Chapter 12 (Barkada)

60 9 0
                                    

Zandrx's POV

"Check lang kita ah" tumango lang ako hinayaan ang doctor na i-check ang heartbeat ko gamit ang kanyang stethoscope. Kakatapos niya lang ako turukan ng gamot at sa ngayon ay chine-check niya na din ang blood pressure ko.

Habang ginagawa niya lahat ng yon ay tahimik lang akong nakatulala at maya't mayang mapapabuntong-hininga.

"Ano bang iniisip ng anak ko at parang napakalalim naman yata ng buntong-hininga na yan?" napatingin ako kay mama na hindi ko na din napansin na nasa tabi ko na pala. Nagpaalam na din ang doktor na pinsan ni mama at sinabing babalik bukas.

"Wala po, ma" nakangiting saad ko. Tumingin naman ng diretso sa mata ko si mama at maya-maya ay ngumiti. Umupo siya sa kama ko atsaka kinuha ang kamay ko at tinitigan iyon

"Patawarin mo ako 'nak. Hindi ko agad napansin yung dinaramdam mong sakit. Inisip ko lang ay yung sakit na nararamdaman ko dahil sa daddy mo" naramdaman ko ang pagpatak ng luha niya sa kamay ko kaya napatingin ako don.

Dahil di ko alam kung anong gagawin ko ay ipinatong ko na lang ang noo ko sa balikat niya.

"I love you, ma"

Hindi ko alam pero dahil sa sinabi ko mas lalo pa lumakas ang mga hikbi niya pero hinayaan ko nalang din siya. Ngayon ko lang nakitang mahina sa harap ko si mama, yung hindi nagpapanggap na okay lang siya gamit ang mga ngiti niya.

"Do you like her?"

Napapikit nalamang ako ng mariin ng maalala ko na naman ang walang kwentang tanong na iyon. Magi-ilang buwan na kaming magkakasama sa school. At sigurado naman na pansin yon ng lahat.

"What if I say 'yes'? Why do you care?"

Sigurado namang pansin ng lahat na may gusto din siya kay Gwen.

Gwen's POV

"Oh yan! Dahan-dahan kase! Di ka naman mauubusan!" sigaw ni Kirk at pinukpok ng kutsara sa ulo si Carlo. Umubo-ubo kase matapos diretsong kainin ang mainit na ramen na kinakain namin. Naisipan kasi namin na maglaro ng playstation sa bahay at bilang miryenda ay niluto ko na rin ang apat na pack ng ramen na nasa bahay. Mukhang hindi rin naman kasi mabubuhay ang mga 'to kung walang pagkain na ihahain sakanila.

Nandito ngayon sa bahay ang buong barkada namin. Napagtripan lang nina kuya na magcatch-up since naging busy kami nang nakaraang buwan dahil sa midterms at sa college days nina kuya.', Di naman naging enjoyable samin yon dahil may pasok pa rin ang mga high school samantalang sina kuya ay puro events lang din.

Siguro pare-pareho lang kaming na-excite ay doon sa tradition ng engineering dept. na "Engineers' Catwalk". Dahil nakita at sabay-sabay namin na tinawanan si kuya Georvs sa kahihiyang yon dahil naka-heels at todo dress-up din siyang naglakad non sa boulevard namin kasama ang mga kapwa niya engineering students. Balita ko galing din sa girlfriend niya yung heels niyang yon dahil magka-size daw sila nung ate niya. At hindi ko na din alam kung ano ba ang naging event ng accountancy students dahil kasalukuyan kaming nagt-take ng exams non.

"Ehem! LIBRENG SOFTDRINKS NAMAN SA BAGONG DATING!" narinig kong sigaw ni kuya Georvs kaya sabay-sabay din kaming napatingin sa bagong dating na si Drix.

"Gago, wala akong pera!" saad nito sabay batok kay kuya Georvs tsaka umupo sa sahig sa tabi ni Kirk. "Kanina pa kayo dito?" tanong niya matapos maki-apir kay Kirk.

"Oo, may miryenda na nga eh. San ka galing? Antagal mo. Tinawagan ka na din nung isa di pa sumagot. Kung sino pa pinakamalapit ang bahay siya pa nahuli" sagot ni Kirk habang hawak ang controller at naglalaro kalaban si kuya Ron.

High School Love BluesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon