Door 15

29 0 0
                                    


Habang nanonood ako ng TV, narinig kong tumunog yung doorbell kaya napatingin ako sa may direksyon kung nasan yung pinto. Maya maya nag-ring yung cellphone ko.

Junhoe calling...

Hay kainis. "ang kulit nya" naiinis akong tumayo at saka sya pinagbuksan. As usual, kahit hindi pinapapasok, tuloy tuloy lang sya sa loob.

"san ka nagpunta kanina? Kumain ka na ba? bat hindi mo sinasagot yung mga tawag at text ko?" sinundan ko lang sya hanggang sa kusina. May dala kasi syang mga plastic bag at tingin ko chicken ang laman nun dahil naaamoy ko. Sinundan ko lang ng tingin yung bawat galaw nya, inilagay nya kasi yun sa mga plato tapos pumunta sya sa ref ko at saka sya kumuha ng dalwang lata ng pineapple juice. Humarap sya saken with a very confused look.

"uy, bat hindi ka sumasagot jan Ginger? May problema ba?"

"huh? Ah.. wala.." umiwas ako ng tingin sakanya.

"parang meron eh.. tell me, I'm all ears." Hinawakan nya ko sa magkabilang braso.

Marahan kong tinabig yun "wala nga. Daldal mo kasi, ang dami mong tanong. At oo, hindi pa ko kumain kaya tara na" dinala namin yung pagkain sa sala.

"bat ang aga mo nga pala ngayon?" eleven thirty palang kasi, usually madaling araw na sya nakakauwi.

"wow, kunwari pa sya.. namiss mo naman ako"

"luh~ asa pa" sinimulan ko nang lantakan yung dala nyang crispy chicken wings.






•••

"so.. ano nga palang naging usapan niyo ni Sajangnim?"

Hindi ako tumitingin sakanya, diretso lang ang tingin ko sa TV

"........."

"Ginger." Hinawakan nya ko sa magkabilang balikat at saka iniharap sakanya "sinabi saken ni Dong na mainit daw ulo mo kanina nung umalis ka. So tell me, ano ba talagang nangyari?"

Tinabig ko ng marahan yung mga kamay nya sa balikat ko tapos humarap na ulit ako sa tv "to be very honest, akala ko yung tungkol sa issue natin yung pag-uusapan namin pero mas worse pa pala."

Pinatay nya yung TV gamit yung remote kaya naman hindi makapaniwalang tumingin ako sakanya. Nakangisi sya saken.

"uyy~~ feel na feel nya na talaga yung tungkol SAMING dalwa~~"

Ay grabe talaga tong lalakeng to. Inirapan ko sya. Pero mas okay pa sana kung yung topic sa pagiging kami ni June yung gustong pag-usapan ni tanda pero hindi eh.

Nagsalita ulit si June, ngayon seryoso na yung tono ng boses nya "what do you mean sa mas worse pala? Saka uy,wala pang nakakaalam na tayo na no" ayan nanaman yung ngisi nya

"alam mo, kalimutan nalang natin, ayoko nang pag-usapan dahil umiinit lang ulo ko. Di ka pa ba aalis?"

"OUCH!" binatukan ko sya dahil hinalikan nya ko sa labi "grabe naman to, aalis na rin ako maya maya, may photoshoot kami. Pano nalang pag nabangasan ang gwapo kong muka ha?" nakabusangot syang tumingin saken.

"edi umalis ka na." tumayo nako "tayo na jan, inaantok na ko." hinahatak ko sya patayo pero ang nangyari ako yung nahatak nya pabalik kaya napaupo ako sa mga hita nya. Nanlaki bigla yung mata ko at feeling ko sobrang init na ng muka ko.

Idol Next DoorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon