Chapter 7 (Bakit 'Di Mo Sinabi?)

105 9 6
                                    

Zandrx's POV

I woke up feeling so much dizziness so I chose to close my eyes again. Feeling ko kung nakatayo lang ako ilang beses na akong natumba sa sahig. Naghintay ako ng mga 10 mins. hanggang sa maging maayos ang pakiramdam ko bago ako umupo mula sa pagkakahiga ko. Nang gumalaw ako ay saka ko lang napansin na may tao pala na nasa tabi ng kama ko. 

Si Mama. Mukhang naalimpungatan siya ng gumalaw ako. Matapos niyang kusutin ang mga mata niya ay napatingin siya sa akin at nanlaki ang mata.

" 'Nak! Ayos ka lang ba? May masakit ba sayo? Gusto mong tubig? Teka, kukuha ako" dali-dali siyang tumayo para kuhanan sana ako ng tubig pero hinila ko ang kamay niya upang pigilan siya kaya lumingon siya sa akin.

Ngumiti lang naman ako sakanya tsaka umiling. Bumalik siya mula sa pagkakaupo niya sa upuan sa tabi ng kama ko tsaka hinimas ang kamay ko with her hands. She looks like she's about to cry. And so I pulled her for a hug. Then I felt my shoulder became wet. Must've been from her tears so I let her cry as I cry along too.

"I have to tell you some---"

"I know. You don't have to" I said and she looked at me with... I don't know... I mean, expressionless face?

"Alam mo?" I nodded then I saw a tear fell from her eye. "Bakit 'di mo sinabi agad?" Then she began crying again. 

"Shh shh shhhh... Ma, I didn't tell you 'cause I know you would throw a fit. Please, ma. Let me decide for myself. Let me." I asked but I saw her shook her head a few times.

"No! Zandrx, do you really want to die that fast?"

"Do you really want me to answer that question?" I backfired. Then she began crying again. How many times do I have to see her crying again with her eyes full of pity and worry?

"Ma, it hurts seeing you cry. Please, stop crying. And please, don't pity me. I hate it when someone pities me." I said.

"I'm not. Anak, I'm worried. I worry about you because you might do something ridiculous and then lose control of yourself and leave me alone. I don't want to be alone. I can take all the pain that your dad gave me for leaving me. But I can't take it if you would leave me too." 

Gwen's POV

Napaka-weird ngayon ni Drix. Pumasok kasi siya ngayon na nakasuot ng black beanie. Nung tinanong ko naman siya kung bakit niya suot iyon ay tinitigan niya lamang ako at hindi sinagot. At kahit ilang beses ko siyang kulit-kulitin ay 'di niya parin ako pinapansin.

Hanggang dumating ang lunch ay hindi siya sumabay samin kumain nang hanapin naman namin siya ay 'di na namin mahagilap kaya hinayaan nalamang namin siya. Siguro ay may pinagdadaanan lamang siyang problema ulit sa pamilya niya.

Bago matapos ang lunch ay nag-CR muna ako para mamayang discussion ay wala akong ma-miss.

Nang matapos akong mag-CR ay kaagad na akong naglakad papunta sa room dahil oras na rin baka ma-late pa ako. Pero nakakailang hakbang palamang ako ay may narinig akong nagsalita sa boys' CR kaya napatigil ako.

"I don't know. I'm still looking for a perfect timing to tell, Feia. And I don't know if she's going to remember me as Mac-Mac. I mean, you know, she can't even recognize me."

Mac-Mac? Siya na ba si Mac-Mac? Siya lang ang tumatawag sa akin ng Feia.

"Who's there?" 

"Gwen! Ano pang ginagawa mo d'yan? Tara na! Nand'yan na daw si sir!" sigaw ni Melah. I took one last glance at the boys' CR before walking towards our room. 

Nang makarating ako sa room ay umupo nalamang din ako sa pwesto ko. Napansin ko na walang nakaupo sa tabi ko na siyang upuan ni Vin at ng tumingin ako sa likod ay wala din si Drix. Saan ba pumunta ang dalawang 'yon?

Maya-maya ay pumasok na si Sir at nasa likod niya naman si Vin at Drix. Dali-dali silang umupo sa kanilang mga upuan.

"Where have you been?" I asked then he mouthed 'CR'. And then I had this feeling na baka siya yung nagsasalita kanina sa CR but then I shooked that thought off. Saan naman kasi galing yung nickname niya na "Mac-Mac" kung wala naman siyang 'M' sa pangalan niya diba?

Nagumpisa ng mag-discuss si sir pero 'di ko parin magawang makapag-focus sa dini-discuss niya dahil sa mga bumabagabag sa isip ko tungkol sa theory ko about kay Vin at Mac-Mac. There's a possibility din kasi eh.

Natapos ang klase namin para sa hapon pero nanatili parin ang mga bumabagabag sa utak ko. Paano nga kung si Vin ang matagal ko ng hinahanap at hinihintay na si Mac-Mac?

"Ser Mac-Mac!" napalingon agad ako sa pinto kung saan nanggaling ang sigaw na iyon at nakita ko si kuya Rik, nakatingin sa likod ko?

Nang lumingon ako sa likod ko ay nakita ko dun si Vin. Ang laman ng isip ko magmula pa kanina. Siya at ako lang naman ang kilala ni kuya Rik dito. Bumaling ang tingin sakin ni Vin at nakita ko kung gaano ka-frustrated din ang facial expression niya at ganun din ako.

Nagumpisa na siyang maglakad papunta siguro kay kuya Rik pero nanatili parin siyang nakatingin sa akin pero ngayon ay wala akong mabasang kahit ano sa mga mata o kahit sa mukha niya man lang.

Nang makalagpas siya sa akin ay saka lamang naputol ang pakikipagtitigan namin sa isa't isa. Nang tuluyan na siyang makalapit kay kuya Rik ay lumingon muna siya sa akin bago hinila si kuya Rik sa lugar na 'di ko sila makikita o maririnig.

"Mac-Mac? Saan naman galing ang nickname niya na 'yon?" Ah, nakalimutan ko na kasama pa pala namin si Drix dito na siyang nagwawalis dahil naka-assign siyang cleaner ngayon. I sighed deeply and exhaustedly. 

"I know, right. I didn't know he was that 'Mac-Mac' until today. The world must've gone insane." saad ko habang inaayos ang gamit ko. Nagulat ako ng makarinig ako ng malakas na pagtunog ng isang bagay na nahulog. Lumingon ako sa likod ko at nakita ko si Drix na pabagsak palang inilapag ang walis na siyang dahilan ng ingay na iyon.

"Uwi na ako" 'yon lang ang sinabi niya at pagkatapos ay kinuha ang bag niya tsaka na umalis. Mukhang bad mood talaga siya ngayon. Aish. 'Di ko pa magagawang makisabay sakanya. Kinuha ko nalang din ang bag ko at aalis na sana pero napatigil ako ng pumasok si Vin ng room. 

"Gwen, we need to talk"

.

"What are we going to talk about?" tanong ko kanina pa kasi kami nandito sa Starbucks naka-order at dumating na ang order namin lahat-lahat wala parin siyang sinasabi magmula kanina.

"You can ask me all you want to ask." sagot niya matapos humigop sakanyang frappe. Napa-roll eyes nalamang ako sakanya. Pero sige, I'll still ask anyway.

"Una sa lahat, bakit 'di mo sinabi? Pangalawa, bakit 'di mo sinabi agad? At panghuli, bakit hindi mo sinabi sa akin?" Nakita kong napangiti siya sa sinabi ko kaya tumingin ako sakanya ng masama at nang makita niya iyon ay bumalik sa walang ekspresyon ang mukha niya.

" 'Di ko sinabi agad sayo kasi unang-una 'di ko alam kung maaalala mo pa ako after all those years. Pangalawa, 'di ko rin alam kung paano ko sasabihin sayo. At panghuli, kung sinabi ko ba sayo agad 'di ka ba magagalit tulad ngayon?" 

I think I should learn to assess the situation first before jumping into conclusion. Sana inintindi ko muna kung anong nararamdaman niya.

"Siguro, baka, pwede. 'Di ko rin alam. Vin, iniwan mo 'ko eh. And I was a child back then, it surely hurt so much for a child to experience that. Considering, that you're the only friend I got back then." I looked away and sipped form my frappe after I said those words. Sa tingin ko hindi ko kayang tumingin sa mga mata niya eh.

"I understand you, Gwen. I truly do. Maiintindihan ko rin kung bukas o sa mga susunod pa na araw ay hindi mo muna ako papansinin. But please, I hope someday you will." he said. He was still thoughtful and caring as ever.

High School Love BluesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon