Chapter 10 (Flashback II)

89 7 0
                                    


Zandrx's POV

"Huy, Drix. Tinext ako ni Ravine. Itatanong niya daw sana kung may balak ka raw surpresahin si Gwen kapag pasasagutin mo na raw siya?" Saad ng ka-teammate ko na classmate ko at kaibigan ko rin na si Zach.

"Oo sana. Binabalak ko na sa Wed. Tutal halfday lang tayo nun. Bakit raw?" Sagot ko.

"Hindi ko din alam pare eh. Pero heto, tinext ko na yung sinabi mo, sasagot din yun mamaya." Sagot niya saka ipinasok sa bulsa niya ang phone atsaka nman lumapit sa akin.

"Sa Wed na? Kailangan mo ba ng tulong p're? Ready ang team para tumulong sabihin mo lang"

"Salamat pare. Kailangan ko nga ang tulong niyo para sa plano ko." Saad ko at ngumiti

"Anytime pare. Papaano pala yung mga kuya niya? Nasabi mo na ba sakanila?" Napayuko at napabuntong-hininga nalamang ko nang marinig ko ang tanong niya.

" 'Yun na nga p're eh. Ayaw pasabi ni Gwen sakanila o kahit isa raw sa pamilya niya. Baka raw kasi magalit ang parents niya kung malaman nila na nagpapaligaw siya at nakikipag-boyfriend na. E gusto ko sana sabihin sakanila pra kahit papaano, legal kami" sambit ko na nakapagpa-tango naman kay Zach.

"Bakit hindi mo try sabihin? Kaibigan ka naman nila eh. Maiintindihan ka nung mga yun." Suhestiyon niya kaya napaisip din ako. Pwede rin siguro. Kay Georvs ko nalang kaya sabihin? Carefree din kasi ang taong 'yon. Sigurado akong hindi naman niya ako pake-kealaman kung malaman niya.

"Pwede rin. Pagiisipan ko muna pare"

Pagkatapos ng pag-uusap namin s alocker ng teammates ko ay nagsimula na kaming mag-practice. Parang lahat nalang tago sa aming dalawa ni Gwen. Tago yung panliligaw, pati yung relasyon na wala pa man, tago na. Kahit itong pagiging basketball player ko ay tago rin kina mama kasi siguradong pagbabawalan ako. Hayy

Pero this time, I want to step up. I really like Gwen. She's important to me. Nung una kasi wala lang siya sa akin eh. Na hanggang kapatid lang talaga siya ng mga kaibigan ko. Until, I started caring for her. Hindi ko alam kung kailan nag-simula pero I just started looking at everything she does, everything she sees and everything she is. I tried denying it to myself pero wala eh, it turned out that I actually like her.

Natapos na ang practice namin sa school at pauwi na rin ako pero gulo parin ng isip ko sa kung paano ako aamin kina Georvs. Hindi na kami madalas nagsasabay umuuwi ni Gwen dahil sa practice ko after class na dalawang oras kaya naman sinusundo nalang siya ng dalawa niyang kuya para isabay umuwi.

Naisipan ko na daanan muna ang bahay nina Gwen pero nung nasa tapat na ako ng bahay nila ay siyang paglabas ni Georvs. Nang makita niya ako ay dumiretso siya sa harap ko.

"Hindi ko alam na marunong ka palang gumawa ng tula" yon ang agad ang kanyang nabanggit sa akin ng nasa harap ko na siya.

"Anong ibig mong sabihin?" sabi ko. Hindi ko alam kung anong alam niya pero kinakabahan na ako. Pagkasabi ko nun ay siyang pag-angat niya ng sobre na may lamang sulat at alam na alam kong galing iyon sa akin.

"Tol"

"Bakit kapatid ko pa? Gago ka ba?" nakakunot-noo na sambit niya sa akin. Batid kong frustrate na frustrate na siya sa mga oras na ito.

"Gusto ko si Gwen, tol. Hindi ko maipapangakong hindi ko siya masasaktan, pero kung masaktan ko man siya, gagawin ko ang lahat, makabawi lang." Nakakunot-noo parin siyang nakatititig sakin. Siguro mga isnag minuto kami na nagsusubukan ng tingin pero maya-maya lang ay napapunas nalang siya ng mukha niya gamit ang kamay niya.

"Tinatago niya?" tanong niya na sinagot ko sa pagtango. "Itatago mo?" 

" Yon ang gusto niya eh."

High School Love BluesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon