap ka pa na hindi mo kami kilala, style mo bulok."

Hindi ko na mapigilan na hindi mapatingin sakanya pero nanatili pa rin ang blangko kong ekspresyon. "sa tingin mo ba nag-enjoy ako?"

Tinaasan nya ko ng kilay.

"hindi diba? Wag ka ngang feeling. Hindi ako fan, nakaladkad lang talaga ako dun."

"nakakabilib ka talaga, biruin mo yun kalmado ka pa rin kahit na kasabay mo ang isang Koo Junhoe dito sa elevator, ang pinakagwapo at pinakatalented na member ng iKON" umiling iling pa sya. Wow ang yabang.

I pretended to puke.

DING!

Finally! Pagbukas ng pinto ng elevator lalabas na sana ko pero itinulak ako nitong June na to at nauna na syang lumabas. Argh! Padabog akong sumunod sakanya dahil magkatabi lang naman diba yung mga unit namin.

Bwiset! Bigla ba naman syang huminto at saka humarap saken kaya nauntog tuloy ako sa dibdib nya. Tumingala ako para tignan sya ng masama bago ako dumistansya.

Lalagpasan ko na sana sya pero hinawakan niya ko sa braso. "what the hell?!"

"wag na wag mong ipagkakalat na dito ako nakatira." Seryosong seryoso yung tono ng boses nya. Diretso lang ang tingin nya habang ako naman nakatingala sa muka nya, putek magkaka-stiff neck ata ako dito, ang tangkad ba naman eh!

"excuse me???" hindi makapaniwalang tanong ko. Ano ba akala nya saken? Chismosa ganun? Ay oo nga pala isa syang sikat pero ano naman pake ko? Teka, wag mo sabihing walang ibang nakakaalam na dito sya nakatira bukod sa mga ka-members nya ganun?

Hay bwiset bat ko ba iniisip yung mga bagay na yun?! Hindi ko naramdaman na kanina pa pala sya umalis sa harap ko.


Idol Next DoorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon